My Amira

1106 Words
**QUOTES FOR THE CHAPTER** "WHEN YOU CANNOT WALK. LET ME HELP YOU RUN. WHEN YOU AFRAID. LET ME TEACH YOU TO TRUST. WHEN YOU ARE WEAK. LET ME HELP YOU BUILD STRENGHT. WHEN YOU CAN'T FIND YOUR VOICE. LET US SPEAK WITHOUT WORDS. WHEN YOU WANT TO GIVE UP. LET ME SHOW YOU HOW FAR YOU CAN GO. AND IF YOU NOT LOVE ME? I WILL LOVE YOU MY AMIRA....... ALEXANDER YBAÑEZ "Daddy naman hinde ko na kailangan magpaturo pa sa kanya dahil ilang beses na nga ako nanalo diba?" Labis ko na pagtutol sa kagustuhan ni Daddy na mananatili ako sa poder ni Alexander. Dahil kailangan nila ni Mommy na manatili sa Maynila. Meron na daw balita ang Isang Secret ageant na inupahan nila para sa nawawala kong bunso na kapatid na si Bella Casimiro na nawala nang tatlong taon na gulang pa lamang ito. "Anak sundin mo na lang ang gusto ko, Wala ka makakasama dito. At may pinoproblema si Alexander mo dahil iyon din ang nakikita ko kaya muntikan kana niyang maihulog sa bangin" "Pero Daddy naman kaya ko naman ang Sarili ko dito e!" Himutok ko pa din sa kanya. Dahil naiinis na ako. Kung bakit nagagawa ni Daddy na ipagkatiwala ako sa ibang tao. Kaya Lalo ako nakakaramdam nang inis sa Alexander Ybañez na iyon. "AMIRA CASIMIRO! My Decision is Final! I really Have to go!" "Daddy naman e!" Nagpapadyak na ang dalawang paa ko dahil umaasa ako na mapapansin pa ako ni Daddy. Pero walang epekto dahil tuluyan na niyang akong iniwanan sa pintuan at tuluyan na siyang sumakay sa kanyang kotse para lumuwas sa Maynila at para sundan si Mommy. Dahil nauna na itong lumuwas dahil sa sobrang kasabikan sa balitang kanyang nalaman. Kaya pati si Daddy ay nagmamadali na sundan din si Mommy sa Maynila. Pabalik na sana ako sa loob ng bahay nang makarinig ako ng paparating na tunog ng sasakyan. Akala ko bumalik si Daddy, Pero ibang sasakyan ang huminto sa tapat ng bahay namin. Napakunot-noo pa ako dahil napako ang tingin ko sa taong lumabas mula dito. "Pasok sa loob ng sasakyan!" Nanlaki ang mata ko sa kanyang sinabe. Habang nakatayo siya sa gilid ng kanyang sasakyan na nakahawak pa siya sa nakabukas na pintuan nito. "What!!!?" "You heard What I said diba!?" "Yes I heard! at hinde ako bingi!!" Naiinis ko nang sagot sa kanya. "Sino kaba sa akala mo na susulpot na lang sa harapan ko at uutusan ako na pumasok sa loob ng kotse mo!! Are you out of your mind??" Pang-aasar ko pa na sagot ko sa kanya. Pero tila hinde siya naapektuhan sa pagtataray ko. "Yes I'm really out of my mind and because of you!!" Nang-iinis din niya na sagot sa akin at tinignan pa ako mula ulo hanggang paa ko. At Dahil sa kanyang ginawa tila ang lahat nang dugo ko sa katawan ay umakyat papunta sa ulo ko. Kaya nagmamadale ako bumaba sa tatlong hagdanan para lumapit sa kanya. "You!!!" Sinara ko ang pintuan ng kanyang sasakyan habang Nang-gigil ko na sinabe sa kanya, habang dinidiin ko rin sa dibdib niya ang Isang daliri ko. Naki-pagtitigan din ako sa kanya habang nakatingala ako sa kanya dahil masyado talaga siyang mataas sa akin. "Nakuha mo man ang tiwala ni Daddy. Pero hinde ang tiwala ko Alexander!! So Remember it I will say! Not me!!" Madidiin ang mga bawat salita na lumalabas sa labi ko, Habang nilalabanan ng mata ko ang seryosong tingin niya. Nakita ko din na nag-galawan ang mga ugat sa kanyang panga. Pero hinde ako nakaramdam nang takot. Dahil handa ako sa maari niyang gawin. Napansin ko rin na napangise na siya, Kaya napakunot-noo na naman ako sa kanyang inasal. "From now on! That's really what you're going to say My Amira! Pero alam ko na darating ang araw na ikaw na mismo ang hihinge sa tiwala ko!" Maawtoridad niya na sagot naman sa akin. Habang hinde parin nawawala ang pagkakunot nang aking noo habang nanatili na nakatingala sa kanya. "Ang yabang mo rin ano? Masyadong mataas ang Self Confidence mo sa iyong sarili Mr Ybañez!!?" "Tsk! Tsk! Kaya nga mula sa Pagiging Hampas lupa ay narating ko ngayon ang narating ko! Ikaw ba ilang panalo naba ang narating mo? Tatlo mula sa iba't-ibang bansa? Achievement naba iyon para sa'yo?!" Dahil sa kanyang sinabe biglang dumapo ang kanang palad ko sa kanyang Isang pisngi. "Huwag mo mamaliitin kung ano man ang naabot ko! Dahil lahat ng iyon ay pinaghirapan ko! Dahil ang lahat ng iyon ay tagumpay para sa akin Lalo na sa Daddy ko!!" Mangiyak-ngiyak ko naman na sagot sa kanya. Dahil hinde ko matanggap na sa kabila ng paghihirap ko na maging proud sa akin si Daddy ay mamaliitin lang niya. Nakita ko na bahagya lumambong ang kanyang mga mata. "Kung ganoon sundin mo ang kagustuhan ng Daddy mo para mas lalo kapa maging mahusay, Pumasok kana sa loob ng kotse!!" Kasabay din nun ang pagbukas niya sa pintuan ng kanyang sasakyan. "Mayabang ka Alexander Ybañez!! Pagsisisihan mo kung bakit pumayag ka sa kagustuhan ni Daddy na mapunta ako sa poder mo habang wala siya!!!" Maawtoridad ko narin na sabe sa kanya. At tuluyan na ako pumasok sa loob ng kotse. Pabalibag naman niyang isinara ang pintuan nito kaya napapakit ako. Habang nasa biyahe wala kaming kibuan. Pagdating naman sa loob ng Hacienda nila kaagad ko binuksan ang pintuan ng kotse at hinintay siya na makalabas. "What now?!!" Tanong ko sa kanya. Habang nakapamewang ako paghinto niya sa harapan ko. "Pumasok kana sa loob ng Bahay!" "Oh iha Amira nandito kana pala. Ibinilin ka kasi sa amin ng Daddy mo. Hinde ka daw kasi pwede na isama niya sa Maynila dahil kailangan mo raw kasi paghandaan ang susunod na laban mo" Si Tatang Nardo nasa tabi na pala namin siya. "Iho Ihatid mo muna siya sa kanyang magiging kwarto" Narinig ko na sinabe niya kay Alexander. "Kayo na lang po Daddy Babalik ako sa Hacienda Casivue para kunin ang gamit niya pati narin si Alexander niya!" Sagot naman ni Alexander kay Tatang Nardo, Hinde ko na siya tinignan dahil naiinis ako sa kanya. Narinig ko na lang na ang pag-start ng sasakyan. Inaya na ako ni Tatang Nardo na pumasok sa loob nang bahay. Dinala niya ako sa Isang kwarto na sarado. "Diyan muna ang kwarto mo iha' Pag may kailangan ka huwag ka mahihiya na katukin hetong kabila na pinto. Dahil heto naman ang kwarto ni Alexander" Napatingin ako sa Isang kwarto na sinasabe ni Tatang at tuluyan na niya akong iniwan. Binuksan ko naman ang pintuan ng kwarto na nasa aking harapan..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD