Chapter

1595 Words
Chapter 18             Sobrang dilim na sa buong Claret, tahimik na, wala na rin lumalabas pagtuwing gabi lalo na ang mga dalaga dahil sa babalang nalaman nila galing sa mg pulis, tanging mga lalaki ang minsan na nakikitang tumatambay sa labas lalo na kong gabi, sa mga oras na ‘yon isa si Adam ang nasa labas ng bahay niya.             Huminto siya sa pintuan ng simbahan kong saan bukas pa ito, pumasok siya doon, tinaggal niya ang pagkakapatong ng hood ng itim nitong jacket na suot, kitang-kita ngayon sa batok niya ang maliit na tattoo na hugis star at kulay pula, naglakad siya sa gitna at nag-antandang krus.             Napasulyap siya sa maliit na cubicle at sa ibabaw nito ang kulay berdeng ilaw, ibig sabihin may pareng naghihintay para makinig sa mga kasalanan ng mga taong magpupunta doon at hihingi ng tawad. Wala siyang magawa ngayon, ni hindi rin niya magagawa ang gusto ng katawan niya kahit gustuhin man niya dahil marami pa ring pulis na nagbabantay sa bawat sulok ng Claret, una niyang naisip na kailangan niyang mag-ingat sa mga kinikilos niya.             Sa isip-isip naman niya sobra-sobra na itong ginagawa niya, nakakaramdam din siya ng takot, pero ang palagi niyang tanong sa kanyang sarili, ‘bakit ako ganito? Bakit hindi ko mapigilan ang katawan ko na hindi gawin ang bagay na ‘yon?’             Nang makalapit siya cubicle na kulay brown, binuksan ang pintuan at pumasok siya, maliit ang butas ng harang na namamagitan sa kanila ng pareng nasa kabila na handang makinig ng kwento niya, isa siyang makasalanang tao at marumi.             “Father,” bulong niya sa pader at umupo siya sa upuan sa loob ng pinasukan niyang cubicle, “may gusto po akong sabihin sa inyo.”             “Ano ‘yon iho?” Sabi ng lalaking boses sa kabilang cubicle.             “Makasalanan po akong tao,” wika ni Adam.             “Lahat ng tao ay may kasalanan anak, walang perpektong tao, lahat tayo ay nagkakasala, kaya ang dapat nating gawin ay magdasal sa Diyos at humingi ng patawad. Kong sincere ang ginagawa mo, ibibigay niya sa ‘yo ‘yon ng buong pagmamalaki at isasama ka niya sa kaharian niya, dahil hindi pa huli ang lahat.” Aniya ng pare sa kanya.             Napangisi na lamang siya bago muling magsalita, “sa tingin ko walang kapatawaran ang ginawa ko, alam kong lahat ng tao nagkakasala, hindi tayo perpekto, maliit man o malaki pagsinabi mong mali, mali talaga, pero sa ginawa ko at sa pang araw-araw na ginawa ko, hindi na ata ako papatawarin ng Diyos, ilang beses na akong humingi ng patawad sa kanya, pero mismong katawan ko ang may gustong gawin ang lahat ng ‘yon, hindi ko mapigilan, malaki ang hatid n’un sa akin pagginagawa ko ‘yon, pero alam kong mali.”             Nag-uumpisa na naman maramdaman ng binata ang pagkagusto niyang makipagtalik pero kailangan niyang pigilan ang sarili niya, hindi pa ito ang oras para gawin niya ‘yon.             Hindi umiimik ang pare at animoy hinihintay ang susunod niyang sasabihin.             “Malaki ang pagkakamali ko sa lahat ng tao dito sa Claret, may mga dalaga akong pinatay, hindi lang ‘yon ginahasa ko sila, gusto kong makipagtalik sa kahit kanino, dahil ‘yon ang gusto ng katawan ko, hindi ako anak ng Diyos na sinasabi mo, anak ako ng demonyo, nabuhay ako sa lupa para gawin ang bagay na ito, pakiramdam ko na pagginagawa ko ‘to mas lalo pa akong lumalakas, patawarin ninyo ako Father.” Ang lakas ng t***k ng puso niya at agad na lumabas ng cubicle.                        Mula sa kabilang cubicle gulat na gulat ang pare at hindi makapaniwala sa narinig nito, dahil nakikipag-usap siya sa pinaghahanap ng mga pulis, ang totoong suspek sa mga nangyayare sa Claret.             Tinago muli niya ang ulo sa hood ng suot niyang jacket, nagmadali siyang makalabas ng simbahan, narinig pa ni Adam na tinatawag siya ng pare, pero tumakbo na siya, dumaan siya sa gilid at likuran ng simbahan para walang makapansin sa kanya, agad siyang nagtago sa mapunong lugar, sinilip niya kong hinahabol pa siya ng pare pero hindi na siya nito nasundan pa. ***             Maaraw na nang magising si Agatha mula sa panaginip niya, pero sa pagkakataon na ito, hindi tungkol sa pagpatay sa nagngangalang Adam ang nakita niya, kong di ang pagpunta nito sa simbahan, isa lang ang nakita niya sa panaginip kahit na malabo pa rin ang mukha nito sa kanya, ang tattoo nito sa batok na hugis bituin na kulay pula.             Umalis na siya sa kama niya at nag-asikaso ng pagligo. Pagkatapos ay agad siyang bumaba sa sala, nakita niya sila Alex, Jane at Dante na nagkakape, nagtatrabaho ito sa tuwing gabi, pinagsisihan niya tuloy na dinamay pa niya ang tatlo, na imbes nasa bakasyon ang mga ito kailangan lang magtrabaho dahil sa nangyayare sa Claret, binati niya ang mga ito nang makalapit siya.             Agad na hinawakan ni Alex ang kamay niya ng tumabi siya sa binata, sumandal ito sa balikat niya, “ayos ka lang ba?” Tanong ni Agatha sa binata.             Magsasalita pa sana si Alex nang magsalita si Dante.             “Hindi siya ayos, nagrereklamo siya na masakit ang ulo niya kagabi kaya medyo matamlay pa, tignan mo kawawa naman,” wika ni Dante.             Umayos ng upo si Agatha at lumayo ng bahagya para makita si Alex, kitang-kita nga niya ang tamlay ng mukha nito, sinimangutan naman ng binata si Agatha.             “Ayos lang ako,” giit ni Alex.             “Magpahinga kana, halika sasamahan na kita sa silid mo,” sabi ni Agatha.             Hindi gustong makipagtalo ng binata dahil siguro masama ang pakiramdam nito kaya naman sumama na lamang ito kay Agatha.             Nagpaalam na muna si Agatha kila Jane at Dante. Nang makarating sila sa silid ni Alex, pinahiga naman ni Agatha ang binata sa kama nito, pinikit ni Alex ang mga mata niya nang makahiga ito habang si Agatha naman ay nakaupo sa gilid ng kama sa tabi ni Alex.             Naawa siya si Agatha kay Alex, “hindi muna kailangan titigan ang mukha ko, alam kong gwapo yan,” sabay ngisi ng binata kahit nakapikit pa rin ito.             Natawa naman si Agatha, “ngayon ko lang nalaman na kaya pala madalas kayong magtalo ni Dante kasi dahil sa kayabangan mo, yong masyadong pagmamahal mo sa sarili mo at paniniwala mong gwapo ka,” sarkastikong saad ng dalaga.             Dumilat naman si Alex at napataas ang isa nitong kilay, “gwapo ako at alam mo yan.”             Lalong tumawa si Agatha, “oo na, oo na, naniniwala na ako sa ‘yo.”             Nakangiti lang si Alex at naiwang nakatitig kay Agatha, “I miss you Agatha.”             Natigilan ang dalaga sa narinig niya at naramdaman niya ang pag-iinit ng pisngi niya, ang lakas ng kabog niya, “I miss you too Alex, kong di dahil sa akin hindi ka mapipilitan na magtrabaho.”             Umupo si Alex at lumapit pa lalo sa dalaga, “hindi muna man kasalanan ‘yon, mas maganda nang ako ang mag-asikaso kesa ikaw, baka mapahamak kapa.”             Nagkunwaring nalulungkot si Agatha, “wala ka bang tiwala sa akin na kaya ko.”             “Wala talaga akong tiwala pagdating sa mga gano’ng bagay, pero may tiwala ako sa ‘yo na gusto mo ako,” nilapit ni Alex ang mukha niya sa dalaga, “na mahal mo ako, doon ako nagtitiwala.”             Napangiti si Agatha at kong anong saya ang nararamdaman niya sa mga sinabi ng binata, binaba ni Alex ang mukha niya, pagkakataon para maglapat ang labi nila, naramdaman ni Agatha ang malambot na labi ng binata, napapikit siya at kosang dinala ng mga kamay niya sa batok ng binata, sinasabayan niya ang bawat halik na binibigay sa kanya ni Alex.             Hindi nila na pansin na napahiga na ang binata at nasa ibabaw si Agatha ng binata, bumaba naman ang mga kamay ng binata papunta sa bewang niya, ang isa nito ay nasa loob ng damit niya sa likuran kaya ramdam niya ang kakaibang kiliti sa buong sistema niya, kakaiba na sa lahat ang halik na binibigay sa kanya, animoy nagmamadali sila.             Muling bumalik ang mga kamay ni Alex sa mukha niya, unang huminto si Agatha, hingal na hingal sila nang kumalas sa bawat isa, narinig niyang napamura si Alex habang siya’y gulat na gulat sa nangyare habang hinahabol pa rin ang hininga niya.             “Alam kong best medicine ang love making sa lagnat ko,” nagulat si Agatha sa sinabi ni Alex kaya tumayo na siya, kitang-kita ng binata ang pamumula ng mukha niya.             “Kukuha lang kita ng agahan mo sa baba,” hindi na niya hinintay pa ang sasabihin ni Alex at agad siyang lumabas ng silid.             Ilang beses niyang tinanong sa sarili niya kong bakit ginawa niya ang bagay na ‘yon o nadala lang siya, pagbaba niya sa hagdan nakasalubong naman niya si Marcus at Shawn, bumati ito pareho sa kanya.             “Inuwi ko lang dito si Marcus dahil nakitulog siya sa amin,” anya ni Shawn.             Alam ni Agatha na nagpaalam si Marcus na aalis noong gabi, pero hindi niya alam na hindi pala ito nakauwi kagabi, ka uuwi pa lamang nito kasama pa ang kaibigan, isa lang ang unang na isip ni Agatha ang panaginip niya kagabi din tungkol sa simbahan.             Simula nang malaman ng pamilya Marquez ang tungkol sa kanila ni Alex, hindi na nangungulit pa si Marcus sa kanya, isang bagay na pansin niyang pagbabago animoy dumidistansya na ito sa kanya, katulad ng dati hindi siya inimik ni Marcus.             “Sige makiki-almusal lang kami,” wika ni Shawn, ngumiti lang siya bilang pagsang-ayon.             Sinundan niya ng tingin ang dalawa, unti-unting nang laki ang mata niya ng makita niya ang batok ng dalawang binata, pamilyar sa kanya ang hugis bituin na kulay pula sa batok ng isa sa kanila, “Adam?” Bulong niya sa isa pang pangalan ng isa sa kanila, hindi siya makapaniwala na isa sa kanila ang suspek sa pagkamatay ng mga dalaga sa Claret.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD