Seira Anthonette's P. O. V. Pag-uwi, hindi na kami makatingin sa isa't isa. Naiilang akong bumaba ng sasakyan dala ang handbag na siya pa ang nagbigay, malamang basa na ang loob niyo. "S-Salamat sa paghatid." Hindi ko siya tinignan at agad na sinarado ang pinto. Umaambon pa rin, agad akong tumakbo papasok ng bahay. Pagbukas ko ng pinto ay gulat na gulat sa akin si Dorothy at Wayne na nakaupo sa lapag habang naglalaro ng train toy ni Wayne. "Oh, mukha kang basang sisiw. Where have you been?" bungad sa akin ni Dorothy. "W-Wala kaming payong ni Jairus, basang-basa kami," sabi ko at lumakad na patungo sa kwarto upang kumuha ng twalya. Kailangan ko maligo, hindi pwede matuyo sa akin ang tubig ulan at baka magkasakit pa ako. "May kotse naman kayo, still the both of you got wet? How?" tano