Alexandra's P O V "Bilisan mo na jaan baka nagalala na si mama, buong gabi pa naman akong di nakauwi." Utos ko kay kin. Ang bagal kasi kung kumilos eh! Kasalanan niya kasi kung bakit hindi ako nakapagpaalam na hindi ako makakauwi kagabi, eh? Kinuha niya kaya ang phone ko, at nilagay sa silent mode, iyon tuloy sana nakatawag pa ako. Nakakailang missed call kaya si mama kagabi sa'kin. Lagot ako nito. "Oo! Ito na po!" Sagot niya. Maya maya ay lumabas narin siya sa tree house after 48 years. Ang tagal eh! Hindi na ako nakapaghintay na makababa ito at nauna na akong maglakad. "Oooy! Hintayin mo ako!" Rinig kong sigaw niya. Hininaan ko nalang ang aking paglalakad upang maabutan pa niya ako. "Naalala mo pa ba noong hinimatay ka sa gitna ng gubat?" Tanong niya sa'kin. B