(past) Amanda: Galit na galit akong sinundo ni Reid sa bahay nila Maine ang kaibigan ko. Hindi kasi ako nakapag text na kakain sa barkada at mag momovie marathon. Talagang kinaladkad ako nito sa bahay pag uwi. "Ano ba Amanda hindi kaba talaga mag titino?!" Galit na sabi nito. "Wala akong ginagawang masama." Sabi ko. "Anong wala? Pinag aalala mo ang mga tao dito!" Galit na sabi niya. "Pasensiya na, hindi naman ako uuwi ng umaga e." Nanonood lamang si Tita at si Tito. Ayaw nilang makialam. Si Louisa naman ay nasa bakasyon ngayon at si Erol ay pauwi palang. "Ganyan ba? Ganyan ba ang uwi ng isang matinong babae?!" "Reid tama na yan." Sabi ni Tita Claire. Tumingin ng masama si Reid at nag titimpi lang sakin. Sa totoo lang ay hindi pa naman hating gabi. 9pm pa lamang at talagang napa