Tiwala ng isang galit na Ama

1107 Words
QUOTES; "TAKE PRIDE IN HOW FAR YOU HAVE COME AND HAVE FAITH IN HOW FAR YOU CAN GO" "Siya pala ang anak mo Nardo na si Alexander?" "'Oo Lambert kakauwe lang niya mula sa Iran dahil sa Sinalihan niya na Competition" "Talaga ba? Ano naman Competition?" "Horse Racing' at hinde ako nagkamali dahil siya ulit ang nag kampeon pang sampu na panalo na niya iyon, At bukod duon isa din siyang sikat na beterinaryo sa bansang Iran" Nakita ko kay Tatang Nardo kung paano siya ka-Proud sa kanyang Anak habang sinasabe niya ang mga iyon sa amin. Parang nakikita ko sa kanya si Daddy kung paano niya ako ipagmalaki sa ibang tao at kung gaano siya ka-proud sa akin. Pero kasabay rin nun ang pagtaas nang kilay ko sa narinig ko. Kaya pala kanina habang pinapatakbo niya si Alexander nakita ko kung paano siya kahusay kahit na may iniinda siya na mga sugat. "Parehas pala kayo na tinatahak na landas ng aking anak na si Amira, Nakakatuwa rin na malaman ko na talagang nagsumikap ka para sa pamilya mo Alexander" Nasa boses ni Daddy ang labis na Paghanga sa taong nasa harapan namin. Kung paano niya ako hangaan ay ganoon din ang pinapakita niya ngayon sa harapan ni Alexander, Hinde ko alam pero parang nakaramdam ako lalo nang pagkainis sa lalake na ito. "Iho Alexander Sabihen mo lang kung ano ang pwede ko gawin para naman makaganti sa ginawa mong kabutihan para sa anak ko" Inulit ulit ni Daddy ang tanong sa kanya, Napansin ko na sa akin na naman napako ang tingin ni Alexander, Kaya napansin ko rin na napatingin na si Daddy sa akin at pati narin sa kanya. "Tulad ho ng Sinabe ko 12 years ago na sa muling pagbabalik ko dito ay pakakasalan ko ho si Amira Casimiro!" Napatayo akong bigla habang nanlalake ang aking mata dahil sa kanyang sinabe, "Gago ka ba?! bakit mo ako Papakasalan!!?" "Tumutupad lang ako sa iyong kagustuhan!' Sagot naman niya sa akin na nakangise na halatang inaasar ako, Kaya lalo ako nainis sa kanyang sinabe at sa kanyang pinapakita na kanyang reaksyon. May nakita ako na babasagin sa harapin namin na parang Ashtray kinuha ko iyon at ibabato ko sana sa kanya pero narinig ko kaagad ang boses na naman ni Daddy . "AMIRA MAUPO KA!!" Kaya nanlulumo na muli akong naupo sa kanyang tabi habang hawak ko parin ang Ashtray sa kamay ko. "Anong ibig mong sabihen na kagustuhan ni Amira na pakasalan mo siya Alexander!?" Tanong sa kanya ni Daddy, Sa pagkakataon ngayon ang boses ni Daddy ay kakaiba na pati ang kanyang mukha ay hinde na mabago kung gaano siya kaseryoso. Kaya alam ko na dapat muna ako tumahimik dahil kilala ko si Daddy pag nagalit, Itinago ko ang Ashtray na hawak ko sa likod ko dahil baka maisipan ni Daddy na ibato ito sa mga taong nasa harapan namin. Dahil parehas kami ni Daddy na nilalabas ang galit sa pamamagitan nang pagsira o pagbato na kung ano man ang mahawakan namin. Dahil pag nangyare iyon hinde ko alam kung kaya ko siyang pigilan dahil wala pa naman si Mommy dito para pakalmahin siya. Si Mommy lang kasi ang may kakayahan na pakalmahin si Daddy. "Hinalikan ko siya at iyon ang hininge niya na kapalit sa ginawa ko!" Gusto ko na lumubog mula sa kinauupuan ko dahil sa kanyang sinabe, Nahawakan kong muli ang Ashtray