Chapter 5
Napangiti si Terence nang matapos niyang iluto ang carbonara pasta para kay Yumi at inihanda na niya ang mga iyon sa isang table na pang dalawahan lamang.
Nilagyan niya ng garlic bread ang bawat plato nilang dalawa ng carbona. Nakangiti pa siya habang nilalagyan niya ng parsley at parmesan cheese ang ibabaw niyon. Todo effort siya sa plating ng carbonara pasta na para bang inorder iyon sa isang mamahaling restaurant.
Nagsalin rin siya sa dalawang baso ng orange juice na punong puno ng ice cubes. Ngayon lamang niya ginawa ang ganito klaseng effort dahil lamang may bisita siyang darating. Kadalasan nga ay nag oorder lamang siya ng take-out or delivery foods para sakanya dahil pagod na siya sa kanyang trabaho.
But tonight is different.
Chicks niya ang darating.
Napangiti siya ng maalala ito.
Ang baby girl niya.
Nag text na ito sakanya five minutes ago na malapit na raw ito sa condominium niya. Kaya naman ihinanda na niya ang table set up para sa kanilang dinner.
"Cool.. Kaya ko siguro mag tayo ng restaurant" Nakangising puri niya sa kanyang sarili pagkatapos niyang titigan ang pagkaka-set up niya sa kanilang dinner table
He can't help to be proud of himself. Masyado effort ang ibinuhos niya ngayong gabi para lamang sa iisang babae.
Ayaw man niyang aminin, alam niyang special na para sakanya ang kanyang baby girl. Ngunit siyempre alam niya parin kung anong patutunguhan ng magulong relasyon nila ni Yumi. Gustohin niya man seryosohin ito ay hindi na maaari dahil nakatakda na siyang ikasal kay Fiona.
Alam niyang isa sa mga araw na ito ay matatapos rin ang munting relasyon nilang dalawa ni Yumi. Lalo na't kapag nalaman nitong ikakasal na siya.
Wala rin naman siyang balak talikuran si Fiona dahil obligasyon niyang pakasalan ito.
Napabuntong hininga siya
Might as well enjoyin niya nalang muna ang mga natitira niyang araw bilang isang binata. Hindi na muna niya iisipin pa ang nalalapit niyang kasal.
Sa pagkakataon na ito ay magpapakasaya na lang muna siya sa piling ni Yumi dahil napapasaya siya nito lalong lalo na sa kama.
Oh God. Napakasarap nito.
She have a perfect f*cking body. He can't get enough of her. Masyado itong kaakit-akit kapag kasama niya ito ay palagi siyang tigas na tigas mapa-umaga man yan o gabi.
Sa loob ng pitong araw nila sa boracay ay tila hindi pa siya nakuntento. He wants more. More of her. More of her baby girl.
Naputol ang pag-iisip niya ng may magdoorbell.
"Damn" Napahawak agad siya sa kanyang dibdib. Hindi niya maintindihan kung bakit nakaramdam siya ng kasabikang makita muli si Yumi.
Halos lakad takbo siya upang pumunta agad sa kanyang pintuan. Nakangiti siya nang pagbuksan niya ito ng pinto.
Ang kanyang matamis na ngiti ay agad na nawala nang makilala niya ang taong nasa labas ng kanyang condo unit
Hindi si Yumi ang nakatayo roon.
Ang taong bwisita niya ay walang iba kundi ang kanyang pinsan na si Calix Hoffman.
Nakangisi ito "Yo? Expecting someone huh?"
Nahalata nito na matamis ang pagkakangiti niya kanina ng pagbuksan niya ito ng pintuan
"What the hell are you doing here?" kunot nuong tanong niya kay Calix
"Patambay" Nakangisi paring sabi ng pinsan niya
"No. May bisita ako ngayong gabi. Hindi ka pwedeng makitambay dito" Pagtataboy niya at akmang pagsasaraduhan na sana niya ito ng pinto ng lumusot ito sa gilid ng pinto at inunahan siya sa pagsara. Nakapasok tuloy ito ng walang kahirap hirap sa loob ng condo niya
"Ang bango ha? Mukhang kakalinis mo lang? Wala naman si manang Lucy diba? Espesiyal siguro ang babaeng bisita mo? Naglinis ka pa eh" Pang-aasar pa ni Calix sakanya nang tuluyan na itong makapasok sa condo niya. Alam kasi nitong naka-vacation leave ang matandang katulong niya simula nung magbakasyon siya sa boracay ay pinag-leave muna niya ito
Madalas tumambay roon si Calix kasama si Cody at Hugo. Mga pinsan niya rin ang mga iyon. Ayos lang sakanya kahit doon tumambay ang mga ito at kahit ubusin pa nga ng mga ito ang kanyang alcohol collections mula sa ibat-ibang bahagi ng mundo ay walang kaso sakanya. Huwag lang ngayong gabi!
Napahagod siya sa kanyang buhok sa inis na kanyang nararamdaman. Mukhang balak pa siyang inisin ng pinsan niya.
Mauudlot pa yata ang wild s*x na kanyang pinaplano ngayon gabi with his baby girl dahil dito sa kulugong pinsan niya
"I don't have time for your bullshit Calix. Umalis kana--"
"Yo! Oh Carbonara! Aba nagluto ka?" Patakbo itong lumapit sa table set up na kanyang inihanda para kay Yumi
"Don't you dare touch anything!"
Napataas naman ang dalawang kamay ni Calix sa ere bilang pag-galang sa sinabi niya. Ngunit naglalaro parin ang nakakalokong ngiti sa mga labi nito habang nakatingin sakanya
"Damot mo naman Terence boy. Sino bang bisita mo? Yung nabuntis mo ba? Akala ko ba magpapa-paternity DNA test ka muna?"
"It's none of your business Calix. C'mmon lumabas kana. Sa susunod kana makitambay dito kahit kung gusto mo dito kana tumira. Just not tonight okay?"
Itinuro niya ang nakabukas na pinto para ipakita kay Calix ang pagtataboy niya rito
Ngumisi lang ito
"Dito nako makikidinner. Gutom nako eh. Parating na rin si Cody at Hugo. Balak ka talaga namin puntahan ngayon dahil isang linggo kang nawala"
Nahilamos niya ang kanyang palad sa kanyang mukha.
"Hindi nga pwede ngayong gabi. Sabihan mo sila may chix ako ngayon at hindi kayo pwedeng mang-gulo kung ayaw niyong magkapalit-palit kayo ng pagmumukha"
Tumawa ito sa kanyang sinabi.
"Ayos yan ah? Nang-chix ka pa talaga? Hindi ka pa ba natakot nung nakabuntis ka?"
Kumunot lalo ang nuo niya
"Watch your mouth. Umuwi kana hindi ako makakascore dahil sayo"
Lalo itong natawa.
"Poor girl. Saan mo naman nakilala yan?"
"Ka-lalake mong tao chismoso ka. Umuwi kana bago pa kita ipasundo kay tita monica"
Nawala ang pagkakangisi ni Calix. Takot kasi ito sa mommy monica nito. Ayaw nitong bigyan ng stress ang mommy nito dahil sakitin at madalas nasa hospital ito. Pero awa naman ng diyos ay healthy ito ngayon habang kasama ang daddy ni Calix na si tito Cedric.
"Hintayin ko lang yung chix mo baka type ko rin eh"
"Abnoy. Uuwi ka na ba o susunduin ka ng ambulansya ngayong gabi?" Kunot nuong tanong niya.
Hindi na ito nakasagot dahil muling tumunog ang doorbell ng kanyang condo.
"F*ck she's here!" Nataranta niyang sambit. Agad siyang nagpunta saglit sa kanyang bedroom upang mag wisik ng kaunting perfume.
"Relax Ace. Masyado kang natataranta." Natatawang pang-aasar ni Calix sakanya. Madalas Ace ang palayaw niya sa kanyang mga pinsan. Sinamaan niya lang ito ng tingin bago siya nagmamadali lumapit sa pintuan upang pagbuksan ang kanyang baby girl
"Hi"
Automatikong nawala ang lahat ng inis niya kay Calix nang masilayan niya ang napakaganda at maamong mukha ni Yumi.
Napangiti agad siya ng matamis at agad niya itong niyakap ng mahigpit.
Hinapit niya ang bewang nito at sinapo ang likod ng ulo nito. Nais niya sana itong halikan agad ngunit nagpigil siya dahil alam niyang nasa likod ang chismoso niyang pinsan
"I miss you.." Bulong agad niya kay Yumi dahil totoo naman iyon.
Miss na miss na niya ito. Napapikit pa siya ng muli niyang maamoy ang baby cologne nito na paborito na niyang amuy-amuyin.
Hindi niya tuloy mapigilan halikan ang ulo ng dalaga. Maliit lang ito kumpara sa katangkaran niya. Kaya naman kapag nasa bisig niya ito ay ramdam na ramdam niya ang kalambutan ng katawan nito
He want's to squeeesh her so bad. Gustong gusto niya itong pang-gigilan
"Ehem!"
Ayaw man niyang bitawan agad si Yumi ngunit kailangan niya munang paalisin ang kanyang pinsan
Nakangisi ito ng makita nito ang napakatamis na pagsalubong niya ng yakap sa dalaga.
Nagtaka siguro ang pinsan niya dahil kakaiba ang pagyakap niya kay Yumi.
"M-May kasama ka pala Rence--"
"I'm Calix. Pinsan niya ako" Pagpapakilala agad ng pinsan niya kay Yumi
Inilahad pa nito ang kamay nito sa baby girl niya. Kaya naman siya na mismo ang nakipagkamay kay Calix
"Nice to meet you daw sabi niya. Yumi ang pangalan niya. Okay na? Umuwi kana rin" Pinanlakihan niya ng mata si Calix at bahagya niya pang pinisil ang kamay nito
"Aw." Napangisi ito lalo dahil sa kanyang naging reaksyon. Tila ayaw niyang mahawakan nito ang kamay ni Yumi.
Hindi talaga!
Hindi pwede.
Hindi maaari.
"Possesive naman ng pinsan ko. Parang nakikipagkilala lang naman ako kay miss cleavage" Pang-aasar na bulong sakanya ni Calix kaya sinipa niya ng pasimple ang paa nito
Tila napansin rin nito ang cleavage ni Yumi dahil sa damit nitong mababa ang neck line.
Napayuko naman si Yumi dahil siguradong narinig rin nito ang binulong ng pinsan niyang abnormal. Napatakip tuloy ang baby girl niya sa bandang dibdib nito. Mukhang nagpasexy lang ito para sa kanya
"Go home!"
Imbis na lumabas ng condo niya at nagmatigas pa si Calix na pumasok sa loob ng condo niya. Nakangisi itong umupo sa sofa at nagtaas pa ng mga paa at ginawang unan ang dalawang kamay
"Dito muna ako. Gusto kong manuod ng live show" Todo pang aasar ni Calix sakanya
Gusto na niya itong murahin ng ilang milyong beses dahil ngayon pa nito naisipan mang-asar. Kung kailan naman sabik na sabik na siyang masolo si Yumi.
"Hindi nako natutuwa ugok ka."
Nagkibit balikat lang ito habang nakangisi.
"Rence.."
Kinalabit siya ni Yumi. Nasa likod niya ito. Mukhang nahihiya ito sa pinsan niya dahil namumula ang mga pisngi nito.
"Ace namumula ang pisngi ng girlfriend mo ha? Nagwagwapuhan yata sakin?"
Kung nakakamatay lang ang tingin ay bumulagta na siguro si Calix sa tindi ng pagkakatingin niya rito. Tila naramdaman nitong seryosong nabadtrip siya kaya napangiwi ito
"Rence.." Muli siyang kinalabit ni Yumi
"Baby nagwagwapuhan ka ba sa ugok na yun kaya ka namumula?"
Agad naman umiling si Yumi.
"Hindi. Ihing-ihi na kasi ako" Pag-amin nito. Kaya naman pala parang hindi ito mapakali.
"Oh.Okay baby. Dito ang restroom" Hinawakan niya agad ang kamay ng dalaga.
Damn! Ang lambot talaga ng kamay. Kung wala lang dito ang ugok niyang pinsan ay baka hindi na siya nakapagpigil.
Hinatid niya si Yumi hangang sa pinto ng bathroom. Hinayaan niya itong makagamit muna ng private bathroom niya
Paglingon niya kay Calix ay nakangisi na ito habang pinapanuod siya. Pailing-iling pa ito
"Umalis kana parang awa mo ng kutong lupa ka." Pagtataboy niya sa pinsan niya
"Yare ka Ace. Mukhang napana ka" Tumawa pa si Calix dahil sumimangot siya
Napana?
Nino?
Ni Kupido?
No way.
Ofcourse alam niyang hindi. Hindi naman kasi siya mabilis mainlove. Hindi naman siya naniniwala sa pag-ibig. Ano nga ba yun?
Nilapitan na niya si Calix upang pingutin ang tenga nito. Madalas niyang mapingot ito noong bata pa ito at ngayon niya lang ulit ito nagawa. Hindi na kasi sila mga bata para mag-pingutan ng tenga pero naiinis na kasi talaga siya sa pinsan niya
"Umuwi kana tigang nako ugok ka" Gigil niyang piningot ang tenga nito kaya agad itong nakatayo sa komportableng pagkaka-upo sa kanyang sofa
"Aw aw. Oo na uuwi na!"