Chapter 16
Sa bago homicide case nila Irene at Nathan ay isang pamilya, patay ang ama, ina, ang anak nitong dalagang babae na katulad ng naunang homicide victim meron itong hiwa sa magkabilang gilid ng labi, patay din ang anak nitong binata na sinasabing Joker na siyang pumatay sa iba pang biktimang dalaga. Ang sinasabing Joker ng pamilya Dela Cruz ay may personality disorder o pababagpo-bago ng ugali ng isang tao.
Sinasabi ng lahat na ito mismo ang sinasabing Joker, madaling araw nang may makakitang kakapasok lang ito sa bahay ng katulong ng pamilya, madumi ang damit nito, isang ingay din ang narinig sa loob, animoy nagtatalo ang pamilya, sigawan at iyakan. Sinabi rin ng katulong na pinatay ng binata ang pamilya niya dahil hindi ito matanggap na iba siya sa lahat, pagkatapos n’un ay nagpakamatay din ang binata sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili.
Napaisip si Nathan, hindi niya inaakala na ganito kabilis mangyayare ang lahat, ayos lang sana na mapabilis ang lahat, pero pakiramdam niyang may mali sa lahat ng nangyayari, nalaman kasi nila na wala sa fingerprints ng binata ang mga nakitang fingerprints sa katawan ng mga namatay na dalaga, hindi sila magkatugma.
“Anong sa tingin mo detective?” Tanong ni Nathan kay Irene na malalim din ang iniisip katulad niya.
Sumulyap si Irene sa kay Nathan na may seryosong mukha, “hindi siya si Joker, ayon sa nabasa ko, wala naman siyang record na nanakit o pumatay siya sa kahit sinong taga-Claret, may ilang rehab session siya sa mga rehab center dahil sa problema niya, katulad ng fingerprints ni Joker sa mga dalaga, meron din sa pamilya, sa tingin ko nililito niya tayo para hindi matuon ang pansin natin sa kanya.”
“Nakikipaglaro siya sa atin Nathan, pero hindi niya alam na makakapasok tayo sa pain niya, nakakatawa siya, ito na ata ang pinakanakakatawang kasong nahawakan ko, pumatay siya para matakpan pa ang problema niya, ano ba talagang motibo niya sa mga pinaggagawa niya?” Pag-iisip ni Irene na siyang gano’n din ang umiikot ngayon sa isipan ni Nathan.
“Isa lang ang sigurado ko, nililito niya tayo,” tumango naman si Irene sa sinabi ni Nathan.
Natigilan ang dalawa sa loob ng opisina nang magbukas ang pintuan, “may naghahanap po sa inyo,” anya ng pumasok at saka nito pinapasok ang tatlong tao.
“Sino sila?” Tanong ni Nathan sa tatlong bagong dating.
“Ako si officer Alex,” pakilala ng bagong dating sa dalawa. Saka naman pinaliwanag g bagong dating na si PO1 Montero na isa pala itong pulis kasama pa ang dalawa, ang tatlo ay pinadala para tumulong sa kanila, may mga background din pala ang mga ito tungkol sa mga murder case, pero mas marami itong karanasan kahit baguhan pa lang kesa kay Nathan.
Pinaliwanag naman ni Nathan at Irene tungkol sa mga nangyayari, hindi naman ito masyado nagtanong, animoy alam na ang lahat ng nangyayari. Sinabi din nila ang tungkol sa nangyari sa pamilya, na pansin ni Nathan na animoy malalim ang iniisip habang nakapalibot sila sa harapan ng bilog na lamesa.
“Nababantayan ba ang mga lugar kong saan nang galing si Joker o mga lugar ng mga biktima?” Tanong ni Alex kila Nathan.
“Oo, hanggang ngayon na andoon pa rin sila,” sagot ni Nathan.
“Sa tingin ko hindi lang ‘yon ang babantayan natin, pati yong mga lugar na akala natin hindi niya mapupuntahan, mas maganda kong 24 hours bantayan natin ang mga lugar ng Claret, tago man yan o hindi, sa gano’ng paraan mahihirapan siyang maghanap ng biktima, madali rin natin siyang makukuha,” paliwanag ni Alex sa kanilang lahat.
Sumang-ayon naman sila Nathan sa suwestyun ni Alex sa kanila, hindi niya akalain na makakatulong pala sa kanila ang pagdating ng tatlo, sana malaman na nila kong sino nga ba ang gumagawa ng lahat ng ito sa Claret o may kinalaman din ito sa nawawalang batang si Julie na hanggang ngayon ay hindi pa rin nila mahanap.
~*~
Naglalakad si Adam papuntang palengke, isa lang ang napapansin niya simula nang lumabas siya ng bahay, maraming pulis na nagkalat kong saan-saan, nagkunwari siyang normal kahit na sa totoo lang kumakalabog ang puso niya sa kaba, dahil sa kasalanan niyang nagawa.
Akala niya matatahimik na ang mga pulis, pero nagkamali siya. Akala niya ang paglito sa mga pulis ang magandang sagot sa problema niya, dahil kong sakalaing magagawa niya ‘yon pwedeng tumigil na ang mga pulis at magawa na naman niya ang addiction niya na hindi niya kayang tanggihan.
Gumawa siya ng paraan, kinuha niyang kasagutan si Billie, isang may disorder na anak ng mga Dela Cruz, pinatay ang buong pamilya nito, para maisisi kay Billie ang lahat, pero mukhang mali ata ang nagawa niyang hakbang.
“Bwisit,” bulong niya sa kanyang sarili.
Nakita niya ang tatlong mukhang pamilyar sa kanya, noong nakaraang araw lang niya nakita ang mukha ng mga ito, kasama ang ibang pang pulis, ito ang mga nagbabakasyon sa bahay ng mga Marquez, malaki ang pamilya ng Marquez at sikat sa bayan ng Claret, imposibleng hindi niya mabalitaan ang mga bagay na ‘yon, ang pagkakaalam niya pulis ito sa Maynila.
“Tumutulong ba sila sa mga nangyayari?” Tanong niya sa kanyang sarili animoy may tinatanungan siya, samantalang siya lang mag-isa habang naglalakad.
Hindi na siya dumiretso sa palengke at dumaan na muna siya sa bahay ng Claret para magmasid dahil may isang dalagang napukaw ng atensyon niya. Nakatago siya sa isang puno, sinigurado niyang walang makakakita sa kanya.
Saktong lumabas naman ang dalagang hinahanap-hanap niya, alam niyang kasama ito ng tatlong pulis na galing Maynila, animoy nabubuhayan siya ng dugo, ang maamo nitong mukha, ang maliit nitong katawan at may misteryosong katauhan. Gusto niyang lapitan ang dalaga pero alam niyang hindi pa ito ang oras, kailangan niyang mag-ingat, hindi rin ito ang oras para gumawa na naman siya ng hakbang sa magiging biktima niya.
“Agatha,” binigkas niya ang pangalan ng dalaga habang nakangisi.
~*~
Natigilan si Agatha nang maramdaman niyang may tumitingin sa kanya, nagtataasan ang balahibo niya sa batok, gano’n siya pag-alam niyang may nagmamasid sa kanya na hindi niya alam kong sino, nasa labas siya ng gate dahil tumutulong na naman siyang magdilig kay Mrs. Marquez, kosang siyang sumulyap sa nag-iisang punong nakatayo sa kabilang kalye.
Nakaramdam siya ng kaba ng lumakas ang hangin, binitawan niya ang sprinkler na hawak, tatawid sana siya sa kabilang kalsada nang tumunog ang kotse, napasulyap siya sa paparating na kotse ni Dante, nag-park ito at agad na lumabas si Alex kaya napangiti siya.
“Hi,” bati ng binata sabay halik sa noo niya. “Medyo nagugutom na ako, nakahanda na kaya yong tanghalian?”
“Malapit na,” wika niya.
Narinig nila ang pang-aasar ni Dante tungkol sa pagiging malambing ni Alex sa dalaga, pero hindi ito pinansin nila Agatha, bago pa man sila pumasok, sumulyap pang muli si Agatha sa punong lalapitan niya sana.