QOUTES FOR THIS CHAPTER
WHEN I AM WITH HORSE,
I AM BETTER VERSION OF MYSELF..
I AM NOT WORTHLESS AND THERE'S
NOTHING WRONG WITH ME,
I AM NOT SHY,,
NOT WEAK,
NOT EMPTY..... ALEXANDER YBAÑEZ
WHEN I'M RIDING, NO MATTER
HOW MANY TIMES I MIGHT FALL,
I HAVE NO SCARS, IM NOT BROKEN
I'M SAFE, I AM MYSELF..... AMIRA CASIMIRO
Pagtapos ko kumain ng kanyang niluto inaya na niya ako para lumabas dahil marami daw ako na dapat matutunan. Ano paba ang dapat ko matutunan? Eh lahat naman pagdating sa pagpapatakbo sa kabayo ay alam ko na.
Dinala niya ako sa Isang malawak na lugar kung saan may bakod ito. Nakita ko din na maraming kabayo. Napakunot-noo pa ako habang papasok kami dito, Anong gagawin namin sa loob ng malawak na bakod At maraming mga kabayo?
May nakita din ako na ilang lalake na nakaupo sa mga bakod. Napansin ko ang pag-iwas nila nang tingin sa akin ng tignan ko sila.
"Umpisahan muna!"
Boses na galing sa likod ko. Alam ko na siya si Alexander dahil nauna ako pumasok sa kanya dito sa napakalaking bakod. Kaya umikot ako para lingunin siya.
Pero muntik na ako mapamura dahil sobrang lapit niya pala sa likod ko kanina bago ako umikot paharap sa kanya. Kaya tumama ang mukha ko sa dibdib niya. Kaya bigla ako napaatras dahil langhap ko ang pabango na gamit niya. Hinde ko alam kung bakit biglang tumibok ang puso ko, Kasabay ang bigla kong pagsinok.
Kaya bigla ako tumalikod sa kanya habang ang isang palad ko ay nasa dibdib ko at pinapalo ko ito ng pasimple kasabay ang walang tigil na pagsinok ko.
Nauna na siyang lumakad sa akin, Kaya sinundan ko na lang siya habang pasimple ko Pinagmamasdan ang likuran niya.
'bute na lang hinde niya napansin ang naging reaksyon ko nang hinde sinasadya na tumama ang mukha ko sa matipunong dibdib niya, Kaya hinde muna ako nagtanong sa kanya kung ano ang ibig sabihin na umpisahan ko na, Dahil ang sinok ko ay ayaw tumigil.
Wala parin tigil ang pagsinok ko habang sinusundan ko siya. 'Pls huminto kana!'
Kausap ko sa sarili ko. Dahil ayaw talaga tumigil ang pagsinok ko.
"Umpisahan mo nang paliguan silang lahat!"
Sabe niya sa akin pagkahinto namin sa Isang kabayo. Tinignan ko ang lahat ng kabayo sa loob ng napakalaking bakuran.
"Ok ka lang!?"
Tanong ko sa kanya habang hinde ko siya tinitignan dahil ang paningin ko ay nasa kabayo lahat. Napatingin din ako sa mga lalake na nakaupo sa bakod dahil bigla sila nag-alisan patalon sa bakod nang mapatingin ako sa kanila.
"Oo Ok lang ako! Ikaw Ayos ka lang ba? Huwag mo sabihin na hinde ka marunong magpaligo ng kabayo? Isa kang Kampeon na Horse Racing? Pero ang sarili mong kabayo ay hinde mo man lang mapaliguan kahit na Isang beses? Dahil inaasa mo lang sa mga tauhan ng Daddy mo!?"
Nang-iinis niya na sabi sa akin. Pero totoo naman ang kanyang sinabe dahil may gumagawa naman nuon, Kaya bakit ko pa kailangan gawin iyon? Kaya napataas ang isang kilay ko.
"Mr Ybañez Kaya nga may mga tauhan na binabayaran si Daddy para gumawa nun! Kaya bakit kailangan ko pa gawin kung meron naman na gagawa at iyon ang trabaho nila?"
Nakapamewang kong sagot sa kanya.
Lalo nagsalubong ang kilay niya dahil sa naging sagot ko.
"Hinde ko tuloy alam kung tama ba ang desisyon ko na ipagkatiwala siya sa'yo"
Hinde ko alam kung tama ang pagkakarinig ko sa mahinang sinabe niya.
"Anong sabi mo!?"
"Naaawa ako kay Alexander mo, Dahil ilang beses kana niyang itinakbo sa tagumpay na nais mo. Pero ang simpleng pagpapaligo sa kanya ay hinde mo man lang nagagawa"
Naiirita niyang sagot sa akin.
"Sige na umpisahan mo itong kabayo na nasa harapan mo paliguan dahil marami pa ang nag-hihintay sa'yo"
Tatalikod na sana siya sa akin nang may bigla siya maalala na sabihin. Nakita ko pa na itinaas niya ang Isang kamay niya na tila isa-isa na may ibibilin sa akin.
"Dahil unang beses mo magpapaligo ng Kabayo tandaan mo ang lahat ng sasabihin ko. 1st step: Wet The horse from the hooves up. 2nd: Don't use shampoo for sensitive area. Oops!!! alam mo naman siguro ang sensitive area ng kabayo diba?"
Nakangise niyang sabi sa akin. Gusto ko na siya batuhin na timba na nasa ibabang gilid ko, Pero nag-pigil ako. At muli siyang nagpatuloy sa kanyang hinahabilin.
"Step 3: Lather the rest section by section, step 4: Rinse the shampoo off before it dries out, Step 5: Finish up with the mane and tail. Step 6: Drying properly is crucial"
Ang dami naman nun, Natandaan ko ba ang lahat ng kanyang sinabe? Tanong ko sa sarile ko.
"At ang isa pa pala magaang ba ang kamay mo sa paghaplos paitaas at paibaba?"
Nakangise niyang sabi sa akin. Lalo nagsalubong ang kilay ko sa kanyang tanong, Ano koneksyon nun sa pagpapaligo ko sa kabayo?
"Wag muna sagutin dahil maituturo ko rin iyon sa'yo pagdating sa tamang panahon, Sa ngayon kailangan magaang ang kamay mo sa pagpapaligo sa kanila kung ayaw mo na masipa ka nila"
Tuluyan na niya ako iniwan sa napakalaking bakuran kasama ang limang kabayo. kahit masama ang loob ko ay ginawa ko ang sinabi niya pinaliguan ko ang mga kabayo tulad ng kanyang sinabe. Pero nasa pangalawa na kabayo pa lang ako ay parang nakaramdam na ako ng sobrang inis. Bigla ko naibato ang hawak ko na pang hagod na ginagamit ko sa kabayo.
"Shiit ka Alexander Ybañez!!! Bakit kailangan kitang sundin!!!"
Nanggigil na sigaw ko. Nasipa ko din ang Timba na stainless na nasa aking paanan. Pero hinde ko napag-handaan ang mabilis na karma dahil kasabay ng pagtilapon ng timba ay siya rin naman na dulas ko kaya napaupo ako sa basang lupa.
***Alexander Pov***
Hinde ko naman siya tuluyan na iniwanan sa loob ng malaking bakuran kung nasaan ang mga kabayo na kanyang paliliguan. Umakyat ako sa mataas na puno kung saan lubusan ko siyang makikita na hinde na niya mapapansin ang presensya ko.
Natutuwa ako kasi nagawa ko siyang mapasunod sa gusto ko. Isang malaking kagalakan na ito para sa puso ko. Kanina gusto ko siyang yakapin nang makita ko na maraming paltos at talsik ng mantika ang maganda niyang kamay. Pero nagpigil ako. Gusto kong baguhin ang Isang Amira Casimiro. Yung ako ang Susundin niya at hinde siya ang masusunod. Para sa ganoon mapapayag ko siya na magpakasal sa akin.
Kung tutuusin pwede ko naman talaga na hinde patulan ang kanyang sinabe sa akin na pakasalan siya dahil salita lamang iyon ng Isang bata. Pero may bahagi ng puso ko ang nagsabi na gusto ko tuparin iyon. Kaya siya ang naging inspirasyon ko kung bakit naabot ko ang lahat ng kung ano ang mayroon ako.
Pati ang pagkahilig sa kabayo ay siya rin ang dahilan ko. Dahil bago ko tuluyan na lisanin itong Mindoro para ipagpatuloy ang pag-aaral ko. ilang araw ko siyang sinusundan ng palihim at nakita ko nga ang pagkahilig niya sa kabayo na tulad ng kanyang ama.
Kaya sinabe ko sa sarili ko na papantayan o hihigitan ko siya para makuha ko ang atensyon at tiwala niya na tingin ko pa lang sa murang edad niya ay mahirap nang kunin..