Chapter 6

1194 Words
Ember's POV Matatalim na mga titig at bulungan ang bumungad sakin paglabas ko ng classroom namin. Tapos na ang klase namin at hindi ko akalain na ganito kalaki ang epekto ng nangyari sa pagitan namin ni Jarred. Parang virus sa bilis na kumalat ang nangyari. Bully man sa school namin si Jarred ay marami pa rin ang tumitingala sa kanya na ibang mga kamag-aral namin lalo na mga babae. Yumuko nalang ako at naglakad. Hinabol ako ni Cara at sinabayan ako sa paglalakad. Nagpapasalamat ako na kahit paano ay nasa tabi ko siya. "Anong balak mo ngayon, Ember?" Mahina niyang sambit habang sinasabayan niya ako sa paglalakad. Pababa kami ng hagdanan dahil nasa third floor pa ang classroom namin. "Hindi ko alam, Cara. Si Lola ang iniisip ko." Malungkot kong sagot sa kanya. Totoong hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ngayon. Wala na ang scholarships ko. Kailangan ko na maghanap ng part time job para  matustusan ang iba ko pang pangangailangan sa school lalo na ang mga bayarin. "Ano ba kasi ang nangyari sa inyo ni Jarred? Bakit magkasama kayo?" Nang makababa kami sa ground floor ay lumiko kami sa kanan para makalabas na ng school. "Hindi kami magkasama, Cara. Mag-isa lang akong kakain sana sa karinderya na nasa tapat ng school nang dumating siya." "Tapos?" "Nagkaroon kami ng konting pag-uusap tapos nagalit siya nung pinapaalis ko siya. Doon pumasok sa eksena si Dean." "Teka-teka! Sino ba itong Dean na sinasabi mo? Ni hindi mo pa nakukwento ang misteryosong lalaking ito sakin." Pangungulit niya pero umiling lang ako sa kanya. Wala ako sa mood para magkwento pa sa kanya ng tungkol sa lalaking iyon. Hindi naman din siya importante para i-kwento ko sa bestfriend ko. "Isang kakilala lang," inayos ko ang aklat na dala ko at hinarap ang kaibigan kong mukhang nabibitin sa kwento ko. "Bukas nalang, Cara. Basta ang masasabi ko lang ay hindi binugbog ni Dean si Jarred. Sinapak lang siya ng isang beses dahilan para mawalan siya ng malay." Namilog ang mga mata niya sa sinabi ko bago unti-unting tumawa ng malakas. Kahit sino matatawa sa nangyari. Ang bully at siga na si Jarred ay malalaman na napatulog lang ng isang tao. Sa school ay wala ni isa ang kumakalaban sa kanya dahil mga takot. Nananakit kahit pa babae ay hindi pinapalagpas. Malamang na gumawa lang ng kwento ang lalaking 'yon dahil kahihiyan ang aabutin niya. Ang image niyang tigasin ay madudungisan nga naman. "Seryoso ka ba dyan, Ember?" Natatawa pa rin niyang sabi sakin. Halos maluha pa siya sa kakatawa. "Oo, nandoon ako. Kitang-kita ko ang nangyari," ipinakita ko ang braso ko sa kanya kaya natigil siya sa pagtawa. "Nakikita mo 'to? Gawa 'to ni Jarred sakin kaya siya sinapak ni Dean." "Walanghiya naman pala talaga ang Jarred na 'yan, e! Tapos susugod dito ang mga magulang niya at pinatanggalan ka pa ng scholarships dahil ang anak niyang lampa ay napatulog sa isang suntok lang?! Hah! Ikaw pa ang lumabas na masama ngayon sa buong campus!" Galit niyang turan. Huminga ako ng malalim at nag-iwas sa kanya ng tingin. "Hayaan mo na, nangyari naman na. Wala na tayong magagawa." "Mayroon tayong magagawa, Ember! Nasaan ba ang Dean na 'yan? Pwedeng siya ang iharap mo sa magulang ni Jarred at kay Miss Venna." Umiling ako sa sinabi niya. Ayoko nang mas palakihin pa ang gulong ito. Sa katagalan ay mawawala rin ito. "Ember naman! Paano na yung scholar mo?" Isang busina ang pumukaw sa atensyon namin ni Cara. Napatingin ako sa pamilyar na sasakyan na nasa hindi kalayuan namin. "Cara, may sundo ka ba?" Wala sa sarili kong tanong sa kaibigan ko habang nakatingin sa sasakyan. "Oo, bakit?" Nagtataka nitong tanong sakin bago napatingin sa sasakyan na tinitingnan ko. "Pwede bang makisabay kahit sa kanto lang namin?" Bago pa makasagot si Cara ay mabilis nang pumarada sa harap namin ang mamahaling sasakyan. Napaatras kami dahil sa marahas nitong paghinto. "Tarantadong driver 'to ah!" Iritadong sabi ni Cara at handa nang sugurin si Dean sana nang pigilan ko siya. "H-huwag, Cara. Si Dean 'yan." "Huh?" Bumaba mula sa sasakyan si Dean. Naka-polong itim ito at nakatiklop hanggang siko ang sleeve. Naka-pants din ito at naka-black shoes. Mukhang bagong ligo din habang may malawak na ngisi sa labi. "Ember." Bati nito. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko dahil ang ibang mga istudyante ay naaagaw na niya ang atensyon. "Hindi ba't sinabi ko sa 'yo na susunduin kita ngayon?" Umiling ako sa kanya. Pagod ako sa mga nangyari ngayon at wala na akong lakas pa sa panibagong gulo. Si Lola ang unang pumapasok sa isip ko sa tuwing nakikita ko ang lalaking ito. "Ikaw ba si Dean?" Entra ni Cara habang kinikilatis ng tingin ang lalaki. Tumango lang si Dean sa kanya bago ibaling ulit sa akin ang mga mata. Nag-iwas ako sa kanya ng tingin at pilit hinihila si Cara pero ang babaeng ito ay ayaw sumunod. "Ikaw ang nanakit kay Jarred kaya dapat ay tulungan mo ang kaibigan ko." "Cara..." Tawag ko sa kanya pero matigas siyang tumingin kay Dean na ngayon ay nakakunot na ang noo. Ang mga mata niyang brown ay tila nagtatanong. "Tinanggalan siya ng scholarships ng magulang ni Jarred dahil ang sumbong ng gagong 'yon ay pinabugbog daw siya ni Ember sa boyfriend niya! At ikaw ang boyfriend kuno ng kaibigan ko. Tulungan mo siya na maibalik sa kanya ang scholarships niya." "Cara!" Medyo tumaas ang boses ko dahil sa mga sinabi niya kay Dean. Hindi naman kailangan na ipasok niya ang lalaking ito sa gulo ko na sakop sa loob ng school. Walang magagawa ang lalaking ito. "Pasensya na sa kaibigan ko. Aalis na kami." Hihilahin ko sana ang braso ni Cara pero malalaking kamay niya ang sumakop sa isa kong braso. Napa-oh si Cara sa nakita habang ako ay pilit hinihila ang braso ko. "Sakay." Umiling ako sa kanya. Nagtagis ang bagang niya at madilim akong tiningnan. Ang malawak niyang ngiti kanina na ibinungad sakin ay nawalang parang bula. Malamig ang mga mata niya ngayon habang tinititigan ako. "T-teka! Saan mo dadalhin ang kaibigan ko?" Pati si Cara ay nataranta. "This is not your business, Miss." Malamig nitong sagot kay Cara na ikinanganga ko. Si Cara ay natahimik pero agad din na hinawakan ang isa kong braso para hilahin ako kay Dean. "Anong this is not my business?! This is my business dahil kaibigan ko 'tong tinatangay mo!" Iritableng singhal sa kanya ni Cara. "Let go, Dean. Please..." Ngumisi siya sakin at pwersahan akong hinila dahilan para mapayakap ako sa kanya. Napabitaw sakin si Cara at gulat na gulat sa nakikita. "Trust me, ako na ang bahala sa scholar ni Ember. Pahiram muna ako sa kaibigan mo." Napatili ako nang buhatin niya ako at mabilis ipasok sa loob ng sasakyan niya. Nakatulala lang si Cara sa amin at mukhang hindi na alam ang gagawin. "Ihahatid ko siya sa kanila ng buong ingat. And trust my words, ako na ang bahala sa lahat." Imbes na tulungan ako ni Cara na makalabas ng sasakyan ay napatango nalang siya kay Dean. "Aasahan ko 'yan. Iuwi mo ang kaibigan ko ng buo at walang galos!" "Cara!" Sigaw ko sa kanya pero ngumisi lang siya sakin. "Yes, Ma'am!" Saludo ni Dean kay Cara na kumakaway pa sakin habang nakangisi. Pilit kong tinutulak palayo sakin si Dean kaya hindi niya maikabit ng maayos ang seatbelt sa katawan ko. "Sinabi ko sayong huwag mo kong susunduin! Bakit ka ba nandito?!" Tinigil niya ang ginagawang pagkabit sa seatbelt sa katawan ko at seryoso akong tiningnan. "Gusto kitang makita."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD