My Guardian Devil
AiTenshi
Part 8: Pag tatagpo
"Ayy yun nga ang sasabihin ko sai yo Devon, yung alaga mong gwapo na matangkad at maganda ang katawan ay umaakyat sa tarangkahan at mukang mag papa kamatay ito. Anyway Congratulations sayo Devon, dahil magpapakamatay ang client mo ay malaya ka na! Cheers! You are free as the wind!" ang sabi ni Guardian 67 at nag cheers ang lahat.
Parang isang malakas na bomba ang sumabog sa aking tainga noong marinig ko ang sinasabi nila. Mabilis na hinanap ng dalawang mata ko kung nasaan si Yul.
Dito ay nakita ko Yul naka tayo sa pinaka dulo ng balkunahe sa kabila ng tarangkahan, naka pikit ito at dinadama ang hangin sa paligid habang hawak ang bote ng alak. Sa taas ng sampung palapag ay tiyak na patay siya kung sakaling ituloy na ang pag papakamatay!
Parang isang malakas na bomba ang sumabog sa aking tainga noong marinig ko ang sinasabi nila. Mabilis na hinanap ng dalawang mata ko kung nasaan siYul.
Halos atakihin ako sa puso ng makita itong may hawak na isang bote ng alak at nakatayo sa mataas na bahagi ng building."Puta, mag papa kamatay nga!" ang sigaw ko sabay tayo sa aming table. Mabilis akong nag tatakbo para puntahan ito. Ewan, ngunit ibayong pag aalala ang aking naramdaman kaya't nawala na rin ako sa aking sarili. Basta ang nasa utak ko lang ay huwag hayaan mapahamak si Yul.
"Oy Devon saan ka pupunta? Bawal yang gagawin mo! Wag mo siyang pigilan, ang patay ay patay. Bawal maki alam!" ang sigaw ng mga ito pero hindi ko sila pinakinggan. Nag tatakbo ako sa lugar kung saan tatalon si Yul.
Hinabol ako si Santi at pinigil. "Hoy Devon, violation iyan! Gusto mo bang mawala sa pagka guardian?"
"Ilang beses ko bang isinugal ang buhay ko para kay Yul?" tanong ko.
"Sira, wala kang buhay kasi matagal na tayong patay diba?" hirit ni Santi.
"Ang ibig kong sabihin ay ilang beses akong nag sakripisyo at lumaban sa ligaw na kaluluwa at doon sa lalaking matangkad na iyon? Ginawa ko ito para maligtas si Yul, at hindi ko hahayaan na sa ganito siya mamatay!" ang sagot ko sabay piglas sa pag pigil ni Santi.
"Jusko, pasaway ka talaga Devon!" ang sigaw ni Santi pero hindi ko na siya pinansin, lumundag ako sa tarangkahan at pinuntahan si Yul!
"Yul huwag please!"ang sigaw ko habang palapit sa kanya ngunit huli na ang lahat, nag pati hulog ito, sumakay sa malamig na ihip ng hangin at niyakap ang kanyang kamatayan."s**t! Gago ka talaga Yul!" ang sigaw ko sabay talon din kung saan ito nahulog.
Noong mga sandaling iyon ay wala na akong ibang inisip kundi ang isalba siyang muli. Para saan pa at nakipag labaan ako ng p*****n doon sa mga ligaw na kaluluwa pa lang ipag tanggol siya kung tatapusin lang niya ang lahat dito? Ang akala ba niya ay masarap mamatay? Ang kaluluwang nag papakamatay ay karaniwang naliligaw ng landas! At hindi maaaring mangyari sa iyo yun Yul!
Mahangin sa paligid, ramdam na ramdam ko ang lamig nito..
Bumubulusok pababa ang aking katawan at pinilit kong abutin si Yul. Ilang beses kong pinag tangkaang abutin siya hanggang sa mahawakan ko ang kanyang damit.
Niyakap ko itong mahigpit habang nasa ere kaming dalawa. Tila ba tinanggap na niya ang kanyang kamatayan kaya naman ginamit ko ang aking kapangyarihan para mabagalin ang aking mag bagsak. Maya maya ay dumilat ito,"Sino ka?"ang tanong nito sa akin na may halong pag kalito.
Ngumiti ako at nag katinginan kaming dalawa, mata sa mata. Halos mag katapat ang aming mga mukha.
Hindi pa rin naaalis ang ngiti ko sakanya,"Hi!"ang tanging nasabi ko, hindi ako makapaniwala na nakikita niya na ako ngayong mga sandaling ito.
Ilang sandali nalang at tatama na ang aming katawan sa lupa. Kaya naman mas niyakap ko ito ng mahigpit at sinigurado kong hindi ito masasaktan. Ginamit ko ang aking kapangyarihan upang medyo lumutang at isuspende ang aming pagbulusok ng mabilis. Tila isang bulak na nalalaglag sa ere ang aming datingan. Mabagal at banayad napag bagsak na siya namang ikinagulat ng lahat.
Siyempre, saan ka ba naman makaka kita ng lalaking tumalon sa 10th floor na nabuhay at parang bulak na bumagsak sa kalsada..
Maayos kaming bumagsak, "Nasaktan ka ba?"ang tanong ko habang naka tingin ito sa aking damit nakulay pula at itim na leather na kasuotan.
"Hindi,"ang nalilitong sagot nito at nakatitig lang sa akin. Nakaramdam ako ng pagkahiya noong mga oras na iyon."Bakit mo ko iniligtas? Gusto ko na mamatay,"ang wika pa niya.
"Wala,ayoko lang namapahamak ka, masarap mabuhay kaya't huwag mo itong wasakan sa ganitong paraan," ang sagot ko.Makikipag kamay sana ako sa kanya ngunit nag dagsaan na ang tao sa paligid at kasabay nito ang pag sulputan ng mga Hell Police at pumalibot sa amin.
"Devon!Isang malaking krimen ang iyong ginawa! Sumama ka sa amin ng maayos at harapin mo ang iyong kaparusahan," ang sabi ni Hepe at nilagyan akong posas sa dalawang kamay.
Alam kong isang malaking krimen ang pag ligtas sa buhay ng isang tao, ngunit mahalaga sa akin si Yul dahil napaka espesyal nito. Marami pa akong nais matuklasan sa kanya kayat niligtas ko ang kanyang buhay sa tiyak na kapahamakan. Samantalang si Yul naman ay dinala ng medics sa clinic upang suriin ang kalagayan nito kung mayroong napilay o napinsala sa kanyang katawan.
Natahimik at mapayapa akong sumama sa Hell Police, wala silang nakuha explanation sa akin, mas mabuti pang itikom ko ang aking bibig upang hindi na lumala pa ang aking pag kakasala.
Dinala ako sa Hell National Police main station saka ako ipinasok sa loob ng selda. Gulat na gulat ang lahat dahil ang isang Guardian ay ikinulong at ako ang kauna unahang may hawak ng record nito. "Wala si Boss Lu ngayon kaya overnight ka muna dito kulungan pogi," ang wika ng pulis na bantay.
"Number 98 ka pala, naku dahil sa ginawa mong malalang violation malamang bukas ay pang 150 kana at wala kana sa League ng mga Guardian, ano ba kasi pumasok sa isipan mo at iniligtas mo pa yung gagong iyon?" tanong ng isang taga bantay na pulis sa akin.
"Wala, gusto ko lang siyang iligtas dahil ayoko siyang mamatay sa ganoong paraan. Paano siyang makukuha ni Lord Sate kung mag papatiwakal siya? Hindi ba't kadalasan sa mga nag papakamatay ay nagiging espiritung ligaw? Paano yung effort ko? Edi nasayang lang lahat?" sagot ko sa kanya bagamat ang totoo ay iniligtas ko si Yul dahil kagustuhan ito ng aking puso masaya akong nakita niya ako.
Halos hindi ko pa rin maalis sa aking isipan yung sandaling nag harap ang aming mukha habang marahang bumabagsak sa ere, hindi ko maipaliwanag ang kakaibang kaligayahang iyon. Para bang lumundag sa galak ang aking puso. Basta may mga bagay na mahirap paliwanag kaya dinadama ko nalang ang masarap na pakiramdam habang nararamdaman ko pa ito.
"Kung sa bagay tama ka rin, nag eeffort ka tapos biglang mag papatiwakal, maaari nga siyang maligaw ng landas at hindi makuha ni Lord Sate. Iyan ang sabihin mo sa pag lilitis para kahit papaano ay hindi mawala sa iyo ang pagiging guardian," ang sagot ng mga pulis.
Hindi naman na ako kumibo, ang ginawa ko ay sumandal ako sa pader at saka pumikit. Inabutan naman ako ng pag kain ng mga nakabantay na pulis sa paligid, kinumpiska rin nila ang aking scepter para hindi ako makagawa ng kahit ano.
Tahimik lang ako at hinayaang dumaloy ang oras.
KINABUKASAN.
"Ano nanaman ang kapalpakan ang ginawa mo Devon?" ang tanong ni Boss Lu habang nakatayo ito sa labas ng aking selda. Halang stress ito at hindi nakatulog ng maayos. "Its a fatal mistake, dapat alam mo to."
"Pasensiya na boss, hindi ko napigilan ang sarili ko, kailangan kong iligtas si Yul dahil marami pa akong gustong malaman sa kanya. At isa pa ay ayokong masayang yung effort kong bantayan siya kung magiging ligaw na kaluluwa lang siya dulo't ng pag papakamatay,"ang paliwanag ko naman habang naka yuko.
"Devon my darling, 80% lang naman ng mga taong nag papatiwakal ang nagiging kaluluwang ligaw, malay mo hindi kasama si Yul doon sa 80% na iyon, saan hinayaan mo na siyang mategi, ang sakit sakit ng ulo ko ngayon," ang wika niya.
"We can never tell, malaking percent ang 80, tapos 20 lang yung posibility na hindi siya maging ligaw na kaluluwa? Huwag tayo mag settle sa ganyang mindset," ang sagot ko naman.
Napabuntong hininga si Boss Lu..
"Alam mo ba ang kapalit ng ginawa mo? Wala kana sa listahan ng mga Guardian. Terminated kana ka agad! Binibigyan mo ako ng sakit ng ulo.Arrgghhhhh! Teka baka naman, lumapit ka nga dito, may ibubulong ako sa iyo,"ang inis na wika ni Boss.
Kaya naman lumapit ako sa kanya, hinila niya yung tainga ko at binulungan ako. "Baka naman nag kakagusto ka na kay Yul?" tanong nito.
"Hindi ah, walang ganoon. Ayoko lang siyang maging kaluluwang lugar. Iyon lang iyon," ang sagot ko naman.
"Yung pag kakaalis mo sa listahan ng Guardian ay para lang halik sa hangin! Ganoon kabilis, at ngayon ay nasa 98 na si Santi, 99 si 100 at naka pasok na si 101 sa ranking. Waley kana! Luz valdez! Pasaway ka kasi!" ang sermon nito sabay sakal sa akin sa loob ng kulungan.
"Patawad boss,pasensya kana, ginawa ko lang naman yung alam kong tama, kahit na mali ito sa iba,"ang tanging na sabi ko sabay yuko.
"Tse! Para na kitang anak kaya gagawa pa rin ako ng paraan para mapa baba yung sintensiya mo, pero yung balik mo sa guardian ay medyo malabo na," ang sagot niya sa akin.
Nakakulong man ako, hindi naman ako nag sisisi dahil nagawa ko ang gusto ko at paninindigan ko ito. Ano naman kung malaking kasalanan ang nagawa ko? Ang mahalaga ay ligtas si Yul at mapapanatag na ang aking loob. Hindi ko tuloy maiwaglit sa aking pag iisip ang eksenang mag kayakap kaming bumubulusok pababa at nagkatinginan kaming ng mata sa mata, habang iniisip ko iyon ay kakaibang kilig at saya ang aking nararamdaman bagamat nakita nya ako at wala akong nasabi kundi simpleng "Hi".
Kapag sumasagi iyon sa akin isipan ay napapangiti nalang ako. Masyadong malungkot si Yul, gusto ko siyang makitang masaya.
"Frend,im sorry, wala kaming nagawa para iligtas ka sa mgapulis, sumagi talaga sa isip namin na itakas ka ngayong araw kaso ang dami dami namang bantay,"ang sabi ni Santi habang naka hawak ito sa selda.
"Anong itakas ang pinag sasasabi niyo diyan? Babatayan namin kayo para wala kayong magawang anumalya," ang hirit ng pulis.
"Wala naman talaga kaming plan na itakas si Devon ngayong araw dahil mamayang gabi pa namin ito gagawin! Char!" ang wika ni number 67.
"Hay naku Devon, ibang klase ka rin talaga, ang tapang mo. Saludo na kami sa iyo, ikaw na talaga ang star ng pasko! Alam naman namin na may gusto ka na kay Yul, alam mo naman kapag gwapo para sa gwapo lang kaya bagay kayong dalawa,"ang sabi ni Guardian 90.
"Ano bang sinasabi niyo? Huwag niyo nga akong gawan ng issue," sagot ko naman.
"Ano ka ba, suportado ka namin. Kaso nakaka sad lang na spluk kana sa Guardian, pero don't worry kung sakaling maisipan mong maging alter sa fuckbook ay bibili kami ng mga videos mo," ang hirit ni 67.
Tawanan sila..
"Teka nga frend bakit ba kasi iniligtas mo pa si Yul eh dapat patay na iyon ngayon, nagagalit tuloy si Kamatayan doon sakabilang opisina dahil nakaligtas ang iniskedule nya para matigbak kagabi, kaya ngayon ay malaking adjustment nanaman sa kanyang listahan dahil na delay ito. Nag aalbururo tuloy si Kamatayan doon,"ang sabi ni Santi sabay abot ng mga prutas sa akin.
"Eh paano nga, nagawa ko na ang krimen kaya eto terminated nako bilang guardian at hindi ko alam kung hanggang kailan ako nakakulong dito, pinaliwanag ko naman yung side ko kung bakit iniligtas ko si Yul, iyon lang yun ayoko nang ulitin pa", ang pag papa awa ko habang naka talungko sa isang sulok at yakap ang aking sarili.
"Hayaan mo frend, gagawa kaming paraan upang mapagaan ang sintensiya mo. Kaming bahala sa iyo.Relax ka lang dyan" sabi ni Santi at nag bulungan silang lahat na mga guardian na parang nag pupulong pulong.
"Hoy kung anuman yang pina plano ninyo ay huwag niyo na ituloy baka lalong mapasama si Devon," ang suway ng pulis.
"Wala naman kaming balak itakas si Devon no, haharvatin kita dyan e," ang sagot ni Santi sabay dakot sa bukol ng pulis.
Ipinag patuloy nila ang pag uusap saka maya maya mga natawa ito. "Ayos!"ang sabi ng lahat at nag apir sila na parang excited na ewan, ako naman ay nakatingin lang at naka pako pa rin sa aking pwesto.
"Oh pano frend, alis na muna kami."ang pag papaalam ng mga ito at isa isang nag sipag laho na parang bula sa loob ng presinto.
Muling tumahimik ang buong paligid sa pag alis nila, tumagal pa ako ng mag hapon sa loob ng kulungan. Samantalang dagsa naman ang mga kaibigang dumadalaw sa akin para mag pakita ng kanilang suporta.
Ayon sa mga pulis ngayon nga lang daw sila may ikinulong na nonstop ang dagsa ng mga dumadalaw para makita ako. Samantalang para na akong sirang plaka dahil paulit ulit ako sa aking dahilan kung bakit ko ginawa ang bagay na iyon. Kung minsan nga ay yung mga pulis na ang sumasagot dahil kabisado na rin nila ang katwiran ko.
Noong mga sandaling iyon ay sumagi sa aking isipan si Yul, kung ano na ang ginagawa niya ngayon, kung maayos ba siya o kaya ay ligtas sa kapahamakan.
Hindi ko alam kung bakit ako nag aalala ng ganito, basta ang alam ko lang ay hindi ko siya maaaring pabayaan kahit ano pang mangyari.
Itutuloy.