Ala-ala ng Nakaraan

1105 Words
QUOTES "WILD HEARTS CAN'T BE BROKEN" Narating na namin ang malaking lupain na sinasabe ni Daddy. Paghinto ng kotse na aming sinasakyan kaagad ako bumaba ganoon din naman si Alexander. Nakita ko kaagad na may nagmamadale na lumabas sa malaking pintuan ng bahay para salubungin si Alexander na nahihirapan parin tumayo nang tuwid. Kaagad ako lumapit kay Daddy kaya narinig ko na tinawag niya itong Nardo. Kaya napatingin ako sa kanya kaagad rin naman niya ako na nginitian. Kilala ko naman siya, Kaya lang bihira ko siya makita Lalo na nang huminto na siya magtrabaho sa Hacienda para daw pamahalaan ang binuksan nilang Negosyo. "Señorito Lambert labis ako nag-alala sa pinarating ninyo na mensahe para sa akin dahil daw sa anak ko" "Tatang Nardo naman hanggang ngayon ba Señorito parin ang tawag mo sa akin? Hinde kana ho nagtatrabaho sa Manggahan. Lambert na lang ho!" Nakangiting sabe sa kanya ni Daddy. Nabaling na ang atensyon nila kay Alexander na nahihirapan na sa kanyang sugat, Kaya nagmamadale itong inakay nang kanyang ama papasok sa loob ng bahay. Sumunod naman sa kanila si Daddy at nilingon din niya ako. Kaya napasunod narin ako. Nakaupo kami sa Sofa sa malaking Sala nila at duon ginagamot ni Tatang Nardo ang sugat ni Alexander. Habang panay ang tanong ni Daddy at Tatang Nardo kung ano ang nangyare sa amin. Ako lang ang panay ang sagot sa mga tanong nila. Dahil nanatiling tahimik si Alexander na paminsan-minsan ay napapapikit pa siya. Napatingin ako sa nakapikit niyang mga mata kaya napagmasdan ko siya dahil Paharap ang aming inuupuan ni daddy sa kanila ni Tatang Nardo. Bumaba ang ang aking paningin sa labi niya na habang kagat ng kanyang ngipin dahil siguro sa hapdi na pinapahid na gamot ni Tatang Nardo. Parang ibinalik ako nito sa nakaraan kung paano ko iyon unang natikman. ***Flashback*** Dahil sa kagustuhan ko na maibaba ang kuting na nakita ko sa itaas nang Puno ay pilit ko itong inakyat. Hinde naman mahirap sa akin ang umakyat sa mga Puno dahil madalas ko itong gawin. Labis naman ang tuwa ko dahil nagawa ko umakyat para iligtas ang kuting na tila takot bumaba dahil sa sobrang taas ng kanyang kinalalagyan. "Kasi naman marunong kang umakyat! Hinde ka naman marunong bumaba" Kausap ko sa kuting, Na hinde ko alam kung naiintindihan ba ako. Nilagay ko siya loob ng aking t-shirt habang nakalitaw ang kanyang ulo sa suot ko. Dahan-dahan ako bumababa sa mataas na puno. Pero hinde ko Inaasahan ang sumunod na nangyari dahil ang kuting na aking tinulungan ay pilit na umaalis sa loob ng t-shirt ko. Dahil naramdaman ko ang kanyang tila matatalim na kuko sa aking dibdib sa loob ng t-shirt ko ay pilit ako nakabitaw sa sanga ng Puno na kinakapitan ko kasabay din nang kanyang pagtalon. Hinde ko alam kung saan ako bumagsak basta naramdaman ko na biglang may tumulak sa akin, At narinig ko ang binigkas niya na maasim at sabay dura niya sa kanyang kinakain. "Bakit mo ako tinulak?" Pagalit ko na tanong ko sa kanya. Kahit mataas siya sa akin. Walang takot ako na lumapit sa kanya. Nakita ko pa ang pagsalubong nang kanyang kilay sa pagtitig sa akin. Dahil narin siguro sa inaasal ko ngayon. Nakatingala ako sa kanya habang siya naman ay nakayuko sa akin habang nakatitig sa akin. Tinulak ko pa siya nang dalawa kong kamay dahil naiinis ako sa ginawa niya sa akin. Kaya napaatras naman siya pero hinde parin niya inaalis ang tingin niya sa akin kasabay ng kanyang magkasalubong na kilay. "Bakit mo ako tinulak? At sino ka? bakit nandito ka sa loob ng Hacienda namin!" Pagalit ko parin na tanong sa kanya. At muling lumapit sa kanya. Kahit mataas siya sa akin ay hinde ako natatakot sa kanya. "Hinde ba dapat ikaw ang humingi ng kapatawaran sa akin dahil nasaktan ako sa ginawa mo dahil nahulog ka sa katawan ko bata!" Narinig ko na sagot niya sa seryosong boses niya. "Huwag mo ako tawagin na bata! Dahil hinde na ako bata!!!" Galit kong pasigaw sa kanya. Dahil ang tingin ko sa kanya ay nasa kinse anyos na siya. Kaya sobrang taas niya para sa akin. Kaya dahilan para tingalain ko siya. "Talaga hinde kana bata? E bakit naglalaro ka parin sa itaas ng Puno kung hinde kana bata?!" Sagot naman niya sa akin. "Wala kang pakialam dahil Hacienda namin ito kaya gagawin ko kahit ano man ang gusto ko! Kaya umalis kana sa harapan ko!!" Sigaw ko ulit sa kanya. Habang nakatingala parin ako sa kanya. Nakita ko ang may pagka singkit na mata niya na lalo naging singkit dahil sa aking sinabe. Pero nagulat ako sa sumunod niya na ginawa dahil nakatingala ako sa kanya. Madali para sa kanya ang hawakan ako na Isang kamay niya sa bewang ko at binuhat para dumampi ang kanyang labi sa akin. Nanlaki ang mata ko sa kanyang ginawa. Kaya mulat ang mata ko habang nakatingin sa kanya na siya naman ay nakapikit. Pilit ako kumawala sa pagkakabuhat niya. Binitawan naman niya akong bigla dahilan para bumagsak ako sa damuhan paupo. Naramdaman ko ang sakit sa pang-upo ko dahil sa ginawa niya. Kaya nagmadali ako tumayo at ubod na lakas ko siyang sinuntok sa kanyang mukha. Dahil sa mataas siya sa akin. Patalon ko itong ginawa sa kanya kaya Parehas kami bumagsak sa lupa. Nagmadali ako tumayo para suntukin ulit sana siya pero bigla nang may dumating at kaagad siyang itinayo.. ***End of Flashback*** "Bakit iha? masakit ba ang labi mo? tara dito baka may sugat din iyan" Narinig ko na tanong sa akin ni Tatang Nardo. Bigla ko naman naibaba ang kamay ko na hinde ko namalayan na napahawak na pala sa labi ko. "Ahmm.. Hinde po! Salamat na lang po" Naasiwa ko na sagot. Dahil naiinis ako sa sarili ko kung bakit naalala ko pa iyon. Napansin ko rin na nakatingin na pala sa akin si Alexander. At tinignan pa ang labi ko. Kaya inirapan ko siya. "Iho Alexander salamat sa ginawa mo. Ano bang dapat ko gawin para naman makabayad ako sa pagkakaligtas mo sa anak kong si Amira?" Narinig ko na tanong sa kanya ni Daddy. Dahil tapos nang gamutin ang kanyang sugat umayos narin ng pagkakaupo ang kanyang ama. Napansin ko ang seryosong tingin sa akin ni Alexander kaya sinimangutan ko siya. Nakita kong napangisi pa siya sabay iling niya. "Problema niya? Akala mo gwapo! macho ka lang uyy!!" Naiiritang bulong ko na naman sa sarili ko. Napansin ko na napatingin sa akin si Daddy na seryoso ang kanyan mukha. Nginitian ko si Daddy ng magandang ngiti dahil narinig niya yata ang sinabe ko..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD