Chapter 19

1144 Words
 Chapter 19             Maghahapon na ng mga oras na ‘yon, ilang minuto nang nakaupo si Agatha sa kama niya, iniisip niya kong paanong plano ba ang gagawin niya para mahuli niya ang suspek na hindi nito nahahalata, hindi niya gustong kambalaan si Alex na nagpapahinga ngayon, habang sila Dante at Alex naman ay bumalik sa mga trabaho nito.             Kailangan niyang mag-ingat sa kilos niya, hindi siya pwedeng magpatulong sa mga pulis dahil siya ang paghihinalaan na tumutulong sa mga suspek pagsinabi niya ang lahat, pero paano ba ang magiging hakbang niya?             Habang nasa kailaliman siya ng pag-iisip bigla na lamang tumunog ang cellphone niya na hawak-hawak, tinignan na muna niya ang pangalan na nakalagay sa screen niya, pangalan ng tumatawag ngayon sa kanya, ang lakas ng kabog niya nang malaman niyang suspek sa RAPE-SLAY CASE ang tumatawag sa kanya, hindi niya alam kong sasagutin niya ito.             Bago pa man ito mamatay, sinagot niya ang tawag, pero hindi na muna niya tinapat sa tenga, lumunok at bahagyang tinapat sa tenga ang tawag, “he-hello,” hindi niya gustong ipahalatang natatakot siya o anu pa man pero hindi niya maiwasan, nangangatog din ang kamay niyang hawak ang cellphone, wala siyang ideya kong bakit ito tumatawag sa kanya ngayon.             “He-hello Agatha, tulungan mo ako, kailangan kita at alam kong ikaw lang ang makakatulong sa akin ngayon,” hindi pa nakakasagot si Agatha sa kabilang linya nang mamatay na ito, sumunod naman na nagring ang cellphone niya ay dahil ito sa mensahe sa suspek, nakapaloob doon ang address ng lugar kong na saan ang suspek.             Isa lang ang na isip ni Agatha, siya na pala ang susunod na magiging biktima, kilalang-kilala niya ang mga salitang ginagamit ng binata na madalas niyang marinig sa panaginip niya, isang bitag na kailangan niyang iwasan, pero ito na rin ang nag-uudyok na gawin niya ang bagay na ito, para mahuli ang salarin.             Agad siyang lumabas ng bahay, nagpaalam siya na may bibilhin lang siya para hindi maisip kong saan siya pupunta. Dahil hindi niya kabisado ang lugar ng bayan, nagpatulong siya sa tricycle na sinakyan niya, ilang minuto ang nakalipas nang makarating siya sa isang bahay, malayo ito sa bayan, wala ring ka bahay-bahay sa mga paligid kong di ‘yon lang, parang gustong umatras ni Agatha.             Bago pa man siya tumuloy sa bakud, agad niyang tinext si Jane kong na saan siya at kailangan niya ng tulong sa mga oras na ‘yon, ang dalaga na lang ang pag-asa niya na hindi ito masira ang plano niya. Tinago niya sa bulsa ang cellphone niyang hawak, habang naglalakad siya papalapit sa bakud, sumasagi sa kanyang alaala ang ginawa niyang pagsiyasat sa suspek. ***             Nang matapos kumain ng binata, agad na umuwi si Shawn sa bahay nila, nang makaalis ang binata saka naman lumapit si Agatha kay Marcus, tinignan lang siya ng binata nang hinarangan niya ito sa daraanan, “anong kailangan mo, baka mamaya magalit si Alex sa akin?” Nakasimangot nitong saad kay Agatha.             “May itatanong lang ako sa ‘yo Marcus, importante ito, tungkol kay Shawn,” seryosong saad ni Agatha.             Nagtaas naman ang isang kilay ni Marcus, “si Shawn pala ang type at hindi si Alex at hindi rin ako, anu ka ba Agatha? Sobra-sobra na yong sakit ng puso ko, kaibigan ko pa talaga?”             Gustong mainis ni Agatha sa ugali ng binata pero kailangan niyang makumbinsi at mapaamin ito, “hindi ‘yon, magseryoso ka nga, itatanong ko lang sa ‘yo kong ano ang buong pangalan ni Shawn?” Tanong ng dalaga kay Marcus habang inaalala niya ang bituing tattoo ni Shawn sa batok nang makita niya ito kanina.             Agad naman na sumagot si Marcus, “Adam Shawn Santos, ‘yon ang kompletong pangalan ni Shawn,” sa pagkakataon na ‘yon nabato si Agatha sa narinig niya, hindi siya makapaniwala na si Shawn may maamong mukha at mukhang walang gagawing masama ang siyang salarin ng lahat ng nangyayare sa Claret. ***             “Shawn!” Sigaw niya mula sa labas ng bakud, pansin din niya ang bukas na pintuan sa harapan, pakiramdam niya walang tao sa lugar na ‘yon, ilang beses pa niya tinawag ang binata pero hindi ito sumasagot. Aalis na sana siya para bumalik sa bahay ng mga Marquez nang may marinig siyang kalabog at ingay ng animoy may naglaglagan mula sa loob kaya muli siyang bumalik sa bakud, sa pagkakataon na ito hindi na siya naghintay, pinasok na niya ang loob ng lugar.             “Shawn! Na saan ka?” Bawat hakbang at paglapit niya sa bahay, lalong lumalakas ang kabog ng dibdib niya.             “Tu-tulong!” Mula sa likuran ng bahay nang gagaling ang boses.             Agad na nagpunta doon si Agatha, nang makita niya si Shawn sa sahig at duguan, hindi siya agad lumapit kahit na nahihirapan ito, ang duguan nitong mukha, marumi nitong damit at nakakaawang mukha ang madalas niyang ipain sa mga nabibiktima nito, kailangan niyang mag-ingat dahil alam na niya ang tunay na Shawn.             “Ano bang nangyare sa ‘yo?” Pinapakalma ni Agatha ang sarili niya habang naghihintay kay Jane kong papunta na po ‘yon sa lugar kong na saan siya.             “May nanakit sa akin na mga tao, hindi ko sila kilala, basta na lang nila ako sinaktan,” mangiyak-ngiyak na sabi ni Shawn.             Napasulyap si Agatha sa buong paligid kong saan pwedeng pumasok ang mga sinasabi ng binata, pero wala siyang makitang lalabasan ng sinasabi nito, “bakit hindi ko sila nakita Shawn? Wala silang lalabasan dito, mataas ang bakud ng bahay mo.”             Natigilan ang binata at napatingala sa kanya habang nakaluhod sa sahig, “alam ko na ang plano mo Adam,” mas lalong napatulala ang binata kay Agatha nang sabihin nito ang tunay na pangalan ni Shawn. “Ikaw ang suspek sa nangyayareng p*****n at pang gagahasa sa mga inosenteng dalagang pinaglalamayan ngayon ng pamilya nila.”             “Paano mo nalaman ang lahat?” Hindi maikakaila ang pagtataka sa mukha ng binata, pero bigla na lamang itong ngumisi na siyang nagpakaba kay Agatha, “wala akong pake alam kong alam muna ang lahat.”             “Bakit mo ba ‘to ginagawa Shawn?” Nag-uumpisang magtubig ang mga mata ni Agatha dahil sa takot niya.             “Gusto mong malaman?” Tanong naman ni Shawn saka ito naglabas ng patalim mula sa bulsa nito at tumayo sa kinaluluhudan.             Umiling si Agatha at napaatras, tatakbo sana siya nang mahila ang damit niya ni Shawn, tinulak siya nito sa pader, sa sobrang sakit ng nararamdaman niya hindi niya maiwasang mapaigda at mapaupo, agad na tinutok sa kanyang leeg ang patalim na hawak ng binata kaya hindi siya makakilos sa puwesto niya, ni hindi siya makahinga ng maayos.             “Kong ayaw mong masaktan Agatha, susunod ka sa gusto kong mangyare,” ngising animoy demonyo ni Shawn na nakatingin sa kawawang dalaga.             Madalas makita ni Agatha ang mga kamatayan ng mga ibang tao, pero hindi niya inaasahan na ito pala ang magpapahamak sa kanya, ngayon nakikita na niya kong paano siya mamamatay, makikita niya ito ng gising, wala sa panaginip, lahat ng nangyayare ay totoo, naging tunay ang mga bangungot sa kanya mismo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD