Ellen: Maaga palang ay nagising na ako. Naabutan ko pa ang asawa ko na tulog na tulog sa higaan namin. Marahil ay sa dami ng tinatrabaho nito ay nakatulog. Hinayaan ko nalang ito. Hinagkan ko siya bago ako bumangon. Bigla nalang akong natumba kaya naman ay naalimpungatan si Reid at dali daling pumunta sakin. "Anong nangyare?" Pag aalala niya habang inaalalayan ako. "Nawalan lang ako ng balanse." Sabi ko. Siguro ay gutom lang ako dahil nahihilo talaga ako. Ilang araw din halos akong puyat nitong nakaraang araw. "Ellen tinatakot mo ko sigurado kaba? Tara na mag papacheckup tayo." "Ayos lang talaga ako. Nagugutom nadin kasi ako eh." Nataranta si Reid na alalayan ako palabas at inutusan ang ilang kasambahay na mag luto ng almusal. Meron naman ng umagahan ngunit gustong ipaluto ni Reid yu