Part 7: Taga Pag ligtas

2806 Words
My Guardian Devil AiTenshi Part 7: Taga Pag ligtas "Sa palagay mo ba may kinalaman nga kay Yul yung kaganapan kagabi?" tanong ko habang nag lalakad kami ni Santi patungo sa HNP o Hell National Police. "Aba e 98% yan, sure na si Yul iyon at yung 2% naman ay yung kagwapuhan niya. Sino pa ba ang susundan? Alam mo may something dyan kay Papa Yul na hindi pa natin na di-discover! Im sure isang malaking pasabog na revelation iyan," ang wika ni Santi. "Ayoko nang isipin dahil baka mabuang lang ako, ayoko na rin sumangkot sa ganyan dahil baka next time ay mamatay na ako. Ibabalik ko na ngayon ay Boss Lu yung kontrata," ang wika ko naman na may halong galit. "Alam mo iyan ang hirap sa mga ganito misyon e, hindi natin alam kung anong mangyayari. Diba naka takdang mamatay iyang si Papa Yul? Baka naman bukod kay Lord doon sa itaas at kay Lord Sate dito sa ibaba ay baka may nag nanasa rin sa kanya? We can never tell," ang wika ni Santi sabay hila sa akin sa loob ng police station. At iyon nga ang set up,muli kaming nag report ni Santi sa pulisya at katulad ng dati ay hinahanapan naman kami ng pruweba ng mga ito lalo't ang sinasabi raw namin ay imposibleng maganap, "Wala namang nakaka takas na preso doon sa Hell Prison, kaya't sa tingin ko ay kailangan ninyo ng pruweba para mapatunayan ang problema sa pag duduty bilang guardian. Marami kasing member ng guardian na gumagawa lang ng kwento para iterminate ang contract nila, kaya ngayon ay maingat na kami at mas wais kumpara sa dati," ang wika ng chief. "Pruweba nanaman? Bakit mga mamang pulis, hindi pa ba sapat na ebidensiya ang mukha ng kaibigan ko? Tingnan niyo nga bugbog sarado at puro galos ang kanyang mukha, puro kalmot at halos may bakat pa ng sakal sa kanyang leeg. Ano nalang ang sasabihin ng mga followers nya sa twitter at f*******:? Naku kapag nabawasan siya ng supporters ay mananagot talaga kayo sa akin!"ang gigil na hirit ni Santi habang ipinag tatanggol ang aming mga sarili. "Sinasabi niyo ba na baka nag iimbento lang ako? Sa tingin niyo ba kaya kong saktan at sugatan ng ganito ang mukha ko? Saka bakit hindi kayo ang mag tungo doon para mag imbestiga?" ang sagot ko naman. "Kaya nga mga mamang pulis! Para hindi na kayo mag hanap ng ebidensiya edi kayo mismo ang mag tungo doon at lumaban sa mga kaluluwang ligaw! Mag tungo kayo doon! Right here, right now! Yeah yeah, yeah yeah!" ang pag suporta ni Santi. "Maniwala kayo sa amin, sinalakay kami ng mga kakaibang nilalang. Para silang mga tao ngunit anyong halimaw!" sabi ko habang nakatingin kay Santi. "Teka frend bakit sa akin ka nakatingin nung sinabi mong ang "anyo ng halimaw?" may problema ba tayo? Nakaka halata na ako ha!" ang pag mamaktol nito. Tumayo ang hepe ng pulisya at sinabing "Kung wala kayong ebidensya naipapakita, hindi naming masusulusyunan ang inyong problema. Bumalik nalang kayo sa susunod na araw! Saka pwede kayong makipag usap kay Boss Lu para isama siya doon sa site kung saan kayo inaatake." "Teka may ebidensiya ako! Naalala ko na frend nag selfie ako habang nakikipag laban kagabi, actually pang post ko talaga to sa IG para matalo ko yung mga friends ko doon na nag popost ng mga pagkain nila mamahalin. Buti nalang at naisipan ko ito oh, edi very good ako," ang hirit nito habang excited na kinukuha ang kanyang cellphone. Iniscan niya ito habang naka tingin ako. "Ano ba iyan puro d**k pic naman iyang gallery mo," ang bulong ko sa kanya. "Picturan mo naman yung d**k ni papa Yul para complete na ang collection ko ng 101 handsome d***s in the Philippines. Kahit mga 12 shots lang na iba-iba ang anggulo," ang bulong niya. "Sira, asan na yung picture?" tanong ko kasi nakataas na ang kilay ng mga pulis na parang inip na inip dahil mas inuna pa ni Santi ang kadaldalan niya. Maya maya ay nahanap niya ang larawan at galak na galak itong ipinakita sa lahat, "Oh ayan ang ebidensya!" sabi nito sabay pakita ng isang larawan na nag se-selfie sya habang hawak ang baril at nasa likod nya ang mga nilalang na ligaw."Eto ang mag papatunay na wala kaming ginagawang masama! I did not kill anybody!" ang mala Nora niyang tono. "Aba't nagawa mo pa talagang mag selfie kagabi habang nakikipag laban ka?" tanong ko sabay agaw ng larawan at tiningnan kong mabuti ang mukha, malinaw man at nakikita ang mga ebidensiya. "Oo naman frend saka kakadownload ko lang ng new version ng camera 360 kaya maganda ang shot," ang sagot ni Santi habang tuwang tuwa. "Hoy kayong dalawa, tumahimik nga muna kayo, ano lulutasin ba natin ang kasong ito o mag se-selfie nalang kayo mag hapon?" pag bawal ng mga pulis. "Siyempre lulutasin, kailangang malaman kung ano ang mga iyan! Justice for us!! At kung bakit nang gugulo sila! Hindi tama yung ginawa nila kay Devon! Paano nalang yung flawless na skin niya kung mag pupuro gasgas ito?" reklamo ni Santi na talagang siya nalang ang nakipag laban sa mga pulis. Pinag aralan ng mga pulis ang larawan sa iba't ibang anggulo.. Tahimik. Halos ilang minuto rin nilang pinag masdang mabuti ang larawan at doon ay nasagot nila ang aming mga katanungan. "So anong findings? Legit diba?" tanong ni Santi. "Hindi halimaw ang mga ito kundi mga kaluluwang tumakas sa purgatoryo. Sila ang mga kaluluwa na hindi matanggap ang kamatayan kaya’t ang ilan sa kanila ay sumasanib sa ibang katawan para gumawang lagim sa lupa. Mahigpit na ipinag babawal ng batas sa langit o sa lupa ang pag sanib sa ibang katawan para muling mabuhay. At ang intension ng mga ito ay katulad din ng nais ng nakararaming ligaw na kaluluwa, ang muling maka balik sa katawang lupa nila. Karaniwan ang mga kaluluwang ligaw ang mga taong papakamatay at ayaw silang tanggapin sa tahanan ng dalawang Diyos sa taas man o dito sa ibaba. Kaya ang mga taong nag papakamatay ay hindi pinapayagan ilibing sa loob ng sementeryo, doon lang sila bungad inilalagay bilang pag babayad sa kanilang kasalanan. Ang ibang kaluluwang ligaw naman ay mag kaluluwang hindi matanggap na sila ay pumanaw na kaya hindi sila umaakyat sa langit o bumababa dito sa ilalim ng lupa. Basta nanatili lang sila mundo ng mga morta na pagala gala. Mayroon ding mga kaluluwang ligaw ng mga pinatay na tao, yung mga hindi matahimik at nais mag hinganti. Ang mga kaluluwang ito ay nakakaramdam ng sakit ng paulit ulit, sila yung karaniwang basa ang katawan dahil mas dinaramdam nila ang sakit. Kaya basa ang kanilang mga katawan ay dahil galing sila sa tubig. Ang mga kaluluwang pinapatay ay karaniwang natatagpuan ang sarili nilang nakalutang sa tubig. At mayroon ring kaluluwang ligaw na mayroong unfinished business sa mundo, maaaring mayroon silang mga mensaheng gustong iparating sa mga kaanak na naiwan at maaari rin namang mayroon silang taong nais balikan o pag higantihan kaya hindi sila matatahimik. Ang lahat ng kaluluwang ligaw na ito ay may agenda at ang pag kakatulad ng layunin nila ang makabalik sa mundo ng mortal para sa isa pang pag kakataong mabuhay," paliwanag ng mga pulis. "Pero teka,bakit kay Yul?" ang tanong ko na hindi maitago ang pag kalito at matinding pag tataka. "Hindi namin masasagot iyan,ang mahalaga sa ngayon ay alam na natin ang mga sumasalakay sa inyo, at gagawa kami ng aksyon para mailayo ang mga kaluluwang ligaw sa bagay inyong binabantayan. Sa ngayon ay iyon lang ang tanging magagawa natin hanggang hindi pa natin alam kung ano ang tunay na nangyayari," ang paliwanag ng pulisya. Ako naman ay natahimik lang at napabuntong hininga, nag pasalamat kami ni Santi sa mga pulis ng HNP at nag pasyang mag lakad muna sa labas para makapag isip. "Anong reaksyon ni papa Yul noong gumising siya kanina?" tanong ni Santi. "Noong sumapit ang bagong araw ay normal naman ang lahat, walang bakas ng labanan, bumalik rin agad yung kuryente, walang malay si Yul sa mga nangyari, mainam na rin iyon para hindi ito mag bigay ng trauma sa kanya," sagot ko naman. "Kung sa bagay, maka kita ka ba naman ng isang katerbang kaluluwang gala at mag entity na kung anu ano, tiyak na di mo kakayanin. Pero naaawa ako dyan kay papa Yul, sadyang may taong lapitan ng mga espiritu na kahit anong gawin nila ay naka sunod sa kanila ang mga ito," ang sagot ni Santi sabay abot sa akin ng kahon, "Nag lalaman iyan ng mga gamot at first aid kit, lagyan mo yang sugat mo para mas mabilis kang gumaling," ang dagdag pa niya. "Salamat dito, mamaya ay susubukan ko nalang lagyan ng barrier yung buong silid, time out muna ako sa pakikipag laban. Hindi naman sila ganoon kalalakas pero mapapagod ka lang talaga sa dami nila na parang hindi nauubos," sagot ko. "Kaya nga, itulos mo itong apat na kandilang itim doon sa apat na sulok ng silid ni papa Yul para mag karoon ng barrier sa inyo. Pati ako nastress na rin e." dagdag ni Santi sabay abot ng isang bagpack na may lamang mga kandila, "Oh pano frend, babalik na muna ako sa duty ko, ang dami ko nang undertime dahil sa iyo." "Pasiensya kana Santi ha.Salamat,makakabawi rin ako sayo at sana ay effective itong kandila mo,"  wika ko habang naka ngiti. "Trust me! Ang apoy at usok niyan ay may special na scent na siyang nag tataboy sa masasamang espiritu, sige frend, mag ingat ka, ikumusta mo nalanga ko kay Papa Yul." ang dagdag pa niya habang naka ngiti. Alas 7 ng gabi noong mag pasya akong bumalik sa bahay nila Yul ng madatnan kong may kausap itong isang babae sa harap ng kanilang bahay. Maigi ko silang pinag masdan at parang hindi sila nag kakaintindihan. "Hmmmmnnn, amoy LQ" ang sabi ko sa aking sarili kaya naman lumapit ako para makinig sa kanilang usapan. As in nakikinig talaga ako at pinag mamasdan ng malapitan ang kanilang mga mukha. Magandang ang babaeng iyon, mukha siyang artista. "Im sorry Yul, I think its over.Napapagod nako" ang sabi ng babae habang hinuhubad ang kanyang singsing. "Oh, break! It really hurts ang mag mahal ng ganito!" ang pang aasar ko naman. "Pero Monique, please naman, ikaw nalang ang natitira sa akin, wag mo naman akong iwanan,"ang nag c-crack na boses ni Yul. "Im very sorry Yul, wala namang problema ang mga babae sa iyo, mayaman, matalino at napaka bait mo pa. Ngunit sana maintindihan mo na personal ang dahilan ko kaya ako nakikipag hiwalay sa iyo." "Bakit hindi mo sa akin sabihin ang totoo? Bakit ayaw mo kong diretsuhin?" tanong nito na lungkot sa mga mata. Tahimik.. "Look, I don’t wanna hurt you pero kung gusto mo talagang malaman ang totoo sige makinig ka. Ang weird mo kasi! Kung ano ano ang nakikita mo, natatakot na ko sayo! Parang may something sa iyo na sobrang hindi ko maintindihan, sabi nila ay layuam na kita dahil baka kailangan mo ng tulong,"ang sabi ng babae. “Ouch! Alam mo ate ghorl hindi mo nauunawaan ang pinag dadaanan ni Yul kaya nakakapag salita ka nga ganyan,” ang sagot ko sa babae bagamat di naman nila ako nakikita o naririnig. Natahimik si Yul at parang binusalan ang kanyang bibig, hindi agad ito nakasagot. "Im sorry Yul, Goodbye," ang sabi ng babae at mabilis itong umalis. Inawan nya ang binatang naka tayo lang at walang kibo. Ito ang unang beses na makita kong tumulo ang luha ni Yul, bagamat lagi akong nakabantay sa kanya ay hindi ko pa itong nakitang ganito kalungkot. Noong mga oras na iyon, gusto ko siyang yakapin at sabihin na nandito lang ako nakabantay sa kanya kayat hindi sya nag iisa. "Hay kawawa naman si Sir Yul,wala na nga itong pamilya, nawalan pang girlfriend. Ngayon mag isa nalang siya, bakit ba naman kasi maraming nakikitang kung ano ano si Sir Yul, para itong may third eye," ang sabi ng katulong sa kanilang hardinero. "Ewan ko ba naman, minsan kasi na wiwirduhan din ako dyan kay Sir Yul, parang laging may iniiwasan o kinatatakutan. Kaya’t mas mainam na nga lang na mag isa nalang siya," sagot ng hardinero. Habang nakikinig ako sa usapan ng dalawa, isang malaking palaisipan sa akin kung bakit nila sinasabing wirdo si Yul, bagamat sa paningin ko ay wala namang problema sa kanya. Napaka perfect nga ng image nya sa aking mga mata, malayong malayo sa akin noong nabubuhay pa ako. Habang nasa ganoong pag iisip  ako, biglang sumakay ng kayang sasakyan si Yul at nag drive palabas ng gate. Syempre takbo naman ako para sumakay din at sumama sa kanya na parang isang anino.Wala lang, gusto ko lang siyang damayan sa kanyang pag e-emote. Broken hearted ang lolo nyo kaya ganito kung maka eksena. "Kung sa bagay gwapo ka naman, at maganda pa ang katawan, for sure mamaya lang pag uwi mo meron ka nang bagong gf, saka ano ka ba? Masarap ang single, wala kang aalalahanin, wala kang aalagaan, at higit sa lahat ay malaya ka. So mamaya pag nakakilala ka ng babae, tirahin mo agad! Tumikim ka ng bawal na gamot at mag pakalulong sa bisyo. Go lang ng go!" ang bulong ko sa kanya, siguro naman ngayon ay makaka kota na ako, mahina ang depensa ng mga taong broken hearted, isang bulong lang dito ay susunod ito agad agad. Karaniwan kasi sa mga experiences ko ay ganoon ang nangyayari. Makalipas ang ilang minutong byahe, huminto kami sa isang building, may kataasan ito at mukhang isang mamahaling bar. Pumasok kami sa loob at nag pa dala ito sa 10th floor. "28 thousand po sir",ang sabi ng receptionist at cashier. "What? Iinom lang ng alak 28 thousand na agad?" ang sigaw ko."Ang mahal ha! Maluho pala tong si Yul, anong alak dito? Ginto ba?" tanong ko naman. Ibinigay ni Yul ang pera at sakay ng elevator agad kaming nag tungo sa 10th floor. Doon ko na pag alaman na isa palang executive floor ito, exclusive lang para sa mga mayayaman na gustong mag party party. "Wow ang susyal naman dito!" ang sabi ko habang nag se-selfie sa bawat sulok, talagang napaka ganda at mamahalin ang mga designs. Nasa ganoong pag sasaya ako noong may tumawag sa akin, "Oyyy Frend!"ang boses ni Santi. Abat, si Santi nga iyon kasama ang iban gguardian "Teka anong ginagawa nyo dito?" ang tanong ko sa kanila. "Edi ayun, nandito ang mga binabatayan namin, mga nag hahappy happy sila kaya eto para hindi naman boring nag iinuman na rin kami," ang sabi ni Guardian number 67. "Eh nandito rin yung alaga ko eh, broken hearted kasi kaya ayan nag iinom siyang mag isa," ang sabi ko sabay tungga ng isang basong alak at tumabi ako sa kanilang habang sumasaway. "Pero infairness ha, ang gwapo ng alaga mo. Parang artista ang putaragis! Rawr!," sabi ni Guardian 90 habang tinitingnan si Yul na uminom mag isa. "Sana matapos na ito at nang makapag bakasyon na tayo!Cheers!!"ang sabi nila "Cheers!" Edi ayun nga, buti nalang nandito rin ang ibang guardians kahit papaano ay nawawala ang pagkabagot ko. Kaya naman inenjoy naming ang gabi ng mag kakasama kami at nakalimutan ko na ang tungkol kayYul. Makalipas ang 40 minuto ay napikit na pala ako sa bangkuan at naka subsob sa balikat ni Guardian number 90. "Hoy Devon! Hindi ba yung alaga mo ay naka suot ng kulay dilaw na longsleeves?" ang tanong ni Guardian number 67 habang kinakalabit ako. "Oo" ang sagot ko habang dumidilat. "Hindi ba yun yung gwapo, matangkad at magandaang katawan? Yung parang masarap harvatin dahil sobrang tamis ng t***d niya?" ang muling tanong nito "Oo sya nga, ano bang problema?" ang tanong ko sa kanya. "Hoy Devon, si Papa Yul naka tore sa tarangkahan mukhang tatalon ang lolo mo!" ang sigaw ni Santi. "Ayy yun nga ang sasabihin ko sai yo Devon, yung alaga mong gwapo na matangkad at maganda ang katawan ay umaakyat sa tarangkahan at mukang mag papa kamatay ito. Anyway Congratulations sayo Devon, dahil magpapakamatay ang client mo ay malaya ka na! Cheers! You are free as the wind!" ang sabi ni Guardian 67 at nag cheers ang lahat. Parang isang malakas na bomba ang sumabog sa aking tainga noong marinig ko ang sinasabi nila. Mabilis na hinanap ng dalawang mata ko kung nasaan si Yul. Dito ay nakita ko Yul naka tayo sa pinaka dulo ng balkunahe sa kabila ng tarangkahan, naka pikit ito at dinadama ang hangin sa paligid habang hawak ang bote ng alak. Sa taas ng sampung palapag ay tiyak na patay siya kung sakaling ituloy na ang pag papakamatay! Maya maya ay lumakad pa ito sa pinakulo at hinayaan bumagsak ang kanyang katawan. Itutuloy..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD