Chapter 4

1407 Words
Chapter 4 "Hi baby girl.." Automatikong napatayo sa kinakaupuan niya si Yumi nang marinig niya ang baritono ngunit malambing na boses ng isang lalake sa kabilang linya. Nagtaka nga siya kung sino ang unknown number na tumatawag sakanya gayong, kakabili lamang niya ng kanyang simcard sa airport noong makarating siya ng Pilipinas bago siya tumungo sa boracay island. Sa pagkakatanda niya ang mga magulang palang niya ang pinagbigyan niya ng kanyang pansamantalang cellphone number habang narito siya sa Pilipinas Nawaglit sa isip niya na nag-iwan nga pala siya ng numero sa hotel sa boracay dahil nagbabakasakali siyang maalala siya ni Rence at baka sakaling kuhain nito ang numero niya sa mga hotel staff. At hindi nga siya nagkamali! Heto ito at naririnig niya ang boses nito sa kanyang cellphone! Napabilis ng husto ang pagtibok ng kanyang puso at parang hindi siya makapagsalita Kasalukuyan pa naman silang kumakain ng hapunan sa kanilang bahay. Naroon na ang ate Fiona niya dahil sinundo ito ng kanyang mga magulang. Nais nga sana nilang sumama ni Yoshi kanina sa hospital ngunit sumakit naman ng matindi ang ulo niya. Epekto iyon ng walang tigil niyang pag-iyak kagabi at isa pa halos hindi rin siya nakatulog magdamag kakaisip kay Rence. Kaya hinayaan nalang siya ng kanyang daddy na matulog pa at ang mga ito nalang raw ang susundo sa ate Fiona niya "Sino iyan anak? Bakit parang gulat na gulat ka?" Nagtatakang tanong ng mommy niya dahil napatingin ang mga ito sakanya "Baby?" Sambit ulit ni Rence sa kabilang linya kaya naman tuluyan na siyang napaubo. Bumara yata sa kanyang lalamunan ang kinakain niya Saglit siyang nagpaalam sa mga ito gamit lamang ang kanyang kamay. Ininom niya muna ang isang basong tubig bago siya lumabas ng kanilang bahay. Nagtataka man ang kanyang mga magulang, ate Fiona at Yoshi ay hinayaan nalang siya ng mga ito na kausapin muna kung sino mang tumatawag sakanya. Mamaya nalang siguro siya iintregahin ng mga ito. Masarap rin kasi ang kanilang hapunan ngayon dahil pinagluto siya ng kanyang daddy. Sa daddy niya namana ang galing at hilig niya sa pagluluto. "R-Rence?" Pagkumpira niya kung ito nga ba ang nasa kabilang linya nang makalabas na siya ng kanilang bahay "May iba bang tumatawag sayo ng baby?" kunway nagtatampo nitong tanong Napahikbi agad siya dahil hindi siya makapaniwalang tatawag pa ito sakanya! Pero pinigilan niya ang kanyang emosyon. Baka makahalata pa itong patay na patay siya dito. "R-Rence anong nangyari? Bakit bigla ka nalang--" "I want to see you tonight. Nasa manila kana ba? I'll explain later baby. I'm so sorry kung nakalimutan kong iwanan ang number ko. Tumatanda na yata ako" Biro pa nito sakanya at muli niyang narinig ang pilyong pag tawa nito "Akala ko ayaw mo na sakin" "Pwede ba naman yun? I'm so glad na iniwan mo ang number mo sa hotel dahil kung hindi palo ka sakin sa puwet" Napangiti na siya. Si Rence nga ang kausap niya. Malambing ito ngunit ubod ng pilyo at madalas siya nitong biruin. "Mabuti nalang at hindi ko pinairal ang pride ko. Ang sakit kaya ng ginawa mo sakin. Akala ko tinakbuhan mo na ako eh" Napapalabi siya habang kausap niya ito "I'll make it up to you baby girl. Magiging alipin mo nako simula ngayon dahil sa naging kasalanan ko sayo basta huwag mo lang uubusin palagi ang lakas ko ha?" Sabay silang natawa sa kapilyuhan nito. Madalas sa bawat biro nito ng ganoon ay nagkakapaguran nga sila sa kama. Nauuwi sa isang matinding s*x ang mga biro nitong ganoon "Ikaw nga diyan ang nang-uubos ng lakas eh" "So let's meet tonight? Miss na agad kita. Nasaan ka ba at ako na ang pupunta sayo" "No. Magkita nalang tayo. Strict ang parents ko baka magulat sila kapag pinakilala agad kita sakanila eh" "Pero gabi na. Ayokong mag-biyahe ka ng mag-isa" "Mag-grab nalang ako. Or gusto mo bukas nalang ng umaga?" Tumutol agad ito. Gustong gusto na daw siyang makita nito at hindi na ito makakapaghintay pa ng umaga. Natuwa at kinilig siya dahil ganoon rin naman siya. Parang gusto na nga niyang lumipad papunta sa kinaroroonan nito ngayon "Alright then. Where do you want to meet me baby?" "Diyan nalang sa bahay mo." "Condo baby. Sure ipagluluto kita kumain kana ba?" "Kumakain palang kami ng parents ko. Pero kaunti palang ang nakain ko. Diyan nalang ako kakain ng marami" "Alright. Ipapagrab nalang kita papunta dito sa condo ko." "Yumi" Napalingon si Yumi sa kanyang likuran ng magsalita si Yoshi. Agad naman niyang tinaboy ito gamit ang kanyang kamay Mukhang seryoso ito habang nakatingin sakanya. Narinig kaya nito ang usapan nila ni Rence? "Doon kana Yoshi!" Pagtataboy niya pang muli dahil ayaw nitong kumilos sa kinatatayuan nito Nagtataka ito dahil naging masaya na ulit ang kanyang mukha. Sa katunayan nga niyan ay nakangiti siya habang pinalalayo ito "Who's Yoshi?" Tanong naman ni Rence sa kabilang linya "W-Wala. Aso namin este pusa. Oo pusa lang namin yun" Muli niyang sinenyasan si Yoshi na bumalik na ito sa loob ng kanilang bahay Para bang may iniisip ito ngunit sinunod nalang ito ang utos niya na para bang malungkot ito "Hmm akala ko may kasama ka diyan iba e. Seloso pa naman ako baby. Halika na dito paliparin mo na yung kotse ng grab sabihin mo utos ko" Napangiti na siya ng tuluyan. "Opo eto na po. Magbibihis lang ako. Magtataxi nalang pala ako papunta diyan. Mas mura pa. Isesend ko nalang sayo ang plate number" "Sunduin na lang kita--" "Bye Rence. See you later. Magluto kana!" Nakangiti niyang binaba ang kanyang cellphone. Hindi na niya hinintay ang sasabihin nito. Ayaw niyang magpasundo dahil ayaw niya munang ipakilala ito sa kanyang mga magulang at kapatid. Lalo na nandito pa si Yoshi sa kanilang bahay at baka mag isip pa ng iba si Rence. Nang bumalik siya sa hapagkainan ay halos patapos ng kumain ang mga ito "Sino ba iyon anak? Nalukot ang mukha nitong si Yoshi eh" Tinignan niya si Yoshi at walang kangiti-ngiti ang mukha nito. Hindi na rin ito kumakain kahit kalahati pa ang laman ng pingan nito "K-Kaibigan ko ho nay. Gusto nilang magkita kita kami ng mga barkada ko noon." Palusot niya na sana'y kagatin ng mga ito "Ngayong gabi?" Tanong ni Yoshi Tumango siya. Parang gusto niya itong irapan ngunit hindi niya magawa dahil nakatingin ang mga ito sakanya "Aba'y gabi na ah?" Segunda naman ng daddy niya "Dad hayaan niyo po si Yumi. Ngayon nga lang makakasama si Yumi sa mga night outs eh. Sige push mo yan sister! Mga kill joy to si Yoshi at daddy eh diba mom?" Kinuha pa ni Ate Fiona ang opinyon ng mommy niya kaya napangiti na siya Kahit kailan talaga ay maaasahan niya ang ate Fiona niya. "Oo nga. Matanda na yan si Yumi honey. Pabayaan mo siya ng maenjoy niya naman ng husto ang bakasyon niya rito sa Pilipinas" Kinindatan pa siya ng mommy niya. Palibhasa kakabigay niya lang rito ng kanyang pasalubong kanina. Isang gucci bag iyon na matagal na nitong pinabibili sakanya sa Japan. "Salamat ate Fiona and mommy, The best talaga kayo. Sige po magbibihis nako--" "Ipapasama ko si Yoshi sayo dahil nag-aalala ako" Hirit parin ng daddy niya. "Yeah. Samahan na kita Yumi-" "No!" Mariing tangi niya Ngunit ngumiti rin agad siya dahil baka makahalata pa ang mga ito na may lalake siyang kakatagpuin "All girls kami daddy ayokong magsama ng lalake. Don't worry uuwi agad ako before midnight dad" "Ihahatid nalang kita--" "Huwag na." Pinanlakihan niya ng mga mata si Yoshi dahil maypagkamakulit ito Bumuntong hininga lamang ito. "Mag-tataxi nalang ako. Baka isipin pa ng mga kaibigan ko boyfriend kita kapag hinatid mo ako" "Anak grabe ka naman kay Yoshi. Napakabait na batang ito ginaganyan mo lang palagi. Nag-aalala lang siya sayo kaya gusto ka niyang ihatid" Saway sakanya ng kanyang daddy dahil mukhang napasobra ang pagtangi niya Mula pa noon ay botong boto na ito kay Yoshi. Ito na nga ang numero unong aprobado nito bilang magiging asawa niya. Sayang nga lang. Kung natuturuan lang sana ang puso marahil matagal na niya itong nobyo o dikaya baka mag asawa na sila ngayon at maraming anak. Ngunit hindi eh. Wala talaga siyang maramdaman para kay Yoshi. Mahal naman niya ito bilang kaibigan niya. Pero hangang doon lang talaga. Lalo pa ngayong nakilala na niya si Rence. Lahat ng hinahanap niya sa isang lalake ay nasalo na ni Rence. Ito lang ang lalakeng nagustohan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD