My Guardian Devil AiTenshi Part 18: Buto "West Wood Prison, iyon yung dating pangalan ng bilangguan kung saan ako ikinulong, ang problema ay wala nang ganoon ngayon," ang wika ko habang nag aayos ng gamit. "Years ago yung West Wood ay nasunog kaya pumangit ang facilities at napilitan silang abandunahin ang naturang gusali. Don't worry madali namang hanapin iyon. Basta chillax lang, dadaan tayo sa simbahan para kumuha ng maraming holy water," ang wika ni Yul habang kinukuha ang bibliya sa kanyang mga cabinet ng mga aklat. Ako naman ay nakatanaw lang at pinag mamasdan ang maganda at makinis niyang katawan habang naka suot lang ng brief. Humarap siya sa akin at nahuli akong nakatingin sa kanya dahilan para makaramdam ako ng pag kahiya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na