“Hello, Ma? Papunta na po kami. Bakit po?” “Aba’y ang tagal naman ng papunta mo, anak. Ano ka ba naman! Bilisan niyo at ang mga bisita naghihintay na!” Isang buntong-hininga na lang ang pinakawalan ni Jarra nang marinig ang rant ng kanyang ina. Umayos siya ng upo at sinulyapan si Vaughn na noon ay nagda-drive. “Malapit na po kami. Chill lang,” natatawang sabi niya rito. Saglit na lumingon sa kanya si Vaughn at kinunutan siya ng noo. Nagkibit-balikat lang siya rito. Ngumisi lang si Vaughn at umiling na ulit. “Are my parents there already?” tanong pa nito. Ngumuso siya. “Ma, nandiyan na sina Tita?” kagat-labing tanong niya sa ina. Narinig niya pa itong nagmamando ng kung ano bago siya sinagot. “Oo. Kanina pa. Nag-iinuman na nga at ang Papa mo. Nako, bilisan niyo riyan! Ikaw i