QUOTES FOR THE CHAPTER
A HORSE DOESN'T CARE HOW MUCH YOU KNOW UNTIL HE KNOWS HOW MUCH YOU CARE. PUT YOUR HAND ON YOUR HORSE AND YOUR HEART IN YOUR HAND..
"Ouch!!! Ang sakit!!"
Hawak ko ang pang-upo ko habang pilit akong tumatayo. At napansin ko rin ang damit na suot ko na puro talsik na ng putik dahil sa pagkakaupo ko sa basang lupa.
Pero bago ako tumayo napansin ko sa gilid ng aking mata na meron nakaupo sa Isang puno na medyo may kalayuan sa akin. Nakita ko ang kulay ng jacket niya pati na ang Rubber Boots na suot niya. Dahil kanina habang nauna siyang naglalakad sa akin ay napagmasdan ko ang kabuuan niya.
Kaya alam ko na siya si Alexander Ybañez. At sigurado ako na kanina pa niya ako pinanonood. Lalo ako nakaramdam ng pagkairita at sobrang inis. Gusto ko siyang sugurin at patumbahin ang puno na kanyang kinauupuan.
'Gago ka talaga Alexander Ybañez! Nagawa mo ako pasunurin sa gusto mo, Tapos Ikaw ang sarap nang pagkakaupo mo diyang hinayupak ka!'
Naiinis na bulong ko habang tumatayo. Bigla naman may pumasok na kakaiba na idea sa utak.
'Hmmm.. tignan ko lang kung hinde ka mahulog diyan sa gagawin ko!' Kausap ko ulit sa sarili ko.
Inumpisahan ko ulit paliguan ang kabayo. At sinadya ko talaga na mabasa ng tubig ang sarile ko lalo na ang damit ko. Dahil naka black Sleeveless blouse ako na maluwag na naka tack-in sa hapit ko na pantalon. Inumpisahan ko ito tanggalin sa pagkaka tack-in sa bewang ko.
Dahan-dahan ko inalis isa-isa ang bitones nito, At tuluyan ko na itong hinubad sa akin. Naka tube top naman ako na puti na sakop lang ang mayaman na diddib ko.
Nakita ko na kanina pa sa gilid nang mata ko na bigla siyang napatayo mula sa pagkakaupo niya sa puno. Nang tuluyan ko na maalis ang suot ko at naiwan na lang ay tube top na suot ko. Hinde ko lang alam kung nagmamadali ba siya na bumaba sa puno dahil napansin ko pa na nadulas siya at tuluyan na siyang nahulog.
'Hahaha!! Buti nga sa'yo Alexander Ybañez! Sabi ko sa'yo e pagsisihan mo kung bakit nandito ako sa poder mo!'
Kausap ko ulit sa sarile ko. Pero nakita ko rin ang mabilis niya na paglalakad habang nanlilisik ang kanyang mata na palapit sa akin.
Pagtapat niya sa harapan ko, Nagulat ako sa bigla niyang Pagsigaw habang nanlilisik ang kanyang mata na nakatingin sa akin.
"Lahat kayo na nandyan sa mga bakod at Puno na nagtatago! Magsilayasan kayo ngayon din!!!"
Napalingon ako sa ilang ingay na naririnig ko at biglang pagkahulog ng ilang kalalakihan sa Puno. At mabilis na kumaripas ng takbo. Alam ko na mga tauhan sila dito sa loob ng Hacienda.
"You!!!"
Kasabay ng paghila niya sa Siko ko. Dahilan para mapalapit ako sa katawan niya. At muli na naman siyang tingalain.
"Anong ginagawa mo!!? Hinde mo ba alam na maraming lalake dito na pwede pagpiyestahan iyang katawan mo!!"
Nanlilisik ang kanyang mata habang sinasabe niya sa akin iyon. Nakaramdam naman ako ng takot dahil sa kakaibang galit sa mata niya na nakikita ko. At hinde ko rin naman alam na bukod sa kanya ay may ibang to pa na pinanonood ako. Pero kaagad din ako nainis dahil alam pala niya na merong ibang tao na nandito bukod sa amin ay hinayaan parin niya ako na magpaligo sa mga kabayo na mag-isa.
"Anong ginagawa mo? Ang sabi ko paliguan mo lang ang mga kabayo, Hinde ko sinabe na pati Ikaw ay maligo dito habang may mga lalake na nanonood sa'yo!!!"
"Your f*****g b***h Mr Ybañez!!! Alam mo pala na may mga lalake dito pero hinayaan mo parin ako na magpaligo mag-isa sa mga kabayo mo!!"
Nanlilisik din ang mata ko na nakipaglaban sa mata niyang nanlilisik sa akin. Napansin ko na nag-galawan ang mga ugat sa kanyang panga.
"At isa pa bakit kailangan mo magalit!? Kung makita man nila ako sa ganitong ayos ko?! Wala kang karapatan na pakiaalaman ako kung ano ang gusto kong gawin sa katawan ko! Kahit maghubad ako dito sa harapan ng mga tauhan mo wala kang PAKIALAM!!"
Nanggigil kong sagot sa kanya. Dahil sobrang pagkainis na ang nararamdaman ko sa kanya.
Pero mabilis ang naging ganti niya sa aking sinabe. Dahil pumulupot ang isa niyang braso sa likod ko para kumapit sa bewang ko at itinaas niya ako para magpantay ang aming mukha. Kaagad lumapat ang labi niya sa labi ko na labis kong kinagulat. Marahas ang labi niya kaya hindi ko ito napaghandaan. Dahil sa pagkatulala ko naipasok niya ang dila niya sa labi ko.
Narinig ko pa na napaungol siya.
Dahil sa labis na pagkagulat at sa pagbilis din nang t***k ng puso ko. Nakaramdam ako nang takot. Kaya ang dila niya na nasa loob ng bibig ko ay kinagat ko.
"Ouch!! s**t!!"
Akala ko bibitawan niya ako kaya muli ako pumikit dahil akala ko masasaktan na naman ang pang upo ko. Pero tila hindi ako nahulog dahil nanatili niya ako hawak parin. Kaya unti-unti ko idinilat ang aking mata. Kung kanina nanlilisik ang mata niya. Ngayon naman wala na ako mabasa dito. Dahil nakatingin lang siya sa buong mukha ko. At nagtagal sa labi ko.
"My Amira Ayoko nang mauulit ito!"
Dahan-dahan niya ako ibinaba mula sa kanyang katawan. Nakita ko rin na hinubad niya ang Jacket niya na suot at isinuot naman niya sa akin.
Hinde ko alam kung ano duon ang ayaw na niyang maulit? Yung naghubad ba ako ng damit? O Yung hinalikan niya ako pero kinagat ko naman ang dila niya?
Nang masuot na niya ang jacket sa akin. kinuha niya ang blouse na hinubad ko kanina. At hinila na niya ako palayo sa mga kabayo. Paglabas naman namin sa bakod narinig ko pa ang bigla niya pagpito at ang biglang papalapit na yabag ni Alexander ko, Habang papalapit naman sa aming dalawa. Dahil sa kanyang ginawa napatingin ako sa kanya. Pero ang kanyang atensyon ay na kay Alexander ko. Paano niya natawag si Alexander ng ganoon? Dahil matagal ko na iyon gusto na gawin, Dahil gusto kong gayahin si Daddy kung paano niya natatawag sa iba't-ibang ibang paraan ang kanyang mga kabayo na tulad ngayon na ginawa ni Alexander kay Alexander ko.
Paghinto ni Alexander ko sa tapat namin. bumaling na siya sa akin.
"Sakay na"
"Bakit saan tayo pupunta?"
Pagtataka na tanong ko sa kanya.
"Kahit saan basta gusto ko mailayo ka muna dito"
Mahinahon na sagot naman niya sa akin. At ang mata niya ay parang may kakaiba na kislap na pilit niyang itinatago.
"Sige pero pwede bng ako ang magpapatakbo sa kanya?"
"Yeah Sure! at hahayaan kita kung saan mo man gustong pumunta. Pero ngayon lang! Dahil sa susunod na pagsakay natin kay Alexander ako na ang magpapatakbo sa kanya habang nasa dibdib kita"
Seryosong sagot naman niya sa akin. Hinde ko na tinanong kung ano ang ibig niyang sabihin. Dahil Ayoko muna makipagtalo sa kanya. Dahil namiss ko talaga si Alexander ko, Mula kasi nang muntikan na niya ako ihulog sa bangin ay hinde na muna ako pinayagan ni Daddy na muli siyang sakyan. Kaya nga hininge ni Daddy ang tulong ni Alexander Ybañez para matignan ito at alamin kung bakit tila nag-iiba ang inaasal ni Alexander ko. Inalalayan na niya ako makaakyat kay Alexander ng masiguro niyang nakaupo na ako ng maayos umakyat narin siya para pumwesto na maupo sa likuran ko.
"Go! My Amira! Dalhin mo kami ni Alexander mo kung saan mo man naisin at sasamahan ka namin!"
Dahil sa sinabe niya inumpisahan ko nang patakbuhin si Alexander ko, Naramdaman ko naman na pumulupot ang dalawang braso niya sa bewang ko. Hinde ko na iyon pinansin dahil tila nasa magandang kondisyon ngayon ni Alexander ko.. Kaya patuloy ako sa pagpapatakbo sa kanya ng mabilis palabas sa loob ng Hacienda. At naramdaman ko rin ang mahigpit na yakap ni Alexander sa akin..