Chapter 3

2386 Words
~(SIV SITHER VILLAFUERTE POV) Habang naglalakad at nakahawak sa tiyan ko dahil sa gutom, nagpalinga-linga ako sa paligid kung saan ako pwedeng makahanap ng kakainan at ng pwedeng kainin. Nasubukan ko nang halungkatin ang basurahan sa paligid pero mukhang naunahan na ako ng iba pang taong marurumi katulad ko. Hays... sumasakit na ang sikmura ko. Sumasakit pa ang ulo kong nahampas kagabi. Magpapatuloy sana ako sa paglakakad pero napansin ko ang mukha ko sa isang papel. Kinuha ko iyon. Namilog ang mga mata ko nang makita ko na ako nga iyon at ang babaeng humampas sa ulo ko. Naalala ko na naman ang nangyari kagabi. Habang naghahanap ng makakain suwerteng nakakita ako ng pagkain na nakalagay lang sa labas habang may magagandang tao na magaganda nag kasuotan na kumukha lang doon ng walang bayad. Hinintay kong makaalis ang mga ito bago ako mabilis na lumapit doon at dumampot ng mga tinapay at tsokolate. Nang may makita akong papalapit ay mabilis akong nagtago sa ilalim ng lamesa. Muli akong naglagay ng tsokolate sa bibig ko at dahan-dahan iyong nginuya. Hindi nagtagal, naramdaman kong wala ng tao roon. Lumabas ako sa ilalim ng mesa para muling kumuha ng pagkain. Kasalukuyan kong pinapasok lahat ng pupwedeng magkasya sa bibig ko nang may narinig akong sumigaw. "Hoooy!" Napalingon ako sa isang lalaking malaki ang katawan na masamang nakatingin sa akin. Namilog ang mga mata ko. Mabilis akong tumakbo nang gumalaw ito palapit sa akin. Hindi niya ako pwedeng mahuli baka ikulong niya ako! Tumakbo ako nang tumakbo. Nahawi ko na ang mga tao na humaharang sa daan ko. "Tigil!" Rinig kong sigaw nito. Paglingon ko sa likod ko marami na silang humahabol sa akin. At sa kasamaang palad, paglingon ko sa harap ko ay agad akong bumangga. Napakapit ako sa binaggaan ko at naramdan ko na lang na malambot ang hawak ng dalawang kamay ko at ang bango-bango ng binanggaan ko. Humahalimuyak ang amoy nito na tila pumapasok iyon sa buong sistema ko. "Arrghh!" Napadaing ako sa sakit nang bigla na lang nitong pilipitin ang kamay ko. Napatingin ako sa babaeng nasa harap ko. Sandali akong natigilan sa ganda nito na hindi ko nagawang mag-isip agad. "Arrrgh!" Muling daing ko nang pilipitin nito lalo ang kamay ko. "How dare you touch me," malamig na sambit nito. Sinipa nito ang tuhod ko dahilan para mapaluhod ako. Hindi pa ako nakakatingala sa kanya nang hampasin nito ng kung ano ang ulo ko. Naramdaman ko na lang ang dugong tumutulo mula sa ulo ko. "Serves you right, pervert." Narinig ko pang anito. Ilang sandali pa naramdaman ko nang may mga taong nakahawak sa magkabilang braso ko hinihila ako palabas ng lugar na iyon. "Hoy pulubi! Bitiwan mo 'yan! Ang dumi ng kamay mo!" Hinablot ng ginang ang papel mula sa akin at muling binalik iyon sa lalagyan. "Alis ang baho mo!" Psh, mabaho din naman hininga niya. "Alis! Malas ka sa negosyo!" Humakbang na ako palayo. Araw-araw ganoon lang ang buhay ko. Suwerte na lang kung may mabubuting puso ang magbibigay sa akin ng pagkain o magpapasilong sa akin kapag umuulan. Habang naglalakad, may bigla na lang sumulpot sa harap ko. "Alam mo, tingin ko guwapo ka," sabi nito. Hindi ko alam kung anong klase ang tinig nito basta ang alam ko mahaba ang buhok niya na matingkad ang kulay pero hindi naman ito mukhang babae. "Kaya lang medyo maamoy, mamah!" Komento ng isa pang ka-boses niya at kamukha niya. "Halika, sumama ka samin tamang tama kabubukas lang ng