Ellen: Nakarating na kami sa napaka laking hacienda ni Reid. Nakakapagod din ang limang oras na biyahe at hapon na kami nakarating. 4pm na at malamig nadin ang simoy ng hangin marahil dahil sa malagubat ito. Sobrang madamo ang kapaligiran at wala kang makikitang ibang bahay bukod dito. Sobrang saya ko ng makita ang mga kabayo. Ang dami nila at may mga katiwala si Reid na nag aalaga sakanila. Nilibot din ng aking mga paningin ang napakalaking hacienda ni Reid. Ang ganda nito, napakasimple lang at masayang mamuhay. Napaka payak at tahimik ang lugar dito. Inilabas na nila Rafael katulong ang iba pang tauhan ni Reid ang mga maleta namin. Habang ako ay tuwang tuwa sa mga nag tatakbuhang mga kabayo sa rancho. Hindi ko inalintana ang nararamdamang gutom at pagod dahil dito. Kay gandang pagmas