"Ay kaloka naman! Di pa mag-jowa, may meet the parents na, a,” patiling sambit ni Talia habang nag-aayos ito ng kuko sa sala. Ngumuso lang si Jarra sa kaibigan. Mag-aalas-tres na ng hapon at nasa sala silang dalawa ng kaibigan niya. Night shift na sila ngayon kaya may time pa ang magaling niyang kaibigang maglinis ng kuko nito. Umayos siya ng upo at saka humalukipkip. “Kinakabahan ako,” sabi niya rito. Saglit siyang napatitig sa kanyang kaibigan. Nakatuon pa rin ang pansin nito sa mga kuko na minamaniobra nito. “Alam mo, chill ka lang kasi, be yourself! Ito naman! Iyang mga in-laws, mas gusto nila nakikita ang totoong ikaw para ma-assess nila kung karapat-dapat ka nga sa kanilang anak. Ganoon lang iyon, sis! Chill ka lang! Be yourself!” Nag-thumbs up ito sa kanya. Napaawang na lang