Itlog

1088 Words
QUOTES FOR THIS CHAPTER NO MATTER HOW BAD YOUR DAY iS THERE ALWAYS SOMEONE WAITING FOR YOU AT THE BARN. Hinde ko alam kung anong ingay ang naririnig ko. Tila Isang kalabog sa pintuan na sobrang lakas. Kaya napabalikwas ako nang upo mula sa pagkakahiga ko. At wala sa loob ko na biglang buksan ang pintuan ng kwarto. Napakunot-noo ako dahil bakit mukha ng lalake na ito ang nasa labas ng kwarto ko. Nakita ko din ang tila pagkatulala niya dahil sa hinde ko rin alam. Bigla ko nilingon ang kwarto na kinaroroonan ko. Naalala ko narin nasa ibang kwarto nga pala ako. Muling bumaling ang atensyon ko sa kanya na tila parang napalunok pa. "What!!? What do you need!!?" Naiiritang tanong ko sa kanya. Muling bumalik sa pagkaseryoso ang mukha niya nang masigawan ko siya. Tanghali na nasa higaan ka parin? Wala ka sa Hacienda mo para hatiran kapa ng pagkain mo!!! Kaya ayusin muna iyang suot mo at lumabas kana dito!!" Pagkasabi niya sa akin nun, Kaagad din siyang tumalikod. Tinignan ko tuloy ang aking kabuuan, Hinde ko alam kung mahihiya ba ako pagkatapos kong makita ang sariling itsura ko. Naka pajama naman ako pero naka white Spaghetti strap ako na Medyo hapit sa katawan ko. Kaya ang tayong dibdib ko ay sobrang bakat na halos wala nang itago. "Hmp!! Kainis! Gago kasi bigla-bigla kakatok!! Kulang na lang sirain ang pintuan!" Bulong ko sa sarili ko. Pero bigla ako napaisip sa naging reaksyon niya kanina. Parang bigla kasi nagbago ang reaksyon ng mukha niya kanina habang nakatingin sa akin. "Hmmm.. Parang alam ko na kung paano ko mapupuno ang iyong pag-titimpi! Sabi ko sayo eh magsisisi ka kung bakit pumayag ka na mapunta ako sa poder mo Alexander Ybañez!" Kausap ko sa sarili ko habang naliligo na ako sa banyo. Pagtapos ko maligo lumabas na ako ng kwarto. Hinde ko alam kung nasaan ang kusina kaya napahinto pa ako sa gitna nang sala. Bigla ako napalingon sa pintuan dahil biglang may nagsalita mula duon. "Ano namamasyal ka? Nanduon sa kaliwa mo ang kusina magluto kana!!" Napatingin ako sa pintuan na tinuro niya na medyo may kalayuan sa kanang bahagi na kinatatayuan ko. Pero bigla din bumalik ang Paningin ko sa kanya dahil sa huli niyang sinabe. "Excuse me? Me? Why me!?" Nanlalaki ang mata ko na tanong ko sa kanya, Habang ang hintuturo ko ay nakaturo pa sa mukha ko. "Yes You!! And Why you? Dahil tanghali kana gumising, wala kanang aabutan na lutong pagkain. At dahil din wala kaming katulong dito! wala kang aashan na gagawa para sa'yo. Kaya Ikaw ang mismong gagawa para sa sarili mo!!" Salubong ang kilay ko habang sinasabe niya ang lahat ng iyon sa akin. Gusto ko siyang sakalin sa mga sinabe niya. Dahil wala akong kaalam-alam sa pagluluto. "Sige na at magluto kana nang pagkain mo!! Hinihintayin kita sa labas para makapag-umpisa na tayo!!" "Anong makapag umpisa??" Pagtataka na tanong ko sa kanya. Nakiusap sa akin ang Daddy mo na habang nandito ka sa poder ko ay itururo ko sa'yo ang mga iba mo pang dapat na malaman!" Pagkasabi niya ulit nun tinalikuran na niya ako at muli siyang lumabas sa pintuan. Tumungo na ako sa pintuan na tinuro niya sa akin. Pagpasok ko sa loob ng kusina binuksan ko ang Ref naghanap ako nang pwede iluto. Pero halos lahat ay hinde ko alam kung paano lutuin. Kahit man lang Hotdog o kaya bacon ay wala ako makita. Muli kong isinara ang ref at naupo sa upuan na nakita ko. Nakapalumbaba ako habang nag-iisip. Muli ako tumayo para buksan ulit ang Ref, kumuha ako nang dalawang itlog na nakita ko kanina. Binuksan ko ang kalan at nagsalang nang kawali at nilagyan ko ito ng mantika. Pero hinde ko alam kung tama ba ang mantika na nailagay ko dahil halos kalahati sa kawali ang mantika na naibuhos ko. Habang pinapainit ang kawali, Nagtimpla na muna ako ng gatas na nakita ko. Muli kong binalikan ang kawali na umuusok na, Kaya nagmadali ako na lagyan ito ng itlog. Pero sa unang lagay ko tumalsik ang mantika sa kamay ko at sa braso ko. "Ouchh!!! Shiit!!" Napatalon-talon pa ako habang hawak ko ang kamay ko na maraming talsik ng mantika. "Damn you!! Alexander Ybañez!!!" Bigla ko siyang naalala dahil sa hapdi ng mga talsik ng mantika sa katawan ko. Hinde ko alam kung nakailang salang ako ng itlog bago ako nakapagluto. Dahil halos lahat ay sunog dahil sa takot ko na muling matalsikan ng mantika. Pero bago ko naman iyon nagawa naubos ko yata ang lahat nang itlog sa loob nang Ref.. Yun nga lang Isang isang itlog lang ang nailuto ko at sunog parin. . Pero ok narin kasi nakapagluto ako. Kaya tuwang-tuwa ako sa nagawa ko dahil Isang Achievement narin ito para sa akin. Paupo pa lang ako sa upuan paharap sa mesa para kumain. Nang may pumasok sa kusina. Nakita ko pang salubong ang kilay niya na nakatingin sa kalanan marami kasing balat ng itlog na nakakalat at marami din na tapon na mantika. Hinde ko siya pinansin hinarap ko ang pagkain na nasa aking harapan. Tinikman ko ang itlog na aking niluto. Pero kaagad ko itong nailuwa dahil sa sobrang alat. Bakit ganoon? Nilalagyan ba talaga ng asin ang itlog? hinde yata ito nilalagyan e. Bulong ko sa isip ko. Napansin yata ako ni Alexander at lumapit sa akin. Nakita ko na kinuha niya ang tinidor na ginamit kong pangkain sa itlog. ginamit din niya ito para kumuha sa itlog na niluto ko. Nang matikman niya kaagad din niya itong nailuwa. "Gaano karami na asin ang nilagay mo sa itlog?" Naiinis na tanong niya sa akin. "Konti lang naman" Sagot ko naman sa kanya. "Gaano kakonte?" Tinignan ko ang kutsarita na pinag gagamitan para sa asukal. Sinundan niya ng tingin ang tinignan ko na kutsarita at kinuha niya ito. "Heto ginamit mo?" Tumango lang ako sa kanyang tanong. Dahil sa totoo lang hinde ko talaga alam kung paano gamitin ang asin sa pagluluto. "Oh My Amira magkakasakit ka sa ginawa mo!" Inangat din niya ang Isang kamay ko, Hinde ko alam kung bakit. Siguro nakita niya ang maraming paltos duon. Kinuha niya ang pinggan na may laman na itlog na nasa aking harapan. At itinapon niya ito sa basurahan. Nakita ko rin na may kinuha siya na Karne Norte sa Maliit na kabinet sa loob ng kusina. Naghiwa din siya ng patatas, Sibuyas, at bawang. Pinapanuod ko lang siya habang ginagawa niya ang mga iyon sa aking harapan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD