Ellen: "Goodmoring Mrs. Ford." Isang tinig ang aking narinig ng magising ako. Ilang araw pa lamang ng maikasal ako kay Reid. Napatayo ako ng di ko kilala kung sino ang lalaking nakatayo sa harap ko. Wala si Reid. Wala siya sa tabi ko. "Kasal na pala ang Mafia Lord na si Mr. Ford. Sikreto, ginawa niyo pang sikreto ang kasal niyo." Sabi nito habang tumatawa at nag sindi pa ng sigarilyo. "S-sino ka? Anong ginagawa mo dito?" Sabi ko habang natatarantang isuot ang silk robe na mahaba. "Opps hindi pa pala ako nag papakilala." Nakakatakot siya, ang dami niyang tattoo maging sa leeg ay tadtad ito ng tattoo. Nakaitim siya at malakas ang kutob kong isa din itong Mafia. "Ako si Frence Boston ang papatay sa asawa mo." Tumindig ang balahibo ko ng titigan niya ako. May kasama pa itong dalawang