My Guardian Devil AiTenshi Part 10: Ang Mortal na si Devon "Hindi porket nag karoon ka ng pag kakataong maging mortal at mabuhay muli kasama ng mga normal na tao ay magiging madali na ang lahat. Pinapa alala ko lang sa iyo Devon Vanford na mula dito ay magiging mahirap na ang lahat," ang wika ng matandang hukom na si Kuhiko. "Hindi ako umaasang magiging madali ang lahat, alam kong malapit na rin akong mabura sa mundi kaya nga ibinigay sa akin ang misyong ito," ang sagot ko naman. "Dapat lang na ihanda mo ang iyong sarili sa mga pwedeng mangyari. Nasa iyo pa rin ang lakas ng isang guardian, gamitin mo ito para makaligtas ka," ang wika niya habang inasamahan ako sa pag akyat sa lupa. Narating namin ang isang kulay puting portal, tumayo kaming dalawa ng matanda dito. "Pag dumaan ka dito