Chapter 17
Nakatuon ang pansin ni officer Nathan ang mga mata niya sa screen ng laptop, gusto niyang makita ang listahan ng mga nabigyan ng kaso sa bayan ng Claret tungkol sa iba’t ibang krimen, unan niyang pinuntahan ang folder na may pangalan na RAPE SLAY CASE/UNKNOWN. Napakunot noo si Nathan nang mabasa ang pangalan na ‘yon saka pinindot ang click para mabuksan ito, nakita niya ang nag-iisang document file nakalagay doon.
Nang buksan naman ni Nathan ang document file, bumungad sa kanya ang mga salitang nakapaloob doon. Nabasa niya ang pangalan ng isang taong hindi niya kilala, pati ang mug shot nito, isang binata, inumpisahan niyang basahin ang mga nakasulat.
Nakapaloob doon na dinala na ang kaso sa kurti, tungkol sa pang-ri-rape ng isang binata sa dalaga at pinatay, pero dahil hindi ito napatunayan, ito’y agad na sinara dahil kulang ang mga ebidensyang nailabas.
Binulong ni Nathan ang pangalan ang binatang nabasa niya, “Adam Santos.”
Isa lang ang naisip niya, gusto niyang buksan uli ang kaso ng binatang si Adam tungkol sa rape case at murder. Na baka may koneksyon ang binata sa mga nangyayari ngayon sa Claret. Kinuha niya ang address ng nasabeng biktima sa kaso, balak niya itong puntahan, hindi rin niya balak sabihin kay Irene ang gagawin niya.
Kalahating oras ang binayahe ni Nathan makarating lang sa nasabeng address ng biktima ni Adam noong nakaraang taon ayon sa nabasa niya, bumaba siya ng kotse ng maiparada niya ito sa harapan ng maliit na bakud, malayo-layo rin ito sa mismong bayan at walang ga’anong bahay sa paligid, halos mapuno at sa mga likod bahay, makikita ang mga talahiban.
Lumapit siya sa bakud ng bahay, saktong may palabas na tao mula sa bahay, “excuse me po!” Agad siyang gumawa ng ingay habang nasa labas siya, napasulyap ang matandang lalaki sa kanya at inayos ang suot nitong salamin bago sa kanya lumapit.
“Sino po sila?” Tanong nito sa kanya nang makalapit, may katandaan na ang lalaki pero may malakas pa itong pangangatawan.
“Isa po akong pulis, ako po si Nathan Bustamante galing sa Maynila at pinadala dito para tumulong sa mga pulis dito sa Claret,” paliwanag ni Nathan.
Lalong naging matamlay ang mukha ng matanda nang makilala siya, “alam kong anong pakay mo sa akin iho, tatanungin mo ako tungkol sa pagkamatay ng apo ko at tatanungin mo ako kong totoo ba ang lahat ng ‘yon, dahil ang nangyayare sa bayan ng ay nangyare din sa amin noong nakaraang taon.”
“Gano’n na nga po, kong maari po eh tulungan ninyo po kami,” wika ng binata.
Umiling-iling ang matanda, “kayo ang humihingi sa amin ngayon? Bakit kami nong humingi kami ng tulong galing sa mga pulis, walang nag-asikaso dahil mahina ang ebidensya,” yumuko ang matanda at kinusot ang matang nagbabadyang lumuha, “pero sa tingin ko kasalanan ko rin kong bakit hindi ko nakuha ang hustisya ng para sa apo kong namatay, ako ang may kasalanan ng lahat ng ito.”
“Ano pong ibig ninyong sabihin?” Sumulyap naman muli ang matanda nang magtanong si Nathan.
“Halika dito iho pumasok ka,” saka pinagbuksan si Nathan ng maliit na gate at pinatuloy sa maliit na kubo.
Walang katao-tao sa loob at bahagyang madilim dahil sa mahinang uri ng ilaw na ginagamit sa bahay, simpleng lang ang bahay at kakaunti ang gamit sa loob. Pinaupo si Nathan sa upuang gawa sa kawayan at gano’n din ang matanda.
“Ako pala si Ignacio Martinez, pwede mo akong tawaging mang Ignacio kong gusto mo, nag-iisa na lang ako sa buhay ko, wala na ang anak ko at ang apo ko, iniwan na nila ako,” lungkot ang makikita sa matanda habang nagsasalaysay ito.
“Ano bang gusto mong malaman iho?” Tanong ni mang Ignacio.
“Bakit ninyo po nasabeng kasalanan ninyo ang lahat? Ano po ba talagang nangyari sa apo ninyo?” Kong maari maraming gustong itanong si Nathan pero kailangan niyang isa-isahin para makuha niya ang sagot sa mga tanong niya.
“Nakita ko siya kong paano niya pinatay ang sarili niyang kadugo, pinatay ni Adam ang kapatid niya sa ina na si Angel, namatay ang ina nila sa isang raid ng bar sa Maynila, ako naman ang nagpalaki kay Angel, pinamigay naman niya si Adam sa ka kilala namin, apo ko silang pareho, pero magkaiba sila ng ama at hindi ko sila nakilala kahit na kailan.”
Nagulat si Nathan sa nalaman niya, pero tumahimik pa rin siya at pinakinggan ang salaysay ng matanda sa kanya.
“Hindi nila alam na magkapatid sila, pero nilalapitan ko pa rin si Adam sa bago niyang pamilya, pero habang tumatagal at lumalaki siya, nag-iiba ang ugali niya, hanggang sa malaman ko na kaya siya nagkaka-gano’n dahil sinasaktan siya ng mga tinuring niyang magulang, doon ko rin nalaman binebenta siya at pinapagamit sa mga kaibigang bakla ng mga magulang niya, dahil sa nalaman ko kinuha ko siya sa mga nagpalaki sa kanya.”
“Nang tumagal bumabalik na siya dati, hanggang sa ito pa lang pagkakamali ko ang hindi ko inaasahan na gagawin niya, madalas ko siyang mahuling tinitigan ang kapatid niyang si Angel, dahil hindi nila alam na magkapatid sila, akala ko wala lang ang lahat ng ‘yon, hanggang sa nangyari na nga ang kinatatakutan ko, hindi ko na nailigtas ang apo kong si Angel sa kanya, patay na nang makita ko si Angel sa kama niya habang hawak ni Adam ang kutsilyo, hindi ko alam kong anong mararamdaman ko ng mga oras na ‘yon.”
“Pina-autopsy ang bangkay at nalaman na ginahasa si Angel ng mismong kapatid niya, doon ako nagsampa ng kaso sa sarili kong apo, pero kamag-anak ko sila, binago ko ang lahat, binawi ko ang kaso para kay Adam, hindi ko rin masabi ang totoo na magkapatid sila, para akong nagpalaki ng demonyo sa sarili kong pamamahay, pagkatapos n’un hindi ko na siya nakita pa, alam kong nasa Claret pa si Adam pero hindi ko na siya nakikita.”
“Ni minsan hindi na ako lumabas ng bayan, nanatili ako dito sa bahay ko dahil kahihiyan ng pamilya ko, masyadong magulo, hindi ko na kayang ayusin ang gusot na nakuha ng apo ko, dahil kasalanan ko ang lahat, kong hindi ko siya pinayagan na ipamigay, hindi ‘to mangyayare, walang magulong mangyayare, hanggang ngayon hindi ko siya kayang harapin, hindi ko kayang harapin ang pamilyang nagawan ng kasamaan ng apo ko,” dahan-dahan lumuhod si mang Ignacio sa harapan ni Nathan.
Nanigas naman ang binata sa puwesto niya, ito na ata ang pinakamatinding nalaman niya sa lahat tungkol sa kasong hinahawakan niya, bago siya umalis ng bahay, inalo na muna niya ang matanda at pinakalma, nagpasalamat siya dahil malaki ang maitutulong nito sa paghahanap ng suspek, ngayon lang niya nalaman na may iba pang pangalan ang suspek, alam na rin niya kong saan niya ito mahahanap.