Nasa Study room na kami, katabi ko si Reid habang seryosong nakaupo sa upuan niya at nakapatong ang dalawang kamay habang pinagmamasdan ang papel na may simbolo ng "Black Hand". Mainit ang ulo nito dahil hindi padin nakikita kung sino ang traydor. "Tawagan mo si Erol." Sabi niya kay Rafael. Napaisip ako kung bakit. Kaagad namang tinawagan ni Rafael ito at ibinigay kay Reid ang tawag. "Pumunta ka dito kung mahal mo si Amanda." kunot noo ako sa mga pinagsasabi ni Reid habang nakatingin padin sa papel. Ibinaba na niya ang tawag at napahilamos niya ng mukha. Si Alex naman ay isinara ang kurtina ng malaking bintana sa study room at nag umpisa na silang mag usap usap kasama pa ang ibang Assassin ngunit sa labas lamang ito ng kwarto. Ang tao na si Rafael,Ana at Alex ang pinaka pinagkakatiwa