parlor namin, may libre kaming gupit!" "At libreng ligo na rin, Mamah! Halika!" Kinuha ng isa sa kanila ang braso ko. Hindi ko alam kung bakit hindi ko hinayaang hilahin niya ako. Binawi ko rin ang braso ko. "Malas..." bigkas ko. "Oh, malas ka raw, Mamah!" hinampas niya ang braso ng kasamahan. "Naku! Mas mamalasin ka kapag hindi ka naliligo. Halika na wag ka ng mag-inarte may pagkain kami sa loob!" Nabuhayan ako nang makarinig ako ng pagkain. Pagpasok sa loob napahinto ako sa isang salamin. Nakita ko ang sarili ko roon, ang marurumi at pilas-pilas kong mga damit, ang mahaba at tuyot kong buhok sa ulo't mukha, ang marurumi kong balat. Paano ba ako napunta rito? Pero mas mabuti na rin ito. Mayroon akong kalayaan. "Halika na, maligo ka, at magkakaroon tayo ng major major make over!" Dinala ako ng mga ito sa loob ng banyo at iniwan nila ako roon. Binalot ng lamig ang buong katawan ko nang bumagsak ang tubig sa ulunan ko. Ilang sandali bago ako lumabas sa banyo. Pakiramdam ko ay nabawasan ang bigat sa katawan ko. Ilang araw na rin akong hindi nakakaligo dahil hindi pa pumapatak ang ulan. Tumawa ang mga ito nang makita ako. "Mamah! Bakit mo namang ginawang bading ang pulubi?" "Eh wala akong ibang damit eh." "'Di bale, ang mahalaga mabango ka na!" Kinuha ng isa sa kanila ang braso ko. "Halika, kumain kana." Kinain ko lahat ng pagkain na hinain nila na halos walang mapagsidlan ang bibig ko. Marami silang tinatanong sa akin pero pinili kong hindi sila sagutin. Pagkatapos, pinaupo nila ako sa isang upuan kaharap ang sarili ko. Nakita kong may hawak na isang matalim na bagay ang isa sa kanila kaya mabilis akong tumayo at humawak ng kung ano para maging panangga. "Ano ka ba? Kalma! Gunting lang 'to oh!" Ginalaw-galaw nito ang hawak. "Saang bundok kaba nanggaling? Nakakaloka!" "Wag kang mag-alala hindi ka namin sasaktan. Naghahanap kasi kami ng model para dito sa parlor naming... nakita mo naman, kabubukas lang namin pero wala kaming costumer. Tamang tama naman nakita ka namin d'yan sa daan at tingin naming may future ka kaya heto! Basta ang kapalit ng lahat ng 'to ay hahayaan mo kaming kuhanan ka ng litrato with your new look." "Model?" Kunot noong tanong ko. "Model!" Humawak ito sa baywang at binalukot ang katawan. Tumalikod pa ito sa akin at tumuwad. "Model" "Ganito," Lumapit sa akin ang isa at pinakita sa akin ang ilang mga papel na may may mga litrato. "Ang tawag sa kanila mga mdoel. Sila 'yung mga kinukuha ng isang kompanya para i-represent ang mga damit o ano pa man na binebenta nila. Hay... paano ko ba ipapaliwanag sa'yo?" anito habang nilipat ang mga papel. Kumunot ang noo ko. "Teka... teka." Pigil ko sa kanya nang makita ko ang isang pamilyar na mukha doon. Ang babaeng 'yon... "Ganda no? Siya si Ayen Dela Fuente, pinaka mayamang businesswoman dito sa bansa. Alam mo 'yung brand na Amethyst? Pagmamay-ari n'ya 'yun. Hindi lang 'yon, halos lahat ng kilala at malalaking business dito sa bansa pagmamay-ari niya at ng pamilya niya." "Oo tama. Kaya ibaba mo na 'yang hawak mong suklay dahil kahit saang panahon ng pandaigdigang digmaan ay hindi ka maililigtas n'yan." Hinablot nito sa akin ang hawak ko. "At mas mabuti pa, takpan na lang namin 'yang mga mata mo at nang hindi ka mukhang ignorante. Para pati ikaw ay ma-surprise sa outcome ng ng make over mo!" Hinila nila ako pabalik sa upuan. Tinakpan nila ang mga mata ko. Hindi ko alam kung anong ginagawa nila sa akin pero