Seira Anthonette's P. O. V. Kinabukasan... Pagsapit ng hapon, uwian na namin ngayong alas-singko pero parang gabi na sa sobrang dilim ng kalangitan kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan. Nag-aalala ako kay Wayne dahil malamang natatakot na iyon sa kidlat, mabuti na lang at nasa bahay din si Dorothy. "Lakas ng ulan, kainis." Sinakbit ko sa aking balikat ang bag na regalo sa akin ni Jairus. Ito ang gamit ko dito sa trabaho. "Kukuha na ako ng taxi," sabi ng katrabaho ko. "Ako nga rin..." bulong ko at nilabas ang cellphone ko. Magbo-book sana ako ng grab nang makitang maraming missed calls si Jairus. Napabuntong hininga ako dahil nangungulit na naman siya, porket nagiging okay na ito. Ako naman ay umiiwas na ulit dahil ayokong mahulog sa kaniya. Binasa ko ang text messages ni Jairus. Na