My Guardian Devil AiTenshi Part 17: Bituin Alas 7 ng gabi, matapos ang hapunan ay pumanhik ako ng hagdan patungo sa rooftop at doon ay naupo ako malapit sa balkunahe nito. Dito pinag masdan ko ang ordinaryong gabi na mga kaluluwang ligaw ang naka abang sa labas ng harang na aking ginawa. Kahit papaano ay naging mapayapa ang mga gabi namin ni Yul dahil dito. "Wala pa ba talaga silang kapaguran? Mag hapon na silang nag aabang sa labas ahh, as if naman ganoon kadaling makukuha ang kanilang nais. Kung sa bagay kung dati ay katawan lang ni Yul ang pakay nila, ngayon ay dumagdag na rin ako kaya mas lalo pa silang nagiging agresibo habang tumatagal. Ang amoy ng aming katawan ni Yul ay kakaiba para sa kanila at talagang nakaka akit ito. "Bleh!" ang parang batang pag dila ko sa mga ito dahilan