Halik ng Nakaraan

1131 Words
QUOTES: "RIDE MORE WORRY LESS" Nang tuluyan na kami nakalabas sa Masukal na gubat nakita ko na ang tinatahak ng aking kabayo na si Alexander. Malapit na kami sa aming Hacienda, kaagad naman kami pinapasok nang mga bantay sa bungad pa lang nang makita nila ako. Nang tuluyan na kami nakapasok sa loob, Malayo pa lang ay Nakikita ko na ang karamihan sa mga tauhan ni Daddy sa labas ng bahay. Pati na rin si Daddy ay nanduon, kaagad naman sila napatingin sa amin dahil sa papalapit na yabag ni alexander sa kanila. Tuluyan nang huminto si Alexander sa tapat nilang lahat, Kaya kaagad lumapit sa amin si Daddy na mababakas ang labis na pag-aalala. Kaagad niya ako inalalayan para bumaba sa kabayo. "Iha' Anong nangyare sayo? Kanina pa kita pinahahanap! At bakit ganyan ang itsura mo?" Sunod-sunod na tanong sa akin Daddy, kaagad niya hinubad ang jacket na suot niya at nagmamadale na sinuot sa akin. Pero bago ko siya nasagot sa kanyang tanong narinig ko ang boses nang lalaking kasama ko na tila parang nasaktan. Dahil nakita ko ang kanyang pagbaba sa kabayo, Nakita ko rin na napaluhod ang kanyang isang binti dahil sa sugat niya, Kaya kaagad ko siya inalalayan para tuluyan na makatayo. Ako na mismo ang naglagay ng kanyang braso sa balikat ko. Muli ko ibinalik ang aking tingin kay Daddy na nakabakas ang maraming katanungan. At ang seryoso na mukha niya ay napako na sa lalaking nakaakbay sa akin para makatayo siya nang maayos. "Daddy gamutin naten ang sugat niya, iniligtas kasi niya ako sa loob nang gubat nang muntikan na ako mahulog sa malalim na bangin" Paliwanag ko kay Daddy, Pero bago makasagot si Daddy sumagot na kaagad ang lalake nasa tabe ko. "Huwag na pakihatid na lang ako sa bahay namin. Para duon ako magamot!" "Saan kaba nakatira iho? Sige kung iyan ang gusto mo ipapahatid kita!" Sagot naman ni Daddy, Pero sobrang seryoso nang tingin sa kanya ni Daddy. "Sa Bahay ho ni Nardo Ybañez" Nakita ko na napakunot-noo si Daddy habang nakatingen pa din sa kanya. "Ikaw ba ang panganay na anak niya?' Ang tagal bago sumagot ng lalaking nanatili na nakapatong ang braso sa balikat ko, "Daddy mamaya muna siya tanungin ga...." "Oho Ako si Alexander Ybañez!" Nabitin ang sinasabe ko dahil sa mabilis niyang pagsagot sa tanong ni Daddy. Pero parang paulit-ulit na Nag-echo sa tenga ko ang sinabe niya kung sino siya at ano ang pangalan niya. Dahil sa aking narinig pabigla ko siyang nabitawan dahilan para muli siyang malugmok sa lupa at nagmamadale ako na lumipat sa tabe ni Daddy. Nakita ko naman na kaagad siyang Inalalayan para maitayo ng isa sa tauhan ni Daddy. "Amira iha' bakit mo ginawa iyon?' Pagtataka na tanong sa akin ni Daddy, Pero ang kanyang atensyon ay nanatiling nasa lalaking seryoso nang nakatingin sa akin. "Daddy sino daw siya?" Tanong ko sa kanya habang nakikipagtitigan na din ako nang tingin sa lalaking nasa harapan ko. "Siya ang Panganay na Anak ni Nardo Ybañez, Ang dating isa tauhan ko na nagtatarabaho sa Manggahan na ngayon ay may sarile na rin silang Hacienda dito malapit sa atin. At isa sila sa may malaking Lupain at maraming alaga na mga kabayo na halos lahat ay mga dekalidad. Siya si Alexander Ybañez!" Halos lahat nang sinabe ni Daddy at bawat detalye ay parang nag-sink sa utak ko. hinde inaalis ng Alexander na ito ang tingin niya sa akin, May nabuhay na inis sa akin dahil sa klase nang kanyang tingin. At may nabuhay na ala-ala sa aking nakaraan bilang Isang musmos na bata. Dahil sa muli namin pagkikita ngayon ang Alexander na kinaiinisan ko nang sampung taon na gulang pa lamang ako. At ang Alexander na sinapak ko dahil sa isang halik na ginawa niya sa akin. Hinde ko na iyon nasabe kila Mommy at Daddy nang mga panahon na iyon dahil sa masyado pa akong bata at nakaramdam ako nang hiya. Dahil sa murang edad ko ay naranasan ko ang mahalikan sa labi. Nakita ko na may sinenyasan si Daddy na isa sa tauhan niya, At saglit lang may dala na itong sasakyan at inalalayan nilang makasakay duon ang may pangalan na Alexander. Sumunod naman si Daddy na sumakay sa loob nang sasakyan tila sasama yata siya para maihatid ito, Pero ako ay nanatiling nakatayo at napatingin pa sa akin si Daddy pagkasakay niya sa loob dahil siya ang nasa driver seat. "Anak Amira pumasok kana sa loob ng sasakyan at tabihan mo sa loob si Alexander para maalalayan mo siya" Narinig ko na sinabe ni Daddy sa akin. kaya napatingin ako kay Alexander na nasa loob nang sasakyan at nakapikit ang dalawang mata habang nakasandal na nakaupo. "Pero Daddy hinde ko na po kailangan sumama kayo na lang po ang maghatid sa kanya" Pagtutol ko sa kagustuhan ni Daddy. "Tsk! Tsk! Hanggang ngayon talaga hinde parin mabale-bale ang isang Amira Casimiro!" Napakunot-noo ako sa biglang pagsagot ni Alexander na nanatiling nakapikit parin. "PRINCESS AMIRA CASIMIRO!! Pumasok kana sa loob ng Sasakyan!!" Muli ako napatingin kay Daddy. At medyo nakaramdam na ako nang takot sa kadahilanang kung paano niya binigkas ang buo kong pangalan. Bibihira banggitin ni Daddy ang buo kong pangalan, Kaya alam ko na seryoso na siya at hinde ko na siya madadaan sa paglalambing ko. Mabigat ang loob ko na tumungo sa pintuan ng kotse at binuksan ito. Pagbukas ko nang pintuan ng sasakyan kaagad ako na nagtaray sa lalaking nanatiling nakapikit parin. "Umusog ka duon!!" Mataray na utos ko sa kanya, pero kung tutuusin pwede naman ako umikot sa kabilang pintuan nang sasakyan para duon maupo. "Hinde mo ako tauhan para utusan mo! umikot ka sa kabila at duon ka maupo!!" Sagot naman niya sa akin sa pagalit na boses habang nakapikit parin siya. Na tila parang pagod na pagod siya. Muli kong isinara ang pintuan nang kotse pero pabalibag ko itong isinara. Narinig ko pa ang malakas na boses ni Daddy na tinawag ang pangalan ko. "AMIRA!!!!" Napapikit ako sa pagsigaw ni Daddy habang naglalakakad paikot sa sasakyan para makaupo sa tabe ni Alexander. Pagpasok ko naman sa loob para maupo maayos ko nang isinara ang pintuan nang sasakyan. Dahil alam kong masama na ang tingin ni daddy sa aking inasal. "Tsk!! Tsk!! Tsk!!" Narinig ko pa na pagpalatak nang lalaking nasa tabi ko, Kaya nang mag- umpisa nang umandar ang sasakyan nagkunwari ako na out-balance para mapadiin kunwari ang pagkakahawak ko sa tuhod niya na may sugat. "Ouchhh!!!! Your Fucking...." Bigla niyang sigaw at nanlilisik ang kanyang mata na dumilat para tignan ako. Hinde ako humingi nang paumanhin sa ginawa ko, Inismiran ko lang siya at iniiwas ko na ang aking paningin sa kanya. "Hmpp!! bute nga sayo! Siraulo ka kasi e!! Bulong ko ulit sa sarili ko....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD