Chapter 2

1604 Words
~(LEXINE GONZALES POV) Napaka-ganda talaga ng Dela-Fuente Empire. Mula sa interior design hanggang sa mga staffs at employees were so great. Siguradong sa milyong taong gustong mag-apply sa kanila ay napili na nila ang best of bests. "Hi tito," agad kong bati kay tito Amado at bineso ito. "Good morning, hija. How are you?" "I'm doing good, tito," sagot ko sabay upo sa silya na nasa harap ng table nito. "Do you want to start today?" "No problem, tito. It will be my pleasure." "Good, I prepare an office for you, if you don't like it just let me know, okay?" Kusang nabuo ang ngiti sa mga labi ko. "My secretary will lead you there. Enjoy." "Thank you so much, tito, it's my privilege to work here in your company." "You're welcome, hija." Iginiya ako ng secretary niya sa tinutukoy niyang office. Nang nasa tapat na kami ng pinto ay agad akong humarap sa kanya. "I can manage," I said. "Sigurado po kayo, ma'am?" "Yeah, you may leave me alone now." Okay, ma'am," saad naman nito, bowed her head at umalis na rin. Tumingin ako sa dalawang pinto na nasa harap ko. Ayen Dela Fuente Gwen Dela Fuente Napangiti ako. This is real, I'll finally be woking with them. Dela Fuentes. Tiningnan ko ang opisina na sinasabi ni tito Amado. It was nice. Maluwang, malaki, preskong tingnan. Lumabas rin ako roon at nag-ikot ikot muna sa floor. I just wanted to be familiarize with it. Tila hotel ang design ng kompanya nila. Medyo makipot ang hallway papunta sa office ng mga executives which is Dela Fuentes. The rest ng kalawakan ay mga staffs na. Napadaan ako sa isang restroom, nakaramdam tuloy ako ng ihi. For executives only ang nakalagay pero pumasok pa rin ako sa loob. Apat ang cubicles at pumasok ako sa isa since wala namang katao-tao sa loob. After peeing and while buttoning my pants nakarinig ako ng daing mula sa labas ng cubicle. Agad kumunot ang noo ko. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at sumilip nang bahagya. Namilog ang mga mata ko. May babaeng nakaupo sa ibabaw ng sink habang nasa pagitan ng hita nito ang isa ring babae habang nagha-halikan silang dalawa. Sa sobrang busy mag-make out ng mga ito ay hindi nila namalayang nakalabas na ako ng comfort room. Napahawak ako sa kamay ko habang pabalik ng office. I felt like I was going to vomit everything in my stomach dahil sa nakita ko. Muli akong napatingin sa malaking picture na naka-display sa pinaka-gitna ng hallway. Katabi ng office ni tito Amado. Family portrait iyon. Si tito Amado, si tita Carmen na may hawak na sanggol which is Sia, I guess. Si Ayen sa tabi ni tito at si... oh my gosh. I was certain si Gwen ang nakita ko kanina sa comfort room. Hindi ako pwedeng magka-mali. Unti-unti akong napangisi nang makabawi ako sa pagka-bigla. Tumingin muna ako sa paligid bago buksan ang opisina nito. In fairness maganda ang office niya. Mukhang mas gusto ko ang side ng opisina nito. Umupo ako sa swivel chair niya. Tiningnan ko ang family picture nilang apat na naka-display sa ibabaw ng mesa. Si tita, tito, siya at si Sia. I crossed my legs and smirked again. Maya-maya lang ay bumukas na ang pinto, I saw Gwen standing there, seemed surprised to see me. "Who--who are you?" Bahagyang namimilog ang mga matang tanong nito. "T-Tatawag ako ng security." Inikot-ikot ko ang swivel chair while I was smirking at her. "Go ahead, and I'll tell Ayen that I saw her stepsister in the comfort room making out with a--" "What do you want?" agad na tanong niya and closed the door behind her back. Lalo akong napa-ngisi. "I simply want this office." "What?" Hindi makapaniwalang tanong nito at lumapit sa akin nang bahagya. "Who are you?" Gusto kong matawa sa itshura nito. She looked so surprised and confused but she still looked classy. Blonde ang buhok niyang maiiksi na hanggang balikat lamang. Mukha siyang matured unlike before na mukha siyang b***h na kontrabida sa mga pelikula. "Well, my name is Lexine Gonzales." Naningkit ang mga mata nito. "Ohh, yah, I remember you. Hanggang ngayon ba naman sunod ka pa rin nang sunod kay Ayen?" She had an accent. Kahit tagalog ay mahahalata mong tumira ng matagal sa abroad. "So..." I leaned forward on the table. "Is this my office now?" ~(AYEN DELA FUENTE POV) Tumunog ang lift. Lumabas kami ni Tina mula roon at naglakad patungo sa opisina ko. Katulad ng dati, bawat empleyadong madadaanan ko ay humihinto at yumu-yuko sa akin. Bubuksan pa lang ni Tina ang pinto ng opisina ko nang lumabas si Gwen sa katabing opisina na may dalang isang malaking box. Hindi maipinta ang mukha nito. She rolled her eyes nang mapatingin sa direksyon ko pagkatapos ay pumasok sa katapat na office. "Hey..." Nakita ko si Lexine na lumabas rin mula sa opisina ni Gwen. Napahinto rin ito nang makita ako. "Oh, hi there, Ayen." Naningkit ang mga mata ko. Anong ginagawa niya rito? Muli siyang bumaling kay Gwen na kalalabas lang muli sa katapat na pinto. "You forgot this," nakangising hinagis ni Lexine ang name plaque ni Gwen na muntik nang tumama sa mukha nito. "Argh!" Narinig kong inis na daing ni Gwen at malakas na isinara ang pinto sa katapat na office. Lexine smirked at me at pumasok na rin sa opisina ni Gwen. Pagpasok sa loob ng opisina ko ay agad akong umupo sa swivel chair ko. Hindi ko maiwasang isipin kung anong ginagawa ng babaeng 'yon rito. She was rich. Nakapag-enroll nga rin siya sa mamahaling university abroad. Classmate ko siya since grade school until college. Nasa akin lagi ang highest honor at lagi lang siyang puma-pangalawa sa akin. "What's this?" Turo ko sa box na mukhang present sa ibabaw ng table ko. Lumapit si Tina and checked the box. "Wala po 'yan kanina d'yan noong pinuntahan ko kayo sa baba," saad nito. "So who brought it there? Tayong dalawa lang ang nakakapasok sa office na 'to." "I really don't know, miss. I'll check the CCTV and report it to you as soon as possible." "Go check it." Turo ko sa box. Lumapit siya sa table ko at binuksan ang box. Napa-tayo ako sa swivel chair nang gumapang ang mga ipis sa table ko mula sa box na iyon. "What the f**k?!" I shouted. Natatarantang pinaghahampas ng vase ni Tina ang mga ipis. Agad sumama ang timpla ko. "Check the CCTV now!" utos ko sa kanya. "R-Right away, miss..." Nagmamadali tong lumabas ng office ko. Maya-maya ay may pumasok na dalawang security para bombahan ng insecticide and mga ipis. Mabigat ang hakbang na nagmartsa ako patungo sa office ni Gwen. Si Lexine na nakaupo sa swivel chair habang tinitingnan ang mga kuko niya ang nakita ko roon. Napalingon siya sa akin at agad nagtaas ng kilay. I was still confused sa kung anong ginagawa niya roon. Lumabas din ako roon at tinungo ang pinto na pinasukan ni Gwen kanina. Kasalukuyan siyang nag-aayos ng mga gamit sa table nang higitin ko ang braso niya. "Ikaw ba ang nagpadala ng ipis sa opisina ko?" malamig na tanong ko rito. "What? Ipis? Are you kidding me?" I glared at her. "Are you deaf?" Binawi niya ang braso mula sa akin. "Ano ba..." "Are you threatening me?" muling tanong ko. "Kung tatakutin lang din naman kita, worms ang ipapadala ko sa'yo not ipis because hello... alam kong hindi ka takot sa ipis," she said and rolled her eyes. "What's going on?" tanong ni Lexine mula sa pinto. "Seriously? Is invading privacy your hobby?" Inis na tanong sa kanya ni Gwen. "Kasalanan ko bang nakabukas ang pinto at ang ingay niyong dalawa?" "Why don't you ask her," saad ni Gwen sabay baling sa table niya at pinaglalagay doon ang mga gamit mula sa box. "Oh, about the ipis?" Nagtaas ng isang kilay si Lexine. "Alam mong alam ko na hindi ka takot sa ipis so why would I bother at the very first place?" I heaved a deep sigh. Ayokong sirain ang araw ko pero hindi ko papalagpasin ang nangyari. "What are you doing here?" I asked Lexine. "Hindi ba, I told you I'll be working here?" Naalala ko ang sinabi niya sa akin noong huli ko siyang makita. "You're stressed," Nag-angat ako ng tingin sa babaeng naupo sa tapat ko. "You're eating a lot when you do." Muling saad nito at tingin sa pagkain na nasa mesa ko. I ignored her. Sa ilang taon na magka-klase kami ay kilalang kilala na niya ako. We have never been friends pero kung may taong nakakakilala sa akin maaring siya iyon. "How's the taste of this banana split?" she asked. "I don't know," saad ko while gently wiping the side of my lips with a napkin. "I don't want to taste it." "Bakit naman? I'd like to know your blunt opinion." "I lost my appetite seeing your face here," diretsong sagot ko. She chuckled. "Masanay kana kasi I'll be working in your company by next week. At isa pa... hindi ko naman yata kasalanan na ako ang may-ari ng restaurant na paborito mong kainan?" Napatigil ako sandali. I didn't know that she owned the restaurant. Ganu'n pa man, tumayo ako at lumakad palayo sa kanya. Bahagya akong napa-nganga. Sineryoso niya talaga ang sinabi niya? What the hell is wrong with her? The both of them will just ruin my every damn day!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD