“Ayaw mo ba na makaharap sila Honey? Pero alam mo mas mainam sigurong makaharap natin sila para mas malinawan sila. Para sa kanila kasi kasalanan ang magsama tayo bilang mag-asawa dahil alam nila na magtiyuhin tayo." Wika niya dito. "Pwede naman ikaw na lang hindi ba?" Tugon naman nito habang karga ang kanilang anak. "Pwede naman, kaya lang alam mo naman ang mga iyon hindi ba? Lalo pa at darating din si Tiyang Conchita. Iba ang paniniwala ng mga uyon eh, pero ang totoo hindi naman talaga tayo magkamag-anak. Kaya wala naman silang dapat ikagalit doon lalo na ngayon na hawak ko na ang DNA test result ninyo ni Ate Sharon. Hindi pala talaga kayo mag-ina. Kaya lang kasi baka mag-isip sila na fake ang resultang iyon at ako lang ang may gawa niyon. Kaya mas mainam na humarap ka sa kanila.” Mah

