"Señorito maawa naman po kayo, ang tagal na po namin naninilbihan dito sa inyo kaya naman bakit naman po ganito? Agad-agad ninyo naman po kaming pinapaalis hindi ni'yo man lamang po inalam kung bakit namin nagawa iyon." pahayag ng isang kasambahay ni Hendrick. Nagmamakaawa sa kanya ang mga ito at nakikiusap na huwag niyang paalisin ang mga ito pero paano ba niya mapapalampas ang ginawa ng tatlo sa kanyang asawa at sa kanyang anak? Pati na si Manang Connie na nagmagandang loob lamang para ipagluto ang kanyang asawa dahil nga nagugutom na ay sinaktan pa pala ng mga ito. Hindi na nga sinunod ang kanyang instruction na magluto ng masasarap na pagkain. Lalo na yung may sabaw, sabi ko pa nga ay mag luto ng nilagang baka ang mga ito dahil nga kailangan iyon ng kanyang mahal na asawa. Lalo p