kahit paano ay ramdam kong wala silang gagawing masama. "Ayan na! Oh my gash! I'm so exzoited and I just can't hide it!" "Ready ka na ba?" Ilang sandali pa naramdaman ko na tinanggal nila ang takip sa mga mata ko. "Ahhh!!" Sabay silang sumigaw. "Ang gwapooooo!" Pagkatapos ay naghawak kamay silang dalawa at nagtatalon. "Sabi sa'yo bakla!" Napatitig ako sa taong kaharap ko. I remember you... Ikaw pa rin pala 'yan. Magiging maayos ang lahat. Magtiwala ka lang. Kinuhanan nila ako ng litrato pagkatapos ay hinayaan na nila akong makaalis. ~(AYEN DELA FUENTE POV) "We're done talking about business, why don't we talk about us now?" Brandon asked. "About us?" walang gatol na tanong ko and leaned back. "Yeah, about us... about courting you again, and about us getting back together..." Napa-ismid ako. "Have you lost your mind? And do you think I have lost my mind para patulan ka?" "Bitter ka pa rin ba sa panloloko ko sa 'yo almost 7 years ago?" Kunot noong tanong nito. I chuckled. "I can't remember getting into a relationship with you. Kung sakali, baka binangungot ako." "Ayen, I'm serious, I'm going to court you just let me—" "I know you cannot find another person as exquisite as me to brag about with your friends and colleagues, but you are not my type." "Try to—" "No. I said no. And you know when I said no it's definitely a no and you cannot change my mind no matter what you do." Bumuntong hininga ito. Kinuha ko ang bag ko at tumayo. "So, nothing more business matter to tell me?" Hindi ito sumagot at nanatiling salubong ang mga kilay. I walked away full of poise and composure. Ramdam ko na sinusundan ako ng tingin ng mga tao sa loob ng restaurant. Well, ano pa bang bago? Bubuksan ko na sana ang pintuan ng sasakyan ko pero biglang may tumakip sa bibig ko. Agad kong kinuha ang kamay nito at binali iyon. Napadaing ang lalaking naka-mask sa ginawa ko. Nakuha kong patamain ang paa ko sa mukha nito. Agad naman itong tumumba sa sahig. May mabilis na van ang huminto sa harap ko. I was about to run pero may tumakip sa ilong ko gamit ang panyong may nakakahilong amoy. Gusto kong manlaban pero nanghihina na ako. Nawawala na ang senses ko. Ganu'n pa man, bago ako mawalan ng malay naramdaman kong tinakluban ang ulo ko at ang boses ni Tina na sinisigaw ang pangalan ko. ~(SIV SITHER VILLAFUERTE POV) Nakakailang hakbang pa lang ako palayo sa lugar na iyon pero nakarinig na ako ng sigaw. "Magnanakaw!" Napalingon ako sa direksyon ng lalaking tumatakbo nang mabilis habang bitbit ang bag ng isang ginang na sinubukan siyang habulin. "Tulong! Tulungan niyo ako!" Hindi ko alam kung bakit napatakbo ako nang mabilis para habulin ang magnanakaw. "Hooooy! Magnanakaw!" sigaw ko. Nagtinginan sa akin lahat ng tao."Tabi!" muling sigaw ko sabay hawi sa mga ito. "Harangin niyo 'yang magnanakaw! Hoooy!" Nagpatuloy ako sa paghabol. Napansin ko na nakiki-habol na rin ang ibang tao sa paligid. Kinuha ko ang kahoy na nadaanan ko na ibabato ko sana sa magnanakaw pero— isang malakas na busina ang nagpatigil sa akin. Hinampas ko kaagad ng kahoy ang harapan ng sasakyan. Aba't muntik na akong masagasaan ng loko. "Gago 'yang sasakyang 'yan ah!" saad noong lalaki mula sa likod ko. Pag tingin ko sa likod ko medyo nagulat ako dahil ang dami nila, may hawak silang bato at kahoy. G-Ganu'n na ba kalakas ang sigaw ko kanina? Muling bumusina ang sasakyan. Halos mapa-iktad ako sa gulat. "Hoy! Bumaba ka d'yan!" sigaw ko sa driver. Hindi ko alam kung naririnig niya ako o hindi. Hindi ko rin siya makita dahil madilim ang sasakyan. Paulit-ulit itong bumusina at napahawak ako sa tainga ko. Muli kong hinampas ng kahoy ang harap ng sasakyan nito. "Bumaba ka sabi!" sigaw ko. Maya-maya ay may lalaking bumaba mula sa sasakyan. Balot na balot ang katawan nito. At kulay itim lahat ng suot niya. "Anong problema?" tanong nito. "Ang problema ko, 'yung driver niyo, aba't muntik na akong sagasaan!" saad ko. "Pasensya na, pwede ba tumabi na kayo sa daan dahil nakaka-istorbo kayo sa daan," saad nito. "Ikaw ang nakakaistorbo! Hindi mo ba nakikita na may hinabol kami ha? Tingnan mo, nakatakbo na 'yung nagnakaw ng wallet no'ng babae!" "Hindi ko problema 'yan, tabi d'yan," anito at akmang papasok sa loob ng sasakyan pero kinuha ko ang damit niya. Napalunok ako nang tingnan niya ako nang masama. Naglabasan na 'yung iba pang naka-itim na lalaki galing sa loob ng sasakyan. Kinuha nito ang damit ko. "Sinabi nang tumabi kayo, hindi ba?" sigang saad noong isang lalaki na naka-all black din. Sunod-sunod ang paglunok ko dahil masyadong malaki ang katawan nito. "May tao sa loob! Kidnapper!" sigaw nu'ng isang binatilyo sa kabilang side ng sasakyan. Mabilis tinanggal ng lalaki ang pagkakahawak sa akin at lumanding ang kamao niya sa mukha ko. "Arrrgh!" Daing ko at napahawak sa ilong kong nagdudugo. Next thing I knew ay nagrarambulan na sila. Napatingin naman ako sa loob ng nakabukas na sasakyan. May taong nakatakip ng itim na tela ang ulo. Naka-gapos din ng tali ang kamay nito. Nahihilo man ay kinuha ko siya sa loob ng sasakyan. Sakto namang narinig namin ang sirena ng mga pulis. Mabilis na nagpasukan sa loob ng sasakyan ang mga tinatawag nilang kidnapper na duguan ang mga mukha sabay paharurot ng sasakyan. Paulit-ulit binato ng mga tao ang sasakyan pero masyadong mabilis ang takbo no'n na wala ng pakialam kung may mabangga man. Nagpalakpakan ang mga tao sa paligid. 'Yung mga pulis naman ay pumwesto pa, 'yung isa ay may nalalaman pang patago-tago sa likod ng pintuan ng sasakyan. Tss... Naramdaman kong may humawak sa braso ko. "Kuya, paano na 'yung wallet ko?" "Psst!" tawag ko sa isang pulis. "Habulin mo 'yung magnanakaw, ganito ang height niya, maitim, mahaba balbas, mukhang mabaho. Bilisan mo!" Muestra ko sa magnanakaw. "Yes sir... yes, sir!" Nagmamadali itong umalis sa harap ko. Akala ko ay gagamit ito ng sasakyan pero sa huli ay tumakbo lang din ito para habulin ang magnanakaw. Tss, akala ba niya mahahabol niya 'yung magnanakaw sa laki ng tiyan niya na 'yon? Hays, tanga! "God!" Bulalas nu'ng isang makisig na lalaki sabay buhat doon sa babaeng na muntik ng ma-kidnap kanina. Lumapit naman sa kanya ang isang magandang babae. Maya-maya ay bumaling ito sa akin. "Thank you so much," anito. Napangiti naman ako. Ang ganda niya... Umalis na sila sa area at muling nagpalakpakan ang mga tao sa paligid. May isa pang nagtaas ng kamay ko sa ere na akala mo nanalo ako sa isang wresting match. Tinaas-taas ko pa ang isang kamay ko. Guwapo na nga, superhero pa. Sinama kami ng mga pulis sa presinto kasama ng ginang na nanakawaan. Hinintay ko ang pulis na naka-huli sa magnanakaw. "Sir... heto na po," saad nito. Agad akong tumayo at tiningnan 'yung lalaking nahuli niya. "Hays..." Napakamot ako sa ulo ko. "Mali 'yang hinuli mo, mukhang mabaho rin 'yan pero hindi 'yan. Hays..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD