Ana: "Sabi ko hanapin niyo!" Pagwawala ni Lord. Halos matarata na kami sa pag hahanap kay Mam Ellen. Mag uumaga na at hindi pa namin siya mahagilap. Si Mam Amanda naman ay nagsalita. "Tutulong ako sa pag hahanap." Sabi niya. "No. You don't have to." Malamig na sabi ni Lord habang napaphilot sa ulo niya. Problemado siya sobra. Tumawag ang iba ko pang mga kasamahan sakanya habang kami ay kakatapos lang sa pag hahanap. "Ano wala pang balita? Wag niyong hintaying pasabugin ko ang mga bungo niyo!" galit na sabi nito habang hawak ang redwine glass sa kaliwa niyang kamay at kasabay ng sigaw niya ang pagbasag nito. "Reid tama na yan!" Pag aalala ni Mam Amanda habang duguan na ang kamay ni Lord dahil sa bubog. Ugali naming mga Assassin niyang wag siyang pakialaman kapag nagwawala siya. Lal