~(SIV SITHER VILLAVERDE POV)
Kinabukasan, may karinderyang nag-alok sa akin ng pagkain. Siguro ay dahil mas maayos na ang itshura ko ngayon kesa noon. Kahit papaano ay malinis pa ang damit ko.
Kasalukuyan akong kumakain nang may humintong mga sasakyan sa harap ng karinderya. Mabilis akong tumayo at tumakbo pero hindi pa ako nakakalayo ay may humarang nang mga lalaking malalaki ang katawan sa harap ko.
Sunod-sunod akong napalunok. Seryoso ang mga mukha ng mga ito. Mabilis akong tumalikod para tumakas sa mga ito pero pagtalikod ko ay napahinto rin ako agad sa magandang babaeng nasa likuran ko.
Pamilyar ang mukha nito. Para bang nakita ko na ito noong nakaraan.
"Hi," bigkas nito. Muli akong napalunok nang ngumiti pa ito. Nilahad nito ang kamay sa akin. "Please to meet you, I'm Tina Sanchez, personal assistant of Ayen Dela Fuente."
Kumunot ang noo ko. Hindi ko alam kung para saan ang kamay nitong nakalahad sa akin. Hindi niya iyon binaba. Sa tingin ko ay hindi naman ito masamang tao at sa tingin ko ay hindi naman nila ako ipapasok sa loob ng sasakyan para ikulong ulit.
Mabilis kong dinampi ang kamay rito at mabilis rin iyong binawa. Tumawa ito nang mahina.
"Can I talk to you?"
"H-Huh?"
Hindi nawala ang ngiti sa mga labi nito. "Pwede ba kitang makausap?"
"Usap? B-Bakit?"
"Tungkol sa nangyaring k********g noong nakaraan. Don't worry, it won't take long."
Kahit papaano ay nakahinga ako nang maluwag. Akala ko ay iyon na ang mga lalaking naghahanap sa akin. Sumama ako rito sa loob ng karinderya. Paminsan-minsan ay napapatingin pa rin ako sa mga kasama nitong malalaking lalaki.
"You look pale, are you okay?"
Sa lahat ng ingles na sinabi nito ay ang are you okay lang ang naintindihan ko rito. Marahan akong tumango.
"Sinubukan kitang hanapin. Ang sabi sa akin ng mga pulis madalas ka lang nilang makita sa lansangan kaya naman umikot-ikot lang ako sa paligid until I saw you here."
Hanggang ngayon ay nabibighani pa rin ako sa kagandahan nito. May kahabaan ang buhok nito hanggang sa dibdib. Maputla ang balat nito at lahat ng parte ng mukha nito ay walang kahit anong kapinta-pintas.
"Before I discuss things to you, may I know your name?"
"My name is Si... Sid..."
Sinadhya kong ibahin ang dulo ng pangalan ko. Hindi ko rin malaman kung bakit pero siguro'y mas mabuting walang sino man ang nakakaalam ng totoo kong pangalan.
"Oh, Sid... That's a beautiful name. Gusto kitang pasalamatan sa paglitas ng buhay ng boss ko. We owe it to you. Dahil doon, I would love to offer you a job."
"Job?"
"Yeah, job. My boss wants you to be her personal bodyguard."
Lalong kumunot ang noo ko. "Bodyguard?"
May nilapag itong mga papel sa ibabaw ng mesa. Tinulak niya ang mga iyon palapit sa akin. Marahan ko namang kinuha ang mga iyon. Kahit alin doon ay wala akong naintindihan.
"A-Ano 'to?"
Ngumiti ito sa akin. "That's the sample contract."
"Job? Bodygerd, contacct?" kunot noong bigkas ko.
Lalong lumawak ang ngiti nito.
"Bodyguard, contract," ulit nito. "Ang mga bodyguards ay parang kagaya nila." Nilahad nito ang mga kamay sa mga malalaking katawan ng mga lalaki na nakapaligid sa amin. "Binabantayan nila ako para makasigurong ligtas ako, iyon ang trabaho nila. Job in english. About contract..."
Tumayo ito at at lumipat sa upuang nasa tabi ko. Naamoy ko kaagad ang mabangong amoy nito. Pakiramdam ko ay nag-init ang mga pisngi ko. Noon lang kasi may tumabi sa aking tao simula noong nagpagala-gala ako sa lansangan.
"Ang sabi rito magta-trabaho ka as a personal bodyguard of Ayen Dela Fuente as long as gusto niya ang service mo at babayaran ka niya ng mahigit 50 thousand and it can go higher depende sa service mo." Bumaling ito sa akin. "Do you want me to explain all the details?"
Hindi ako nakasagot agad dahil napatitig lang ako rito. Pakiramdam ko ay lalong nag-iinit ang mga pisngi ko. Bahagya itong ngumiti at nagsimulang magsalita.
Mahaba ang sinabi nito pero hindi ko naintindihan lahat ng iyon. Gusto ko lang itong titigan.
"Do you understand?" tanong nito.
"May... pagkain ba d'yan?"
Tumawa ito nang mahina. "Maari mong ipang-bili ng pagkain ang perang ibibigay namin sa'yo, pero kung gusto mo ng pagkain, no problem. Maari ko iyong ibigay sa'yo for your first month as a personal bodyguard of Ayen Dela Fuente."
Natuwa ako sa sinabi nito na bibigyan niya ako ng pagkain. Iyon lang ang gusto ko. Kanina ko pa iniisip ang pangalang Ayen Dela Fuente. Pakiramdam ko ay narinig ko na iyon noon.
"Pwede ka bang sumama sa akin? Ipakikilala kita sa kanya."
"May pagkain ba sa pupuntahan natin?"
Muli itong tumawa nang mahina. "Isasama kita sa mall, we will eat there."
Namangha ako nang isama niya ako sa isang mataas na gusali. Malamig sa loob, maraming tao na magaganda ang damit. Maliwanag sa loob dahil maraming ilaw. Mayroon ding mga hagdan na gumagalaw. Hinayaan ako ni Tina na magpabalik-balik doon. Pinanuod lang ako nito habang nakangiti.
Pumasok kami sa isang magandang kainan. Maraming pagkain sa mesa kaya naman marami akong nakain. Pagkatapos namin doon ay pumunta kami sa isang lugar na maraming damit. Hinayaan niya akong mamili at isukat ang mga iyon. Hindi ko mapigilang mamangha sa ganda ng damit. Parang katulad ko na ang mga lalaking kasama niya na nakasuot ng tinatawag nilang is...isleeves.
Hindi ako mapakali habang nasa loob ng sasakyan dahil excited ako. Maganda at bago ang suot kong sapatos. Makintab pa iyon.
Pumasok kami sa loob ng isang malaki at matayog na gusali. Nakasunod pa rin sa amin ang mga lalaking malalaki ang katawan.
Nang makarating pa kami sa taas, sinabihan ako ni Tina umupo muna sa couch. Hindi ko alam kung ano ang couch na sinasabi niya kaya nanatili akong nakatayo. Naupo lang ako nang ilahad niya ang kamay sa upuan na nasa likod ko.
Sinabihan niya ako na mag-relax dahil parating na raw ang boss niya. Habang nakaupo roon, tumingin lang ako sa paligid. Ang ganda ng lugar. Ang daming ilaw sa paligid. Marami ring glass wall pagkatapos ay parang glass rin ang sahig na maaari akong magsalamin. Napalunok ako.
Wala sa loob na tiningnan ko ang ilalim ng sapatos ko. Mabuti na lang at malinis-linis naman iyon.
Ilang sandali pa akong naghintay bago ko mapansing lumilinya na ang mga lalaking kasama namin kanina.
"She's here," narinig kong sabi ni Tina.
Wala sa loob na tumingin ako sa direksyon na titiningnan nito.
Mula sa malayo, natanawan ko ang isang magandang dilag, naglalakad ito papunta sa direksyon namin. Hindi ko napigilan ang kusang pagbuka ng bibig ko. Napaka-ganda ng mukha nito. Mukha itong anghel na bumaba sa lupa lalo pa at kulay puti ang suot nitong damit at pantalon. Nakasuot rin ito ng mataas na sapatos at madilim na salamin sa mga mata niya.
Unti-unting namilog ang mga mata dahil habang papalapit ito lalo itong nagiging pamilyar. Kamukha nito ang babaeng... humampas sa ulo ko noong gabing iyon na dumukwit ako ng mga tinapay sa isang lugar.
Wala sa loob na napatayo ako. Aalis sana ako pero nakuha ni Tina ang braso ko.
"Hey, where are you going?"
"Ano... m-maskit 'yung... tiyan ko," pagsisinungaling ko at hinawakan ang tiyan ko.
"What? Can you still hold it? I will—"
Hindi ko na ito pinatapos at nagmamadali akong umalis. Hindi ko alam ang pupunthan ko, mabuti na lang at napunta agad ako sa restroom.
Argh! Ano bang ginagawa ng babaeng 'yon dito?
~(AYEN DELA FUENTE POV)
Tinggal ko ang shades ko nang makalapit ako kay Tina. Sandali lang akong tumingin sa paligid. Everyone bowed their heads. I wasn't looking for them. I was looking for the person na ipakikilala sa akin ni Tina.
"Where's the guy you're going to introduce?"
"Uhm... umalis po, miss. Sumakit daw po ang tiyan."
"Order them not to follow."
Nagpatuloy ako sa paghakbang papunta sa opisina ko.
I don't like them following me. I don't want them to see all the things I'm doing and all the actions I am making. Kung hindi lang dahil sa pagtangkang pag-kidnap sa akin ay hindi ko sila hahayaang sundan ako.
I hated anyone getting close to me that was why Tina suggested to find the guy who saved me from the kidnappers so he would be my personal bodyguard.
Few minutes, pumasok na rin si Tina sa opisina ko.
"Any update?" I asked not giving her a look. Nanatili akong nakaupo sa swivel chair ko looking at the documents on my table.
"Miss, wala pa rin pong lead sa mga lalaking nagtangkang kumidnap sa inyo. The police told me that they are doing their best to solve this case."
"No. They are not doing their best. Find other investigators if you have to. I want all those kidnappers to be captured as soon as possible."
Tumango tango si Tina. "Yes, Miss."
~(SIV SITHER VILLAVERDE POV)
Hindi ko alam kung naka-ilang buntong hininga na ako. Hindi ko ginustong lumabas sa restroom habang nasisilip ko pa ang babaeng iyon na kausap si Tina. Kahit noong paalis na ito ay hindi ko pa rin ginustong lumbas.
Hindi ko gustong makaslaubong ko na lang ito bigla. Naghintay ako ng ilang sandali bago ako muling sumilip para tingna kung may tao sa labas.
Nakita ko si Tina sa malayo. Mukha pupunta ito sa direskyon ko kaya naman mabilis akong pumasok sa isang pintuan at sinara iyon.
Mayamya ay naramdaman ko nang dumating ito.
Kumatok ito sa pintuan. "Sid, are you there?"
Hindi ko alam kung anong isasagot ko rito. Muli itong kumatok.
"Sid, are you okay?"
"Okay..." sagot ko.
"Alright... I think I will not be able to introduce you to her today. I will tell one of our drivers to pick you up tomorrow. You can claim your suits to our bodyguards na nasa labas, okay?"
"O-Okay,"s agot ko kahit hindi ko naintindihan ang sinabi nito.
"I will see you tomorrow then."
Hindi nagtagal ay naramdaman kong umalis na rin ito. Ilang sandali bago lumabas ng pinto. Sumilip ako sa labas ng restroom. Nakita ko 'yung mga lalaking malalaki ang katawan.
Sumama ako sa kanila pababa. Tumitingin pa rin ako sa paligid dahil baka nasa paligid lang ang babaeng 'yon. Nasa sasakyan pa lang ay kinain ko na ang pagkain na binigay sa akin ng isa sa mga kasama ko sa sasakyan. Tinanong nila ako kung saan ang bahay ko pero ang sabi ko sa kanila ay ibaba lang nila ako sa kalye malapit sa park.
Napahagod ako sa tiyan ko dahil pakiramdam ko ay punong puno iyon ng mga pagkaing kinain ko kanina.
Hindi ko alam kung saaan ako pupunta bitbit ang mga lalagyan ng damit na binigay sa akin ng mga lalaking 'yon kanina. Puno iyon ng mga damit katulad ng suot ko ngayon. Nakalimutan ko na ang tawag ni Tina roon. Suot... sut, swut... Argh. Hindi ko alam. Basta damit iyon.
Nagpalakad-lakad lang ako muling naghahanap ng maaring silungan o tulugan.
Ilang sandali pa ay naramdaman ko na ang pagpatak ng ulan. Ayos lang na mabasa ako pero naisip kong maganda nga pala ang suot kong damit ngayon kaya nagmamdali akong humanap ng sisilungan.
Nakipagsiksikan ako sa isang gilid kung saan kahit papaano ay may kakaunting bubong na masisilungan.
Hays, kung minamalas ka nga naman.
Napansin kong pinagtutulakan ng mga tao ang isang pulubing nakisilong din sa isang gilid.
"Du'n ka nga, ang baho mo!"
"D'yan kana sa ulan, maligo ka nang hindi ka nangangamoy!"
Nagtaka ako kung bakit hindi nila ako tinataboy katulad nito, tsaka ko lang naalala na maganda nga pala ang suot kong damit ngayong araw.
Hindi nagpatinag ang batang pulubi pero pilit pa rin itong tinutulak ng mga salbaheng tao.
Nakiraan ako sa ilang tao na nasa pagitan namin. Nang makalapit ako ay hinawi k ang lalaking kanina pa nagtataboy rito. Tinulak ko ito sa ulan.
Agad itong tumingin sa akin nang masama. "Ano bang problema mo, huh?"
"Ikaw dapat ang maligo sa ulan, ang baho ng hininga mo!" sigaw ko rito.
Tiningan ako nito mula ulo hanggang paa habang nababasa siya ng malakas na ulan.
"Hooy! Baka hininga mo mabaho!"
"Alis na," tinaboy ko pa ito gamit ang kamay ko. "kapag hindi ka umalis, kukurutin kita nitong sapatos ko. Bago 'to nakikita mo ba?"
Tinaas-taas ko pa iyon para makita niya.
"Baliw!" sigaw nito sa akin pagkatapos ay humakbang na palayo.
"Psh," Tumaas ang sulok ng labi ko rito. Bumaling rin ako sa pulubing nasa tabi. "Okay ka lang ba?"
"Slamat, sir." Sabi noong bata.
Napatigil ako. Sir? Mukhang maganda iyong pakinggan ah.
Napangiti ako rito.
"Maganda ba ang damit ko?"
"Opo, maganda po."
"Eh 'yung sapatos ko?" Bahagya ko iyong inagat para makita niya.
"Maganda rin po, sir. Mukhang mamahalin."
Lalo akong napangiti.
Ilang sandali lang ay tumila na ang malakas na ulan. Umalis na rin ang mag tao sa gilid pati na rin ang bata. Dinala ko ang mga kamay ko sa mga bulsa ko a tumingin sa mga taong dumdaan sa paligid ko.
Ano kaya ang pakiramam na may normal na buhay?
'Yung may uuwian. 'Yung may kakainin. 'Yung hindi mo iisipin kung anong mangyayri sa bukas.
Bahagya akong napangiti. Masarap pa lang maramdaman na hindi ka nilalayuna ng mga tao kasi maganda ang suot mong damit at tsaka maganda ang suot mong sapatos.
Binaba ko ang tingin ko. Muli kong inangat nang bahagya ang suot kong sapatos para tingnan iyon. Bahagya iyong naputikan kaya naman bumaba ako para punasan iyon.
Hindi ko na kailangang maglakad ng nakapaa sa kalsada.
Pangako, iingatan ko ang sapatos na iyon.
Muli akong naglakad-lakad sa paligid. Matagal akong nakahanap ng puwesto. Humanap ako ng mga plastic at dinala iyon sa basang damuhan para doon mahiga.
Isa sa mga mahirap gawin bilang pulubi o taong walang tahanan ang maghanap ng tutulugan o uuwian. Madalas lahat ng tao ay gustong magtaboy sa'yo dahil hindi ka magandang tingnan at hindi ka tanggap sa paningin nila. Para sa kanila, isa ka nang masamang tao na kung tutuusin... mas masama pa ang mga gtaong maganda ang mga kasuotan. Mas wala pa silang puso kaysa sa mga taong pagala-gala sa kalye na walang ibang gusto kung hindi ang mabuhay kahit gaano pa kalupit ang mundo.
Walang bituin ngayon sa itaas. Blangko ang langit. Madilim lanag iyon at puno ng mga ulap.
Sinubukan ko nang matulog pero napadilat ang mga mata ko nang makita ko ang mukha ng babaeng iyon sa isip ko. Nakikita ko ito habang papalapit sa direksyon ko kanina.
"Hays..."
Bumabagal pa nag pangyayaring iyon sa isip ko at tila ito lang ang nakikita ko.
Pinilig ko ang ulo ko at muling pumikit.
"Arrgh!" Muli akong napadilat nang muli kong makita ang babaeng iyon.
Iyong gabi naman na may hinampas itong kung ano sa ulo ko. Nakikita ko ang magagandang mga mata nito at ang mala-anghel na mukha nito.
Bakit ba nakikita ko sa isip ko ang babaeng 'yon?
Inunan ko ang mga kamay ko at muling tumingin sa makakapal na ulap sa langit.
"Maganda sana, masama nga lang ugali," mahinang bulong ko. Hindi ko pa rin makalimutan ang ginawa niya sa akin.
Isang araw magagantihan ko rin ang babaeng 'yon.
___
A/N: I do apologize about the errors. Please let me fix it. If you have queries, you can message me with my f*******: account, LZ WP or you you can message me with my sss page, LuckyZero. For announcements, please join our sss group, LuckyZero. Thank you so much. Have a great day! :)