Kinjie's P O V Halos aabutin na ako dito ng isang oras sa paghihintay kay alex na kanina pa umaalis papuntang comfort. Magiisang oras narin mula noong iniwan niya ako dito sa mesa. Hindi na ako mapakali dito habang hinihintay siya. Iba narin ang takbo ng aking hinala. Malakas ang aking kutob na baka'y may nangyari nang masama doon sa comfort. Hindi na ako nakapaghintay at tumayo na ako mula sa aking kinauupuan at nagtungo papuntang girl's comfort room. Malakas ang t***k ng aking puso habang hinahakbang ang comfort na ito. Ang mga masasamang hinala sa aking utak ay patuloy parin sa pag-ikot. Nang makarating ako dito ay wala ni isang tao ang nasa loob nito, kaya tuluyan na akong pumasok sa loob. Nilibot ko ang aking buong paningin sa loob ng comfort ngunit wala ni kahit i