To The Rescue of two Alexander

1254 Words
QUOTES: "EAT SLEEP HORSE RIDING REPEAT" Napakunot-noo ako sa kanyang sinabe. "Anong sabe mo? Whatever! Ang hinahanap ko si Alexander ang kabayo ko!!" Pagtataray ko sa kanya. Dahil sanay na ako sa mga ganitong pagpapansin ng mga lalake, hinde ko narin pinansin ang kanyang sinabe. "Alexander pangalan ng kabayo mo??" Tanong niya sa akin, Habang ina-alalayan ko siyang maglakad. Kaya hinde ko na tinignan ang kanyang mukha dahil nakatingin ako sa nilalakaran namin habang hawak ko siya sa braso niya dahil paika-ika siya maglakad. "Oo! At mahabang kwento kung bakit Alexander ang naipangalan ko sa kanya!" Naiinis ko pa na sabe ko sa kanya. Dahil naalala ko nang una siya dalhin sa akin ni Daddy bilang regalo sa akin. Masyado siyang mailap at maraming beses din niya ako inihulog bago ko makuha ang kanyang loob. Kaya nang mga panahon na iyon hinde kami magkasundo at sobrang naiinis ako sa kanya. Naipangalan ko tuloy sa kanya ang Alexander na labis kong kinaiinisan nang bata pa ako! Hinde ko makakalimutan ang pangalan na iyon na binanggit ni Daddy. Hinde na siya kumibo pa kaya nagpatuloy na kami sa aming pag-lalakad habang nakaalalay parin ako sa kanya. "Taga saan ka nga pala? Paano ba kita maihahatid sa inyo?" Bigla ko naalala na tanungin sa kanya. Dahil naisip ko na ihatid siya sa kanila para naman kahit papaano makaganti ako sa pagligtas niya sa akin. "Ayoko ng may babae na maghahatid sa akin sa bahay!!" Bigla naman niyang sagot sa akin na tila parang naiinis. Napataas naman ang kilay ko. Bitawan ko kaya siya!? Naiinis na bulong ko sa sarili ko. "E paano ka Makakauwe sa inyo nang ganyan? Sigurado na kailangan magamot agad ang sugat mo" "Kaya ko ang sarile ko! Isipin mo ang sarile mo kung paano ka makakauwe na wala si Alexander mo!!" Sagot ulit niya sa akin. Sa boses na pagka-brusko niya. Napapikit ako dahil kailangan ko magtimpi dahil siya ang nagligtas sa akin kaya kailangan ko pa magpasensya. Dahil medyo may kalayuan pa ang palabas sa gubat na aming kinaroroonan Pinaupo ko muna siya sa malapad na bato at naupo narin ako sa kanyang tabi. Dahil kailangan nang katawan namin ang magpahinga.Dahil nakikita ko narin sa kanya ang butil nang kanyang pawis sa kanyang mukha dahil nahihirapan talaga siya maglakad dahil sa sugat niya sa tuhod. Alam ko na masakit iyon, Dahil nakita ko na medyo malaki ang sugat at bandang buto pa ang tinamaan. Dahil magkatabi kami nakaupo sa malapad na bato pasimple ko sinilip ang kanyang likod. Nakita ko na sira-sira ang polo shirt niya sa likod at maraming galos, Na ang iba ay dumudugo pa. Tumayo ako at at muli ako pumilas sa aking damit. Kaya medyo halos kita na ang pusod ko at ang bewang ko dahil sa ilang beses na ako pumilas dito. Nakita ko na naman ang malagkit na kanyang tingin sa tiyan ko dahil nakatayo ako patagilid sa kanya. Mukhang manyak pa yata itong lalake na ito! Subukan mo lang ako gawan nang hinde maganda tutuluyan ko putulin iyang tuhod mo! Bulong ko na naman sa sarili ko. Pumunta ako sa likod niya at dahan-dahan ko pinunasan ang mga galos niya. Dahil medyo mabato sa bangin na hinulugan namin kanina kaya sigurado duon ito sumadsad paibaba. "Ouchh!! Huwag muna galawin iyan malayo sa bituka iyan!" Narinig ko na sabe niya sa akin. Pero hinde ko siya pinakinggan. Patuloy parin ako sa aking ginagawa. Pero labis ako nagulat sa pabigla niyang paghila sa kamay ko para mapunta sa harapan niya at mapaupo sa kandungan niya. "Wala ka talaga pinakikinggan ano?! Sabe ko huwag mo nang pakiaalam ang mga sugat ko sa likod!!" Dahil sa kanyang ginawa, Sobrang pagkainis na ang nararamdaman ko sa kanya. Kasabay pa ang tila may kung ano akong naramdaman na magtama ang mata namin habang nakaupo ako sa kandungan niya. Kaya pabigla ako tumayo at ubod nang lakas ko siya naitulak, Kaya natumba siya sa likod nang bato. Nakita ko ang tila paghihirap niya na unti-unti pagtayo. Kasabay ang nanlilisik na kanyang mata na Tumingin sa akin. "Ikaw kasi e! Nag-aalala lang naman ako sa sugat mo, Ang sungit mo pa!!" Pagalit ko na sambit sa kanya.Habang naupo na ulit siya sa malapad na bato. "Bakit marunong kaba gumamot nang sugat? Kahit nga sarili mong kabayo mo hinde mo alam kung paano gagamutin pag may nararamdaman! Tao pa kaya?!!" Nagulat ako sa kanyang sinabe sa akin. Tila alam niya na may nararamdaman kanina si Alexander. Totoo naman iyon dahil ilang araw ko na siyang napapansin na parang wala sa mood sa tuwing magpapa-practise kami. Pero hinde ko na lang pinapansin dahil ang nasa isip ko ay ang nalalapit na Kompetisyon. Pero hinde ako nagpahalata na apektado ako sa kanyang sinabe. Binato ko sa kanya ang hawak ko na kapiraso na damit ko na pinilas ko at tumama ito sa mukha niya. "Ganoon ba?! Bahala ka sa buhay mo!! Maglakad ka mag-isa mo!!" Sabay talikod ko sa kanya at naglakad palayo. Narinig ko pa na sinigaw niya ang pangalan ko, Pero hinde ako lumingon sa kanya. Pero nagtataka ako bakit alam niya ng pangalan ko? Kilala ba niya ako ? Eh ngayon ko lang naman siya nakita. Hinde ko alam kung gaano na ako kalayo sa kanya. Mga Isang oras din nang maisipan ko mag-pahinga. Nilibot ko ang aking paningin sa kinaroroonan ko. Mukhang malayo pa, para tuluyan ako makalabas dito. Nakakaramdam narin ako nang pagkauhaw at gutom. Naisip ko na naman si Alexander ko. Nasaan kaya siya? alam ko ligtas siya dahil natatandaan ko bago may sumalo sa katawan ko. Narinig ko pa ang papalayo na yabag ni Alexander mula sa kinaroroonan ko. Muli ako tumayo mula sa pagkakaupo ko dahil muli ako maglalakad para makalabas na sa gubat Pero muli ako napaupo dahil medyo nahihilo na ako dahil siguro sa sobrang pagod. Pero pilit ko parin tumayo. At hinde ko pa naihahakbang ang paa ko nang makarinig ako nang yabag na tila Isang Kabayo. Kaya napalingon ako kung saan ito nagmumula. Labis ang tuwa ko nang makita ko si Alexander ko na papalapit sa akin. Pero kaagad din ako napakunot-noo nang makita ko kung sino ang sakay nito. Ang lalake na iniwanan ko kanina dahil sa sobrang inis ko, Pinahinto niya si Alexander sa tapat ko at inilahad ang kanyang kamay sa akin. Alam ko ang ibig niyang sabihin. Pero bago ko iabot ang kamay ko may sinabe muna ako sa kanya. "Umusog ka! Ako ang magpapatakbo kay Alexander dahil may mga sugat ka!" Sabe ko sa kanya. Pero bukal na sa loob ko ang sinabe ko sa kanya. Pero nagsalubong ang makakapal na kilay niya. "Ang ayoko sa lahat yung babae ang nag-aalala sa akin! Ang gusto ko ako ang nag-aalala sa babae! Kaya abutin muna ang kamay ko kung ayaw mong iwanan kita dito!" Nagtitigan muna kami dahil sa kanyang sinabe. Tila ang bawat isa sa amin ay parehas ayaw magpatalo. Pero sa huli inabot ko na Ang kaliwang palad ko. At walang kahirap-hirap niya ako naiakyat kay Alexander patalikod sa matipuno na dibdib niya. Pumulupot na din sa bewang ko ang dalawang braso niya para uumpisahan nang palakarin si Alexander. Habang tumatakbo nang mabilis si Alexander palabas sa gubat. Ang daming tanong sa isip ko na labis na pinagtataka ko. Paano niya napaamo si Alexander? Dahil kami lang ni Daddy ang may kakayahan na sakyan ito. At sa klase nang pagpapatakbo niya sa Kabayo ko ay marunong at magaling siya sa pagpapatakbo sa kabayo na katulad nang Daddy ko...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD