Ember's POV
Hindi ko maintindihan kung bakit gusto niya akong makita. Kailan lang kami nagkakilala para maging ganito ang akto niya. Wala talaga akong makitang dahilan para sunduin niya ako at gustong makita.
May ideya na pumapasok sa isip ko pero dahil ayoko maging assuming ay isinasantabi ko iyon. Ang labo. Sobrang labo.
Isang simpleng istudyante lang ako na may pangarap na makatapos at makahanap ng trabaho para sa Lola ko. Walang yaman. Walang ibubuga.
"Saan mo gustong kumain?" Basag niya sa katahimikan.
"Wala. Gusto ko nang umuwi," sagot ko. Gusto ko siyang sigawan dahil ginagawa niya nalang basta ang gusto niya. Kahit sabihin kong ayaw ko ay hindi siya nakikinig.
"Mag-miryenda muna tayo. Maliwanag pa naman." Hindi ko na siya kinibo.
Nanatili ang mga mata ko sa labas ng bintana. Tinatanaw ang bawat tanawin na nadaraanan namin.
Parang gusto kong pagsisihan ang ginawa kong pagtulong sa kanya. Dahil simula nang tinulungan ko siya ay pakiramdam ko nagulo ang tahimik kong mundo.
"Ilang taon kana, Ember?"
"16," sagot ko.
Ilang tanong pa ba ang kailangan kong sagutin? Ayoko siyang kausap pero wala akong choice.
"You're too young... for me."
Napalingon ako sa kanya dahil hindi ko masyadong narinig ang huli niyang sinabi.
"Ano 'yon?"
Sumulyap siya sakin at muling ibinalik ang mga mata sa daan habang nakangisi.
"Nothing. I get what I want. I don't care whoever intervene." Malamig niyang sabi.
Kumunot ang noo ko sa kanya.
"Pinagsasabi mo dyan?" Irap ko sa kanya at muling tumingin sa labas ng bintana.
Hindi naman na siya nagsalita ulit na ikinahinga ka ng maluwag.
Sa tabi kami ng kalsada huminto. Napatingin ako sa kanya na may pagtatanong sa mga mata.
Inginuso niya sakin ang isang turo-turo. Mangha ko siyang tiningnan bago inilibot ang mga mata sa buong sasakyan niya pati sa kanya.
"Huwag mo kong tingnan na parang hindi kumakain ng street foods. May isa nga akong favorite dyan." Hindi ko alam kung nagyayabang siya o ganyan talaga siya kahambog magsalita. "Yung favorite ko dyan ay yung orange ball."
Tumaas ang isang kilay ko sa sinabi niya at naglapat ng mariin ang labi ko upang supilin ang ngiting gustong kumawala.
"Ah, okay." Tanging ani ko bago bumaba ng sasakyan niya.
Agad siyang dumikit sakin nang makababa siya at sabay kaming lumakad papunta sa turo-turo.
"Anong gusto mo?" Tanong niya sakin nang makalapit kami sa nagtitinda.
May ilan din na bumibili na kasabay namin.
"Kung ano yung favorite mo nalang." Pigil ang ngisi ko nang tumango siya sakin.
"Manang sampung piraso po nitong orange ball." Turo niya sa kwek-kwek.
Ang ngiting sinusupil ko ay kumawala na hanggang sa natawa na ako ng mahina.
Napatingin siya sakin na may kunot ang noo.
"Bakit ka tumatawa?" Tanong niya pero nginisihan ko lang siya bago umiling.
"Ano ulit ang sa 'yo, hijo?" Tanong ng tindera sa kanya kaya nawala ang atensyon niya sakin.
"Yung orange ball po, Manang."
"Inulit pa nga." Bulong ko habang natatawa.
"Kwek-kwek ang tawag dito, hijo. Ilan nga ulit ang kukunin mo?"
"Yun na rin 'yon, Manang. Sampu ang kukunin ko."
Habang hinahanda ng tindera ang binibili niya ay lumapit siya sakin.
"Tumatawa ka ba kanina dahil sa itinawag ko sa kwek— ano ulit? Basta 'yun."
Ang katarayan ko sa katawan ay biglang nagtago.
Tumango ako sa kanya at natawa.
"Ang yabang mo pang sabihin na favorite mo, ni hindi mo nga alam ang tamang itawag." Tudyo ko.
Nagkibit-balikat lang siya bago tumitig sakin. Nailang man ay nanatili akong nakangiti sa kanya.
"Ang pagkatanga ko lang pala ang makakapagpatawa sa 'yo. Mas maganda ka kapag laging nakangiti. Huwag mo na akong tatarayan."
Inirapan ko siya na ikinangisi niya.
"Ihahatid kita pagtapos natin kumain dito." Sabi niyang muli.
"Sa kanto lang. Maglalakad nalang ako pauwi. Hindi ka pwedeng makita ng mga tsismosang kapitbahay namin dahil tiyak na isusumbong nila ako kay Lola."
"Ibig bang sabihin niyan pwede na akong makipag-kaibigan sa 'yo?" Nakangiti nitong tanong sakin habang inaabot sa kanya ng tindera ang kwek-kwek na nasa plastic cup.
Tinitigan ko siya ng mabuti.
Simula nung makilala ko siya ay naging magulo nga ang buhay ko pero wala naman siyang ginagawang masama sakin. Saktan ako o kung ano pa man ay wala.
Marahan akong tumango sa kanya bilang sagot. Wala naman sigurong masama kung magiging magkaibigan kami.
"Yes!" Tuwang-tuwa niyang sambit habang nakangiti ng malawak.
Inilapit niya sakin ang kwek-kwek na nasa plastic cup at isang stick. Kinuha ko iyon at tumusok ng isang kwek-kwek.
"Pero hindi ka pwede makita ni Lola," sabi ko bago isinubo ang kwek-kwek na mainit-init pa.
Magkaibigan lang kami pero alam kong iba pa rin ang magiging dating nito sa Lola Mercedez ko.
"Bakit naman? Masama bang makipag-kaibigan sa 'yo?"
Umiling ako sa kanya. Hindi masama. Masama lang ang unang pagtatagpo nila ni Lola.
At isa pa, ngayon lang ako napalapit ng ganito sa lalaki. Lagi akong ilag sa mga lalaki at laging si Cara lang ang nasa tabi ko. May ilan kaming kaibigan ni Cara pero hindi namin madalas nakakasama. Nasa ibang section sila at magkaiba ang mga schedule namin.
"Basta huwag kana muna magpakita kay Lola. Kaya sa kanto mo lang ako ibaba mamaya."
"Okay." Kibit-balikat nito habang ngumunguya ng kwek-kwek.
"Nga pala, anong sinasabi mo na ikaw ang bahala sa scholar ko? Ano namang magagawa mo? Ni hindi ka taga-dito sa lugar namin hindi ba?"
"Sinong may sabi na hindi ako taga-dito? Dito ako ipinanganak ng nanay ko."
"Ang akala ko hindi ka taga-dito.." tiningnan ko ang ayos niya.
"Tsk. Taga-dito ako. Nasa Manila lang ang trabaho ko kaya hindi ako naglalagi dito pero ngayon iba na. Palagi na akong nandito kaya madalas mo na makikita ang pagmumukha ko." Nakangisi niyang sabi.
"Oo na. Yung sinabi ni Cara sa 'yo tungkol sa scholar ko huwag mo na pansinin. Hayaan nalang 'yon. Magpa-part time job nalang ako para may pangdagdag gastusin ako sa school."
Tumitig siya sakin. Hindi ko mabasa ang iniisip niya.
"Tamang-tama! Kailangan ko ng secretary sa opisina ko. Sa akin kana mag-apply, hired kana agad ngayon palang."
"Secretary? Ni hindi pa ako tapos ng senior high."
"Wala naman masyadong ginagawa ang secretary ko. Sasagot ka lang ng mga overseas calls."
Napaisip ako sa sinabi niya.
Kailangan ko ng trabaho at ito si Dean, nag-o-offer sakin. Hindi na ako mahihirapan maghanap.
"Pumayag kana. 50k a month ang salary."
Namilog ang mga mata ko sa sinabi.
"50k?!" Bulalas ko na ikinatawa niya.
"Yes. Kaya tanggapin mo na." Pagpupumilit niya sakin.
50k ay malaking tulong na sa pag-aaral ko at sobra pa nga iyon dahil matutulungan ko din si Lola.
Tumango agad ako sa kanya na ikina-ngisi niya. Hindi ko na pinansin ang kung anong kakaibang titig niya sakin. Ang nasa isip ko ay makapagtrabaho agad.
Natapos kami sa miryenda at ihahatid na niya ako pauwi. Hindi ko mapigilan ang ma-excite sa magiging trabaho ako. Biruin mo 'yon, sasagot ka lang ng nga tawag, sasahod kana ng 50k?!
Napalingon ako kay Dean nang marinig kong may kausap siya sa telepono.
"Gustavo, prepare something for Mr. Fernando. I want it by tomorrow morning. I'll be there too..."
"You f*****g idiot! Mapapatay ka ni Gunner at Alas! Asa ka na tulungan kita dyan! Basta yung bukas ihanda mo."
Inend nito ang tawag at ibinalibag lang ang cellphone niya sa dashboard ng sasakyan.
"We'll see each other again tomorrow, Ember."
"Huh?" Taka kong tanong.
"Just see you tomorrow."
"Bakit, susunduin mo ako ulit?" Tanong ko.
"Yes."
"May gusto ka ba sakin?" Napatakip ako sa bibig ko nang maisip ang mga salitang binitawan. "A-ah, a-ano! Wala wala! Huwag mo intindihin sinabi ko. Paki-hinto nalang dyan sa gilid, ayan na ang kanto namin oh." Turo ko sa harap ng sasakyan para mawala lang ang kaba ko.
Mas lalo akong kinain ng kaba nang hindi siya sumagot sa sinabi ko. Pakiramdam ko ay pulang-pula ang mukha ko sa hiya.
Nang maihinto niya ang sasakyan ay umakma akong tatanggalin na ang seatbelt nang hawakan niya ang locked niyon. Napatingin ako sa kanya at napapasong lumayo ng konti.
Hinayaan kong siya ang magtanggal ng seatbelt ko dahil pakiramdam ko ay biglang sumikip sa loob ng sasakyan niya.
Nang matanggal niya ay mabilis niyang naikulong ang isang palad ko sa malaki niyang palad.
Nakaramdam ako ng kakaiba sa katawan ko kaya't sinubukan kong alisin ang pagkakahawak niya sa kamay pero mas hinigpitan niya 'yon.
Napatingin ako sa kanya at halos hindi ako makahinga nang sumalubong sa akin ang mariin niyang titig.
"Oo, gusto kita, Ember. Gustong-gusto kita."
Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya.
Bago pa ako makapag-react ay hinigit na niya ako palapit sa kanya.
Napapikit ako nang maramdaman ko ang mainit niyang labi na dumampi sa noo ko. Buong ingat iyon na tila takot magkamali.
"Mag-ingat ka sa pag-uwi."