My Guardian Devil
AiTenshi
Part 9: Ang Hatol kay Devon
"So anong plano mo? Three days kana dito sa kulungan. Ako na muna nag duty doon ay kay Yul nilagyan ko ng temporary na barrier ang silid niya para di siya pasukin ng mga makukulit na kaluluwang ligaw," ang wika ni Santi.
"Anong sabi niya?" tanong ko naman.
"Edi wala, anong sasabihin niya? Basta tahimik lang si papa Yul at lagi itong nag dadala ng dalawang pagkain sa kwarto niya feeling alam niyang may kasama siya doon kaya binibigyan niya ito. Ang gwapo ni Papa Yul, napaka yaman, perfect ang lifestyle niya pero hindi ang buhay niya dahil napaka lungkot nito at laging nag iisa," ang wika ni Santi na may halong lungkot.
"Kaya ayaw ko siyang mamatay sa ganoong paraan, mag kasakit na siya, o biglaang maaksidente, pero tatalon sa 10th floor? No! Hindi ako papayag," sagot ko naman.
Tahimik.
"Ikaw Devon ha pag naka lusot ka dito ay huwag kana gagawa ng kapalpakan, naku baka itakwil kana ng impyerno," ang dagdag ni Santi.
"Ginawa ko lang yung paniniwalang kong tama."
"Yung paniniwala mong tama ay isang malaking pag kakamali dito, basta umayos kana no. Kung umiibig ka kay papa Yul ay pwede mo naman iyang i-pursue basta susuportahan ka namin," ang wika ni Santi.
"Bakit ba iniisip niyo umiibig ako sa kanya? Purong pag tulong lang yung ginawa ko at walang ibang kahulugan iyon."
"Wala tayong magagawa kasi nga iyon ang kumakalat na balita sa social media, panoorin mo ito," ang wika ni Santi sabay abot sa akin ng kanyang cellphone.
REPORT:
Samantala, isang Guardian umano ang pinatawan ng violatlon at kaparusahan matapos iligtas ang isang mortal sa tangka nitong pag papatiwakal. Tumalon umano ang mortal na nag ngangalang Yul Flandrez sa 10th floor ng isang gusali ngunit isinalba siya ng isang guardian na ang pangalan ay si Devon Vanford, rank number 98. Ngayon si Vanford ay naka kulong sa Hell Police Station hanggang hindi pa dinidinig ang kanyang kaso.
Samantala usap usapan rin sa social media na kaya lamang ito ginawa ni Vanford ay dahil umiibig ito sa mortal na kanyang binabantayan. Ang espekulasyong ito umani ng iba't ibang reaksyon sa mga netizens.
Ako po si Angie Mae Lawit, kauna-unahang Mae Lawit reporter sa pinalakang tabing na nasawi sa plane crash noong 1940s! At ito ang What the Hell News! Live!
End of Report
"Bakit naman ganyan agad ang iniisip nila?" tanong ko.
"Dahil iyan ang reality ng buhay!" ang sagot ni Santi.
"Hindi tayo buhay loko, basta wala akong ibang intensyon kay Yul! Ayoko na itong pag usapan." ang sagot ko naman sabay abot sa kanyang cellphone.
Halos ilang araw din ako sa loob ng kulungan, kung susumahin ay kulang pitong araw rin iyon bago tuluyan inilabas ang huling hatol sa akin.
Ganoon talaga dito, kung sa mundo ng mga tao ang pag patay ay isang krimen, kabaligtaran naman dito sa amin dahil ang pagligtas sa buhay ng isang mortal ay isang malaking krimen katulad ng ginawa ko pero wala akong pinag sisisihan doon. At ngayon ang araw ng paglilitis sa akin, bahala na kung saan ako pulutin.
Nakaupo ako sa waiting area habang nakatingin sa sahig, wala namang tumatakbong iba sa aking isipan, tinanggap ko na rin na hindi na ako makakabalik pa bilang isang Guardian at iyon naman talaga ang katotohanan na dapat kong harapin. Pero kahit anong parusa pa ang ipataw nila sa akin ay papalag ako at hindi mag papahuli ng patay, iyan ang isinumpa ako sa mga oras na iyon.
"Vanford tara na sa loob, nag hihintay na sa iyo ang kataas taasang hukom," ang wika ng pulis at saka nilagyan ng gintong posas sa kamay.
Ilang oras na lakaran patungo sa lugar ng kataas taasang Hukom. Pumasok ako sa malaking bulwagan kung saan nanduon ang mga Guardian at ilan sa mga hukom. Ngayon lang ako naging sentro ng atrakasyon sa buong buhay ko at ang lahat ay nakatingin sa akin. Hawak pa rin ako ng mga pulis at itinayo sa pinaka gitna.
"Go fwend!"ang sigaw ni Santi. "Kaya mo yan! Gera na ito!!"
"Woooo!" ang sigaw ng mga kaibigan kong guardian na halos lahat ay nasa number 60 pababa.
"Go Devon!"ang sigaw ng iba dahilan para mapa yuko ako sa sobrang hiya na parang sasabak ako sa isang labanan.
"Tahimik! Mag sisimula na tayo!" ang pag bawal ng isang hukom sa gilid dahilan para baluting katahimikan ang buong bulwagan.
"Tumayo ang salarin sa harap," ang utos ng kataas taasang hukom kaya naman lumakad ako sa harap ng bulwagan ng buong tapang. Tumayo ako ng tuwid sa kanilang harap at tumitig sa kanilang mga mata.
"Ikaw ba si Devon Vanford?" ang tanong nito.
"Ako nga,"ang sagot ko naman.
"Marahil alam mo na ang dahilan kung bakit nandito ka ngayon. Alam mo ba na sinira mo ang balanse ng buhay at kamatayan dahil sa pagliligtas mo sa isang mortal na naka takdang mamatay? Isang malaking krimen ang iyong ginawa. At ngayon ikaw ay hahatulan na. Dapat una palang ay alam mo na ang mga bagay na iyon. Ngayon bibigyan kita ng pag kakataong mag salita sa iyong sarili, simulan mo na," ang sabi nito habang nag bigay ito ng matinding kaba sa akin.
"Ano pa ba ang dapat kong ipaliwanag? Malinaw naman ang pag kakasalang aking nagawa at hindi ko na mababago iyon. Espesyal si Yul at hindi niya deserve mag pakamatay at maging kaluluwang ligaw lamang. Parang hindi kayo dumaan sa pagiging isang mortal. Oo nga't mga demonyo tayo pero noong mga buhay kayo ay nakagawa rin naman kayo ng kahit kaunting kabutihan sa inyong kapwa.
Maaaring nabura ang ala-ala iyon sa inyong isipan pero batid kong mananatili iyon sa inyong mga puso. Sige, ikulong niyo ako, parusahan ng mabigat pero balang araw ay mag papasalamat kayo dahil iniligtas ko si Yul. Naniniwala ako na ang lahat ng ito ay may mabigat na dahilan at kumakapit ako sa paniniwalang iyon. Ihatol niyo ang lahat ng kaparusahan sa akin tanggapin ko ito ng maluwag sa aking puso. PERO hindi ibig sabihin noon ay hindi ako lalaban," ang wika at sa aking kamay ay lumabas ang aking scepter.
"Wooo! Bongga! Tama na iyan! Nasa likod mo kami!" ang sigaw nila Santi.
"Silence in the court!" ang wika ng isa.
Lumakad ang isang hukom na dala ang papel ng hatol para saakin. Natakahimik ang lahat at nag hihintay ng resulta. "People of Hell Society versus Devon Vanford!! Ang hatol ay.."
"GUILTY!"
Halos mahulog ang aking puso sa isang malaking announcement na bumago sa takbo ng mga pang yayari sa aking buhay. Ang lahat ay nag react at mag kabilang batikos at pang"b-boo" ang ibinato sa kataas taasang hukom. Nag wala ang aking mga kasamahan sa kanilang mga silya.
"Boo!"ang sigaw ng mga Guardian at ibang mga kaibigan ko sa itaas.
"Ang panget ng hatol! Kasing panget ng hukom putang ina!!!" ang sigaw ng iba
"Tahimik!"ang sigaw ng kataas taasang hukom."Ikaw Devon Vanford ay guilty sa salang pag buhay sa dapat na mamamatay na. Ikaw ay ipapatapon sa Isla ng kalungkutan at magiging malungkot habang buhay, ang ibig kong sabihin ay habang panahon," wika ng kataas taasang hukom.
"Booooo!" ang sigaw ng mga manonood.
"Mabigat ang iyong kasalanan ngunit ang iyong mga kasamahang Guardian ay nangalap ng 10 libong pirma na sumusuporta sa iyo. Kaya sa halip na ipatapon ka sa Islang iyon ay binago namin ang hatol sa iyo Devon Vanford," dagdag pa ng matanda dahilan para mag palakpakan ang lahat.
"Wooo! Winner! Putang ina!" ang sigaw ni Santi na may napaka lutong na mura. Napa pikit pa ang matandang hukom noong marinig ang murang iyon na parang nasarapan sa kanyang narinig.
"Silence in the court!" pag bawal naman ng isang hukom.
"Ikaw Devon Vanford ay Guilty!" ang wika ng kataas taasang hukom.
"Oo nga diba? Ano ba naman tong si lolo paulet ulet! Unli ka lolo?" ang sigaw ni number 90.
Tawanan sila..
"Ssssh! Tahimik!" pag bawal nila.
"Guilty ka Devon Vanford kaya ang bagong hatol sa iyo ay ipapa tapon ka sa Lupa, pagkakalooban ka ng katawang mortal at huhulihin ang mga nakawalang kaluluwa sa porgatoryo! At huhukuman sila batay kanilang kasalanan,"ang sabi ng Kataas taasang hukom.
"Teka hindi ko maintindihan!" ang apela ko naman na naguguluhan.
"Normal lang na maguluhan friend, kaya mo iyan. Mas maganda na iyang mag karoon ka ng normal na katawan para mag eut na kayo ni papa Yul at makagawa ng maraming baby!" ang sigaw ni Santi.
Tawanan sila..
"Tahimik mga demonyo kayo!" ang pag bawal ng matanda.
Tumayo ang isang hukom at ipinaliwanag ang aking gagawin."M akinig ka Devon Vanford, ito ang mga dapat mong gawin sa inyong bagong misyon."
1.Ikaw ay maninirahan sa Lupa at pag kakalooban ka ng isang katawang tao, inshort, mabubuhay kang muli. Ang iyong katawang lupa ay makararanas ng dugo at sakit dahil ikaw ay magiging buhay. Makakaranas ka ng takot at mga emosyon na nararanasan rin ng isang normal na nabubuhay sa lupa.
2.Mula sa pagiging Guardian, ikaw ay mag tatrabaho sa ibabaw ng lupa at lilipulin ang mga nakatakas na kaluluwa sa purgatoryo. Ang mga kaluluwang ito ay ang mga nanakita at kadalasang nagiging sanhi ng matinding krimen sa lupa ang bawat kaluluwang ito ay nag hahangad ng katawan dahil kinakailangan nilang mabuhay muli. Lahat ng mga ligaw na kaluluwang iyon ay dadalhin mo dito sa impiyerno.
3. Ang mga demonyong naka takas sa Hell Prison ay ibabalik mo rin dito sa ilalim ng lupa. Ang ilan sa kanila ay makapangyarihan at maaaring kang saktan. Kung ikaw ay mapapatay nila, ang iyong kaluluwa ay maaari nilang kainin.
4.Pag kakalooban ka ng isang mortal na katawan ngunit maaari itong agawin din sa iyo ng ibang kaluluwa ng mga demonyo. Kaya wala kang magagawa kundi makipag laban at pumatay para sa iyong sarili. Kapag naagaw nila ang iyong katawan ikaw ay mapupunta sa kawalan at hindi muling makaka balik pa. Ang lahat ng ala-ala mo ay unti unting mabubura hanggang sa hindi kana maalala pa ng lahat. Iyan ang iyong kaparusahan sa paglabag sa utos ng langit at lupa.
5. Ang ibibigay sa amin sa iyo ang iyong kapangyarihan, hindi namin ito kukunin sa iyo para maipag tanggol mo naman ang iyong sarili. Baka naman sabihin mo ay masyado ka naming nilulugi. Hindi rin namin ipinag babawal na ikaw ay makipag usap sa mga Guardian, maaari ka nilang kausapin sa ibabaw ng lupa NGUNIT hindi ka nila maaaring tulungan. Si Lucifer na ang bahalang tumingin sa iyo, ayon sa kanyang request. Maswerte ka Devon Vanford ngunit ang buhay sa ibabaw ng lupa ay mas mahirap kumpara dito.
Hindi na ako naka kibo, hindi ko alam kung ano bang dapat kong maramdamang noong mga sandaling iyon.
Isang malakas nahiyawan ang lumukob sa buong bulwagan. Ang iba ay natutuwa dahil ganoon ang parusa sa akin. Ang iba naman ay nagagalit dahil naalis ako sa pagiging Guardian. Basta nabalot ng samu't saring reaksyon ang buong paligid sa naging hatol sa akin. Kung sa bagay ako lang naman ang bukod tanging guardian na nag commit ng ganitong uri ng pag kakamali.
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman noong mga oras na iyon bagamat muli ko nanamang mararanasanang mabuhay. Ngunit ang pag kakaiba nga lang ay hindi magiging payapa ang aking buhay sa lupa dahil ano mang oras ay maaaring malagay sa peligro ang aking buhay."Tsk, binuhay nga ako ngunit lagi rin naman akong malalagay sa peligro edi bale wala rin! Para bang binuhay lang ako para pahirapan at ipadala sa isang execution na misyon para tuluyan na akong maburang parang bula sa mundo,"ang pag mamaktol habang nag lalakad palabas ng bulwagan.
"Hay sorry frend, akala naming magiging madali kung iyon ang magiging sintensya mo, kesa naman doon ka sa Isla ng kalungkutan diba?" ang sabi ni Santi noong salubungin niya ako sa pag labas ng bulwagan.
"Ano bang mayroon sa Isla ng kalungkutan? Baka naman mas okay pa doon kaysa naman pag kalooban ako ng mortal na katawan at ilagay ako sa mga delikadong misyon," ang sagot ko naman.
"Ano ka ba friend mas okay naman na maging mortal ka no. Sa isla ng kalungkutan ay wala kang pag asang maging masaya. Hindi ka namin madadalaw doon at ang mga nandoon ay mga wala nang emosyon maliban sa sakit at lungkot. Aalisin nila ang lahat ng memorya ng kaligayahan mo at ang tangin ititira lang nila ay ang kalungkutan kaya ang ending ay parang wala na ring buhay yung mga nandoon. Mas mahirap doon, para ka na ring namatay! Kaya nga ginawa namin ang lahat e," ang wika ni Santi
"Kung ganun may kinalaman talaga kayo sa hatol sa akin ng hukom?"tanong ko naman.
"Oo frend, nilakad naming ito sa pag aakala na umiibig ka doon sa mortal kaya nag pasya kaming mga guardian na ibalik ka sa lupa, sa tulong na ring mga pirma ng pag suporta. Kaysa naman mas worst ang parusa diba? Atleast Ghost fighter ka doon, Soul Hunter pa at Soul Reeper pa diba? Yusuke, Ichigo at Taikoubou! Kabog lahat ng anime na iyan " ang paliwanag ni Santi. Kaya pala nag apir sila noong oras na nakakulong ako ay nag pplano pala sila.
"Ako iibig sa mortal? Pwede ba?! Wala akong ganoong iniisip!" pag mamaktol ko naman.
"Ayiii wag kana mag sinungaling, kaya mo sya niligtas dahil gusto mo sya. Wag ka na mahiya dahil pareho naman kayong gwapo diba? Tapos bagay pa kayong dalawa kaya tiyak na perfect match kayo," ang wika nito na may halong kantiyaw.
"Babae ang hanap non at hindi lalakeng demonyo na katulad ko," ang sagot ko sabay upo sa isang sulok.
"Ayiiiiiieee ehihihi" pang aasar nito.
Buti pa sila alam na umiibig daw ako, samantalang ako ay hindi ko maramdaman iyon, paano nila nasasabi ang ganoong bagay kung hindi naman nila ito nararamdaman. Pero kung iisipin ay excited ako sa magiging bagong buhay ko sa lupa. Nangako naman sila Santi at iba pa tutulungan ako sa oras ng pangangailangan ko. Dapat lang no ,sila ang dahilan kung bakit ako pupunta roon pero sila rin ang dahilan kung bakit gumaan ang parusa sa akin kaya naman labis akong nag papasalamat sa kanilang lahat.
"Devon Vanford, huwag mong isiping magiging madali ang buhay mo sa itaas ng lupa. Alalahanin mo ang iyong misyon at dapat mo itong gampanan. Maraming mga kaluluwa ang nakatakas mula dito sa impyerno, ang lahat ng iyon ay mga wanted kaya umaasa ako na maibabalik mo sila," ang wika ng Hukom noong lumapit sa akin.
"Gramps, bakit si Devon ang gagawa? Diba ang pag hanap sa mga kriminal ng impyerno ay trabaho ng Supremo de Guardine? Anong ginagawa nila Xandre at Clement?" tanong ni Santi.
"Nag tayo ng bagong patakaran ang mga Supremo de Guardine na nag bubukod sa kanila sa mga Guardian, sa mga makatuwid ay pinag aaralan na nila na huwag sumunod sa batas ng Impyerno. Hindi ito pinag uusapan sa lugar na ito kaya't huwag na kayo mag tanong. Ako nga pala si Kuhiko ang magiging gabay mo sa iyong misyon," ang wika ng matanda sabay abot ng kwintas sa akin. "Kung may tanong ka ay pwede mo akong tawagan diyan," ang dagdag ng matanda.
Kinuha ko ang kwintas at hindi na ako kumibo pa, ang aking emosyon ay halo halo na parang mabubuang na ako pero kinakailangan kong ihanda ang aking sarili sa bagong misyon.
Itutuloy..