Chapter 4

1002 Words
Ember's POV                 "LEAVE my girl alone." Napalingon ako sa nagsalita at nanlaki ang mga mata ko nang makilala siya. "A-anong ginagawa mo dito?" Tanong ko bago marahas na hilahin ang braso ko mula kay Jarred ngunit hindi niya ako pinakawalan. "I said, leave my girl alone. Are you deaf?" Malamig na tanong niya kay Jarred. Nginisihan lang siya ni Jarred at mas hinigpitan pa ang pagkakahawak sa braso ko. Napaigik ako sa sakit. Mala-gatas ang kulay ng balat ko kaya hindi na ako magtataka kapag namula ang pagkakahawak sakin ni Jarred or worst ay maging pasa. "Kaya ba hindi mo ako masagot dahil may boyfriend kana?" Maanghang na tanong sakin ni Jarred na ikinalaki ng mga mata ko. "Siya ba? Siya ba ang nobyo mo?!" "N-nasasaktan ako, Jarred! Let me go!" Sigaw ko sa kan'ya. Parehas kaming natulos sa mga kinakatayuan namin nang makarinig kami ng pagkasa ng baril. Maski ang mga ibang kumakain ay nagtakbuhan palabas. "Let her go." Malamig niyang utos habang nakatutok ang nguso ng baril niya kay Jarred. "Paano kung ayaw ko?" Maangas na tanong ni Jarred. Napadaing ako sa mas humihigpit na paghawak niya sakin. "f*****g bastard!" Nanlaki na lang ang mga mata ko sa gulat nang mabilis na nakalapit samin ang estrangherong lalaki. Isang malakas na suntok ang binigay niya kay Jarred dahilan para mabitawan ako nito. Napanganga ako sa gulat at takot nang bumagsak ang katawan ni Jarred sa malamig na sahig. Nagsimulang umagos ang dugo sa kan'yang ilong. Susugod pa sana ang estranghero pero pinigilan ko na siya. "Stop please!" Awat ko at nilapitan si Jarred na nakapikit ngayon. "Damn! Is he dead?" Kinakabahan kong anas. "Kung hindi mo ko pinigilan baka patay na siya ngayon." Nilingon ko siya at napailing. "Dalhin mo siya sa pagamutan. Ikaw ang sumuntok sa kan'ya kaya dapat ikaw ang magdala sa kan'ya roon." "I won't. He deserved it. Look at your arm." Nagtagis ang bagang niya at dumilim ang mga mata habang pinagmamasdan ang braso kong namumula ngayon. Malaki ang kamay ni Jarred kaya't kitang-kita roon ang bakas. Tinakpan ko iyon ng isa kong kamay bago itinuro sa kan'ya si Jarred na hanggang ngayon ay nakapikit. "Dalhin mo na siya sa pagamutan." Tiningnan lang niya ako ng malamig bago isinuksok ang baril niya sa loob ng jacket niya. Lumakad siya palapit sakin na ikinataka ko. "Let's go!" Hinila niya ang braso ko nang walang babala na ikinataka ko. "H-ha? S-sandali!" Pigil ko sa kan'ya pero dire-diretso ang hila niya sakin palabas nang karinderya. Huminto kami sa tapat ng isang mamahaling sasakyan. May kinuha siya sa bulsa niya at pinindot iyon. Tumunog ang sasakyan niya at binuksan niya ang pinto nito na nasa harap namin. "S-saan mo ko dadalhin?" Kinakabahan kong tanong. "Sakay." Napalunok ako sa kalamigan niya at napalingon sa paligid. Ang daming mga matang nakapako samin. Yung iba ay nagbubulungan pa. Pikit-mata akong pumasok sa loob ng sasakyan niya at naupo. Hinawakan ko ang laylayan ng palda ko dahil kinakabahan ako. Napalingon ako sa kan'ya nung pumasok siya sa driver's seat. "Saan mo ko dadalhin?" Pangungulit ko sa kan'ya. "Call me, Dean." Sabi niya bago binuhay ang makina ng sasakyan at paandarin iyon. "Tinatanong ko kung saan mo ko dadalhin, hindi ko tinatanong ang pangalan mo!" Inis kong sambit. "Saan mo gustong kumain?" Napapikit ako sa hindi malamang isasagot. Hindi ko siya kinibo. Hindi ko alam kung bakit nandito siya at kung ano ang ginagawa niya ngayon. Unang-una, hindi kami magkakilala. Pangalawa, anong ginagawa niya dito? Pangatlo, bakit isinakay niya ako sa sasakyan niya at tinatanong niya ako kung saan ko gustong kumain? Seriously? Close ba kami? Ipinarada niya ang sasakyan niya sa parking lot ng isang mamahaling restaurant. "Dito nalang tayo. Next time nalang tayo kumain sa iba dahil may klase ka pa ng 2:00pm." Napanganga ako sa sinabi niya. Nakalabas na siya ng sasakyan niya ay hindi pa rin ako gumagalaw sa kinauupuan ko. Naguguluhan ang utak ko ngayon. Sino ba ang taong ito? Bakit pati oras ng klase ko ay alam niya? Bumukas ang pinto na nasa tabi ko. Dahan-dahan ko siyang tiningnan pero tamad lang na mga mata niya ang sumalubong sakin. "I'm tired and hungry, Ember. Get off from the car now." Nang hindi ako kumilos ay mabilis niya akong binuhat palabas ng sasakyan pero nanatili akong tahimik. Ibinaba niya ako kaya't napatayo ako ng tuwid. "S-sino ka ba talaga?" Tiningnan ko siya sa mga mata niya ngunit ang kaninang tamad ay nawalan ng emosyon. "I'm Dean. Remember, ako yung tinulungan mo? Bumalik ako para ibalik ang tulong na nabigay mo sakin that night." "Hindi mo naman kailangang ibalik. Bukal sa loob ko ang pagtulong sa'yo. Aalis na ko." Akmang tatalikod na ko pero pinigilan niya ako sa braso. Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa braso ko. "C'mon, Ember. Let's eat together. My treat. Kahit ito lang." Binaling ko ang mga mata ko sa kan'ya bago napabuga ng hangin. Binawi ko ang braso ko sa kan'ya at umuna ng lumakad papasok sa restaurant. Para matapos na 'to ay hahayaan ko nalang siyang ibalik ang tulong ko daw na naibigay sa kan'ya. After this naman siguro ay titigilan na niya ako. Luminga muna ako sa paligid dahil baka mamaya ay may nakakakilala sakin dito at isumbong ako kay Lola. Malalagot na naman ako. "This way ma'am." Lahad ng isang babae sakin. Sinundan ko nalang siya habang nasa likod ko si Dean. Yeah, Dean daw ang pangalan niya. Halos sa sulok kami ng restaurant dinala nang babae. Bihira ang mga nadaan sa pwesto na 'to kaya pabor sakin. Naupo ako bago naupo si Dean. Yumukod ng bahagya ang babaeng naghatid samin bago umalis. Napatingin ako kay Dean na nakatingin din pala sakin. "Nasaan ang Lola mo?" Tanong niya. "Bakit?" Bakit niya hinahanap si Lola? "Gusto ko lang humingi ng pasensya sa kan'ya dahil sa inasal ko." "Sakin wala kang balak mag-sorry?" Taas ang isa kong kilay na tanong sa kan'ya. Kumunot ang noo niya sakin bago ngumisi. Tinitigan niya ako habang nilalaro niya ang sarili niyang labi. Napalunok ako at napaiwas ng tingin. "Is it about the kiss?" Tumama ang mga mata kong muli sa kan'ya. Muli siyang ngumisi at umiling. "Bakit ako hihingi ng sorry sa bagay na sinadya kong gawin dahil gusto ko?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD