The next days passed by so fast. Sobrang bilis ng mga araw na hindi na namalayan ni Jarra na mag-iisang buwan na nga palang nanliligaw si Vaughn sa kanya. So far, she has had the best moment in her dating life. Mukha na nga silang mag-jowa na talaga sa mga kilos nila, e. They already kissed once, and they never even bother to talk about that. It was as if they just lived with that. Parang walang nangyari. Parang ang normal lang noon. After that incident, Jarra felt like they had somehow confessed how they were feeling for each other non verbally. Para silang mga teenager lang na gusto naman nila ang isa’t isa at kung makakilos sila ay parang mag-jowa na talaga, pero wala pang label. Hindi niya rin alam kung bakit hindi pa nila napapag-usapan iyon. Inaasar nga siya ni Talia tungkol doon.