na nasa aking likuran dahil gusto ko na talagang ibato sa kanya para tumigil lang siya mga susunod niya pang sasabihen. Pero malakas talaga ang pakiramdam ni Daddy. "Bitawan mo iyan AMIRA!!" "Daddy....." Tawag ko sa kanya, Dahil nahihiya talaga ako, masyado pa naman ako bata nang mga panahon na iyon. Hinde ko rin naman alam na muling babalik ang Alexander na ito na sineryoso pala ang aking sinabe. Nabaling muli sa akin ang atensyon ni Daddy na alam ko ay hinihinge niya ang aking paliwanag sa sinabe ni Alexander. "Daddy.. ahmm, Bata pa po ako nang mga panahon na iyon diba?" Paglalambing ko sa kanya, Umusog pa ako at humawak ako sa siko ni Daddy at nagpatuloy sa aking sasabihen. "Kasi Daddy lagi kasi sinasabe sa akin ni Kuya Amir nuon na huwag daw ako magpapahalik kasi magkaka-baby daw ako, tapos kailangan daw kung sino ang humalik sa akin na lalake dapat daw pakasalan ako. Pero promise Daddy hinde ko talaga alam na hinde totoo ang sinabe ni kuya Amir sa akin" Mapungay ang mata ko habang pinapaliwanag ko sa kanya ang lahat, Dahil ganito ko lambingin si Daddy. Pero hinde parin nagbago ang kanyang seryoso na mukha kaya napayuko na lang ako. Naramdaman ko na tumayo na si Daddy kaya tumayo narin akong bigla, Nakita ko rin na tumayo na sila Tatang Nardo habang inalalayan niya rin tumayo si Alexnder na nanatiling nakatingin parin sa akin. Muli ko siyang inismiran pero seryoso parin ang kanyang mukha. "Aalis na kami Tatang Nardo kailangan na magpahinga ng iyong Anak" "Ganoon ba, Sige Lambert salamat muli" Sumabay na ako maglakad kay Daddy pero hinde ko inasahan ang sumunod na kanyang ginawa, Dahil si Alexander na nakatayo habang hawak nang kanyang Ama ay bigla niyang sinapak sa mukha na labis namin kinagulat ni Tatang Nardo. At sabay din kami napasigaw. "Lambert!!" (Tatang Nardo) "Daddy!! (Amira) Natumba si alexander sa likod ng Sofa na kanilang kinauupuan kanina, Aalalayan sana siya ni Tatang Nardo para maitayo, pero mas mabilis si Daddy, Hinila siya patayo ni daddy habang hawak siya sa polo shirt niya sa kanyang bandang leeg. "Para iyan sa halik na ginawa mo sa Anak ko!!" Sabe sa kanya ni Daddy sa pagalit na boses, Napangiti ako kasi mahal talaga ako ni Daddy. Pero nawala ang simpleng pagkakangiti ko dahil nagbago rin ang kanyang boses, Habang inaayos pa niya ang pagkakatayo ni Alexander. At patuloy na may sinasabe dito. "Pero Napahanga mo ako iho' sa iyong katapatan, Dahil sa loob nang labing-dalawang taon pinatunayan mong hinde ka nga isang sinungaling na tao, At isa kang lalake na may isang Salita." Nakita ko pa ang pagtapik-tapik ni Daddy sa kanyang balikat. Napakunot-noo pa ako sa aking nakikita at naririnig mula kay Daddy. Tila nakuha ng Alexander na ito ang tiwala ni Daddy na Mahirap kunin. "Pero sa kagustuhan mong pakasalan ang aking anak ay hinde na ako ang masusunod sa bagay na iyan! Pero asahan mo ang aking suporta iho' Pero kailangan makuha mo muna ang kanyang loob at mapasunod mo siya sa iyong mga kagustuhan Alexander!" Hinde na maipinta ang aking mukha sa aking mga naririnig habang sinasabe iyon ni Daddy kay Alexander. Habang pareho silang seryoso na nakatingin sa bawat isa..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD