Chapter 1

1060 Words
One Year later. . . Sigawan dito, sigawan doon. Halos wala nang maririnig sa buong Ward at naghalo-halo na ang mga hiyawan at sigawan ng mga matatandang naroon. Nagkakagulo na rin ang iba at nagsialisan na sa mga kama nila. Ang iba'y nagtatakbuhan pa at nakikipaghabulan sa mg nurse. "Ayoko! Ayoko! Ayoko! " sigaw ng isang matandang babae habang patuloy na iniiling-iling ang kanyang ulo. Ang dalawang kamay niya ay nakahawak sa magkabilang tenga niya na para bang ayaw na niyang makinig. Katabi naman nito ay isang matandang lalaking kanina pa pinaghahampas ang kanyang sarili. "Lolo sige na po!" Halos pasuko na ang boses ng nurse habang patuloy na pinipigilan ang pasyenteng sinasaktan ang sarili nito. "Sinabi nang ayoko! Ayoko nga!" "Ang dumi niyo na po,e. Sige na po." "Ayoko! Ayoko! Ayoko!" Mas nagpumiglas ang matanda at halos matumba ang nurse sa pagpipigil dito. Dala- dala ang mga charts ay saglit na napatigil si Jarra sa harapan ng mga ito. Nagtumba -tumba na ang babaeng nurse habang pinipilit ang matanda na maligo na. Isang malakas na buntong hininga ang kanyang pinakawalan at sandaling nilagay ang dalang charts sa isa sa mga bench na nasa gilid. Nilapitan niya ang kasama. "Joy, anong problema?" marahang tanong niya sa kasama. Kagat labing napatingin ito sa kanya habang hawak hawak ang braso ng pasyente. "Ayaw niya pong maligo. Dumumi na nga siya,o." Sabay silang napatingin sa likod nito at kitang kita ni Jarra ang brown na mantsa sa may pang-upong bahagi ng hospital gown nito. Bumuntong-hininga ulit siya at tinanguan ang kasama. Binalingan niya ang matanda at marahan itong tinapik sa balikat. Agad naman itong lumingon sa kanya. "Ayoko nga!" agad nitong sigaw, kunot na kunot ang noo at masamang masama ang tingin sa kanya. Yakap yakap nito ang sarili habang patuloy na pumipiglas sa hawak ng kanyang kasama. Nginitian niya ito. "Lolo," tawag niya at akmang hahawakn ito sa braso nang bigla siya nitong tinabig. Napasinghap pa siya nang matumba na si Joy dahil sa pagtabig ng matanda. Agad niyang dinaluhan si Joy habag hindi tinatanggal ang tingin sa pasyente. "Sabi ng ayoko, e! Malamig! Winter nga, o! Wala naman kayong heater! Wala pa akong jacket! Ang lamig lamig!" Mas lalo nitong niyakap ang sarili. Huminga siya nang malalim at nagkatinginan pa sila ni Joy. Umiling ang kanyang kasama at saka tumayo na. Lumipat siya sa harapan ng matanda at nginitian pa rin ito. "Lolo, madumi po kasi yan. Kailangan niyo pong maligo para matanggal ang dumi. Sige na po, lola," amo niya rito pero mariin pa rin itong umiling at pinanlakihan siya ng mga mata. "Ayoko! Malamig! Maginaw!" Huminga siya nang malalim. "Hindi po." Umiling siya. “Maligamgam po ang gagamitin natin,” marahang sambit niya sa matanda. Sandali naman itong napatingin sa kanya. “Talaga?” Isang maliit na ngisi ang kumrba sa labi nito. Mas napangiti si Jarra at binalingan ang kasama. “Opo! Diba Joy, maligamgam ang gagamitin natin?” Bahagya pang nataranta si Joy at agad na tumango. “Ah opo! Opo!” Binalingan niya ang matanda na noon ay nakangisi at excited na. “O sige na po ha? Si Nurse Joy na ang magpapaligo sa inyo ha,” marahang sambit niya rito na agad ding bumaling kay Joy. Tumango- tango ito at sa wakas ay sumama na rin kay Joy. Bahagya pang lumingon sa kanya si Joy at tipid na ngumiti. “Thank you,” Joy mouthed at her. Nginitian niya lang din ito at tinanguan. Nang makalayo na ang mga ito ay saka siya tumalikod para balikan ang iniwan niyang chart. Bumuntong hininga siya at kinuha ang chart. Parang nag-slow mo lahat ng nasa paligid niya habang naglalakd siya sa pasilyo ng hospital. Isang taon na rin ang nakalipas simula noong mamatay ang lola niya. Ever since, she has been dedicating her life in her work. Hindi na rin kasi bumalik sa pangingibang bansa ang mga magulang niya. Ilang taon din kasing nagging OFW ang mga ito para sa pag-aaral niya at ng dalawa niyang kapatid. Ngayong isa na lang ang college nila ay hindi na nag-renew ng kontrata ang mga ito. Nasa fourth year college na rin naman ang bunso nila at may trabaho naman ang sumunod sa kanya kaya kinakaya rin naman nila. May maliit din naming negosyo ang mga magulang niya sa probinsya kaya natutustusan pa rin naman sila. “Jarra!” Agad siyang napahinto at napalingon sa tumawag sa kanya. “O?” tanong niya sa kaibigang si Amie. “Uwi ka na?” tanong nito. “Hmm oo. May tinulungan lang akong nurse tapos ihahatid ko lang tong chart ng isang pasyente natin. Hinihingi kasi ni Dr. Cruz kanina.” Tumango-tango ang kaibigan niya. “Ohh okay.” “Hmm sige alis na ako,” paalam niya. “Okay. Ba-bye!” Kumaway si Amie sa kanya. Tinanguan niya lang din ito at saka dumiretso na kay Dr. Cruz para sa chart. Pagkatapos maibigay sa doctor ang chart ay lumabas na rin siya ng facility. Nag-text sa kanya si Amie na nauna na ito sa boarding house nila. Dumaan na muna siya sa malapit na café para bumili ng milktea. Ewan din siya kung bakit siya na-impluwensyahan ng mga kasamahan niya na mahilig sa milktea. Hinalughog niya ang kanyang bag habang nasa linya papuntang cashier. ‘Nasaan na ba kasi yung wallet na iyon?’ Sobrang gulo na ng mga gamit niya. Medyo natataranta na rin siya dahil malapit na siya sa cashier. Saktong nakapa niya na ang wallet niya nang bigla naming may bumangga sa kanya. “Sorry!” “Shit, sorry, miss!” Halos magkasabay na sabi nila ng lalaking nagmamadaling umalis. Ni hind inga siya pinasadahan ng tingin at nagtuloy tuloy lang ito sa paglalakad. Napaawang ang bibig niya at sinundan lang ito ng tingin. Napailing siya. “Tss. Snobero ha,” mahinang sambit niya. Pahakbang na sana siya nang bigla siyang mapatigil. Napatingin siya roon. Agad na kumunot ang kanyang noo nang makita kung ano ang natapakan niya. Pinulot niya iyon. Napataas ang kanyang kilay habang tinitingnan ang hawak na wallet. ‘May pagkatanga rin pala ang isang iyon.’ Napailing na lang siya. Akmang aalis pa sana siya sa pila at hahabulin yung lalaki pero siya na rin naman ang oorder kaya tumuloy na lang siya sa cashier at itinago na muna niya ang wallet s kanyang bag.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD