Chapter 2

1771 Words
Nakangusong tinitigan ni Jarra ang hawak niyang wallet. Nandoon pa rin siya sa café at iniinom ang milktea niya. Paubos na nga iyon pero dinadahan-dahan niya muna para hindi naman awkward na nandoon pa siya samantalang wala na siyang iniinom. Hinihintay niya kasing bumalik iyong lalaki. Baka lang naman kasi ma-realize nito na wala na ang wallet nito. Napatingin siya sa kanyang cellphone at bumuntong hininga na lang. Mag-iisang oras na kasi siyang naghihintay rito at syempre gusto niya na rin naming umuwi no, Pagod na pagod siya kaya gusto na niyang humilata pero ito siya at hindi makaalis alis dahil yung lalaking iyon ay medyo tanga lang naman. Hindi na nga niya mabilang kung pang-ilang lingon niya nay un mula kanina. Bumuga siya ng hininga. Tiningnan niya ulit ang wallet. Siguro tatawagan na lang niya mamaya yung may-ari nito? Hindi na kasi talaga kaya ng kanyang mata at gusto na nitong magpahinga. Inisang sipsip niya ang milktea, hindi na alintana kung magka-brain freeze man, tsaka siya tumayo. Inilagay niya na lang ulit muna ang wallet sa kanyang bag bago siya tuluyang lumabas ng café. Mabilis lang din naman siyang nakarating sa boarding house nila. Agad din naman siyang nakatulog pagkahiga na pagkahiga niya pa lang ng kama. Grabe lang kasi talaga ang pagod niya buong araw kaya kailangan niya na rin talagang mag-recharge. Nagising siya ay kinabukasan na rin kaya dumiretso na rin siya sa pagpasok sa facility. Buong araw siyang nag-rounds at nag-asikaso ng mga pasyente. Kahit na nakakapagod minsan at kahit na nakaka-stress din naman talaga ang mga tantrums ng mga pasyente ay nakangiti pa rin siyang pumupunta sa mga kwarto nito at chini-check ang mga ito. Being around these people makes her at ease. Naalala niya kasi ang lola niya noong buhay pa ito at magkasama sila. Pakiramdam niya ay kasama pa rin niya ito at gina-guide pa rin siya nito. She can feel her grandmother’s presence in those patients that she works with every single day. Kahit papaano ay na-eenjoy rin naman niya ang trabaho at dahil doon ay medyo nakakalimutan niya ang lungkot Nang mag-break sila ay niyaya siya ni Talia sa canteen nila. Siya ang naghanap ng mauupuan nila habang ito naman ang nag-order para sa kanilang dalawa. “Grabe ang taas ng pila, ha,” ani Talia habang hinahawi ang buhok nito. Kinuha naman ni Jarra ang kanyang bag. “Magkano yung akin?” tanong niya rito at hinalungkat ang kanyang bag. Nang makita niya ang wallet niya ay sandal siyang napatitig doon sa isa pang wallet na katabi noon. Nakagat niya ang labi at napatitig na lang doon. ‘Tsk. Nandito pa nga pala ito! Bakit ko nga ba kasi nakalimutan ito kahapon! Ano ba naman yan, Jarra!’ “Okay ka lang bes?” Rinig niyang tanong ni Talia. Napaangat ang tingin niya sa kaibigan na noon ay nakataas na ang kilay sa kanya. Napabuga siya ng hininga. “Oo, pero may problema ako…” Kinagat niya ang labi. Agad naming nangunot ang noo ni Talia sa kanya. “Ha? Anong problema? Teka, may nangyari kina tito at tita?!” Suminghap ito at nagtakip pa ng bibig napairap na lang siya. “Ang OA mo! Hindi! Ito kasi.” Kinuha niya ang wallet at ibinigay kay Talia. Napatanga naman ang bestfriend niya roon. Tiningnan siya nito. “O? Bakit panlalaki ang wallet mo?” takang tanong pa nito at sinuri ang hawak niyang wallet. Umirap ulit siya. “Hindi kasi akin iyan.” Pinaningkitan siya nito ng mga mata. “Ha? Kanino? Sa jowa mo? Wala kang jowa, friend!” Agad niya itong sinamaan ng tingin. Humalakhak naman ang magaling niyang kaibigan. “Gaga! Seryoso kasi!” sabi niya pa. Si Talia naman ang umirap. “Oh, e kanino nga yan?” tanong ulit nito at pinagkuros pa ang mga braso. Bumuntong- hininga siya at umayos ng upo. “Iyon na nga! Kahapon may snobero akong lalaking nakabangga dito! Tapos nahulog niya to. Isasauli ko na sana kaso hindi naman bumalik. Titingnan ko nga rin sana kagabi kung paano siya makokontak kaso nakalimutan ko sa sobrang pagod tsaka hindi ko alam kung saan isosoli ito,” sabi niya. Agad na dumako ang tingin ng kaibigan niya sa wallet at hinablot iyon. “Hmm. Edi tingnan natin!” Nanlaki ang mga mat ani Jarra nang agad na binuksan ni Talia ang wallet. “Hoy, teka lang!” pigil niya na nagpataas ng kilay ni Talia. “Hala, e paano isasauli?!” balik nito sa kanya. Napasimangot naman siya. May point naman kasi ito. Hindi na lang siya nagsalita at hinayaan na lang itong tingnan nga ang laman ng pitaka. Walang cash iyon pero may sandamakmak na debit cards mula sa iba’t ibang bangko. Kinuha ni Talia yung ID at isang card at inilatag sa harapan nila. Napasinghap pa ang kanyang kaibigan nang makita ang Integrated Bar of the Philippines card nito. “Atty. Vaughn Alegre,” halos sabay na basa nila ni Talia. “Shet ang gwapo!” tili pa ng kasama niya. Napairap siya. “Hoy ano ba! Akin na nga!” Hinablot niya ang wallet. May Nakita rin siya isang calling card doon. Tiningnan niya iyon. “Galdamez-Mazo Law Firm,” basa niya na agad namang tiningnan din ni Talia. “O, e firm to malapit sa apartment natin. Isauli na natin!” bulalas nito. Bahagya naman siyang nag-alangan. Nakagat niya ang labi. “Ha? E sa pulis na lang kaya?” Sumimangot si Talia sa kanya. “Anong pulis? E, malapit lang nga! Puntahan na lang natin mamaya, sist!” Napanguso na lang siya at saka napatitig sa kanyang kaibigan. Pinanlakihan pa siya nito ng mga mata. “Teka nga, bakit ka excited?” Tinaasan niya ito ng kilay. Agad namang sumilay ang isang ngisi sa bibig ni Talia. “E, kasi gwapo!” kinikilig na sabi nito. Agad naman siyang sumimangot at saka sumandal sa kanyang upuan. “Ayoko,” tanggi niya at agad na umiwas ng tingin. Umungot si Talia sa kanya. “Anong ayaw mo! Dali na!” kulit pa nito. Inismiran niya ang kaibigan pero hindi naman ito tumigil sa pagkukulit sa kanya. Sa huli ay bumuntong-hininga na lang siya at umirap na rin. “Haist oo na.” Agad na napapalakpak si Talia at muntik pa itong humiyaw kung hindi niya lang sinaway. Napailing na lang siya. “Kumain ka na nga!” sabi niya na lang ditto. Halos buong shift nila ay kinukulit siya nito kaya nang sa wakas ay makalabas na sila ay halos hatakin siya nito papunta sa law firm. Napaungot pa siya dahil sobrang aga pa! Ni wala pa silang tulog! Minsan hindi niya talaga gets itong bespren niya, e. “Talagang di na tayo uuwi? Diretso talaga agad dito?” reklamo niya pa habang inaayos ang kanyang damit. Kasi naman nasa isang law firm sila, baka naman kung sinong abogado ang makakasalamuha nila tapos ang haggard nila. Nakakahiya naman pag ganoon! “Okay na yan, sis! Tara!” aniya at saka hinila siya papunta sa may lobby ng building. Halos magtago na nga siya sa likod ni Talia habang ito ang nakipag-usap sa receptionist. “Hi, uhm we’re looking for Atty. Vaughn Alegre,” anito na halos hindi mawala ang ngiti sa labi. Napailing na lang siya. “May appointment po ba kayo, Ma’am? Wala pa po kasi si Attorney.” Rinig niyang sagot ng receptionist. Agad na tumango si Talia at nagpasalamat sa babae. Lumingon ito sa kanya. “Hintay tayo rito, sis, tara!” Hinila siya nito papunta sa gilid. Bahagyang nanlaki ang mga mata niya at siniko ito. “Bakit kasi hindi nalang natin iwan doon sa mga kasama niya? O sa receptionist! Kilala naman niya iyon, e! Umuwi na tayo! Pagoda na ako!” reklamo niya. Inirapan lang siya ng magaling niyang kaibigan. “Sist, mas mabuting sa kanya mismo natin ibigay! Mas safe yun!” palusot pa nito. Siya naman ang umirap. “Tss. Sus gusto mo lang siyang makita,” palatak niya. Sinimangutan siya ni Talia. Napaungot na lang siya. Wala na rin naman siyang nagawa at naghintay nga roon. Halos gusto niya na lang lamunin ng lupa at ni hindi na siya nag-aangat ng tingin dahil sa sobrang hiya sa mga dumadaang mga naka-formal suit. Awra pa lang ng mga ito parang kinikilabutan na siya,e. Hindi niya nga alam kung saan nakukuha ni Talia ang confidence nitong ngumiti-ngiti pa sa mga dumadaan. ‘Lord, ano ba naman ito?’ Halos mapapadyak na siya sa inis para lang makumbinsi ang magaling niyang kaibigan na umalis na lang sila at ibigay na lang sa receptionist ang wallet. “Talia - “ Hindi na niya natapos ang kanyang dapat na sabihin nang may napansin silang pumarada sa harapan ng building. Bumaba ang isang matangkad at naka-suit na lalaking may dalang briefcase. Naka-clean cut ang ayos ng itim nitong buhok. Binigay nito sa isang vallet ang susi. Seryoso ang mukha nitong naglalakad papasok ng lobby. Nanlaki ang mga mata ni Jarra nang makilala iyon “Siya iyon!” bulalas niya. “Ay shet, tara!” Muntik na silang madapa nang mabilis ang mga hakbang nila upang habulin ito at iniyuko na lang niya ang ulo sa sobrang hiya! “Teka po, mga Ma’am! Hindi po kayo pwede riyan!” Rinig nilang sigaw ng receptionist. Nakagat ni Jarra ang labi at tiningnan ang likod ng lalaki na nag-aabang na ng elevator. “Teka po!” aniya at agad na hinawakan ang braso nito para pigilan ito sa pagsakay. Napalunok na lamang siya nang maramdaman ang titig ng mga tao sa paligid at nang marahas na lumingon sa kanya ang lalaki. Salubong ang kilay nito at mukhang wala pa sa mood. “What the hell, miss!” Napanganga siya nang tumaas ang boses nito. Agad din naman niya itong binitiwan. Parang biglang umakyat ang dugo niya sa katawan. Bumuga siya ng hininga at marahas itong tiningnan. Siniko pa niya ang kanyang kaibigan na nagging kiti-kiti sa kanyang tabi. Oo, gwapo ito pero wala na. Na- bad mood na siya. “What do you want?” tila inis na tanong nito na mas lalong nakapagpa – imbyerna sa kanya. Aba’t naman talaga! Mabilis niyang kinuha ang wallet at padabog na tinulak sa may tiyan nito. Kitang kita niya ang gulat sa mukha nito nang makita ang wallet. “Sa susunod kasi, wag tanga.” Hindi na niya napigilan ang sarili. Inirapan niya ito tapos ay hinila na paalis doon si Talia na mukhang nagulat din sa kanya ginawa. ‘Ugh! Bwisit! Ang antipatiko ha! Gwapo nga, nakakainis naman ang ugali. Tss.’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD