Ilang sandali lang ay naririnig na ni Hendrick ang malakas na hilik Alonra na para sa kanya ay napakagandang musika. Hindi niya alam kung bakit gano'n sa tuwing matutulog sila sa gabi, mas gusto niyang maunang makatulog si Alondra para lamang pakinggan niya ang nakakatuwang paghilik nito. Halos two weeks na niyang ginagawang pampatulog ang malakas nitong hilik. Siguro sa ibang tao kapintasan iyon sa babae dahil nga naman napakaganda nito pero animo lalaki kung humilik. Maihahalintulad nga sa hilik ng biik pero para sa kanya sobrang nakakaaliw iyon at musika sa tenga niya iyon. Hinding-hindi pa rin siya nagsasawang pakinggan iyon, para bang nasanay na ang kanyang tenga at iyon na yung pampatulog niya. Nagpapangiti kay Hendrick ay ang pagpayag ni Alondra na ligawan niya ito at aminin

