Minabuti niyang umupo sa kama at humarap dito. Nakatingin naman ito sa kanya at mababanaag sa mga mata nito ang bahagyang pagkalito. "Naguguluhan ka lang na Hendrick. Ano ka ba, iniisip mo lamang ang bagay na iyan dahil wala kang nakakausap na ibang tao kundi ako lang. Kaya wag mong isipin na may special ka ng nararamdaman sa akin. Siguro nakakaramdam ka ng pagseselos dahil may kausap akong iba. Nandiyan yung mga kaibigan ko at si Jeffrey na inaakala mo na maaagaw niya ang atensyon ko. Siguro iniisip mo rin na baka magpatuloy kami ni Jeffrey sa natapos naming relasyon. Pero hindi kasi ako gano'n Hendrick, kung maaari nga ayoko manakit ng kahit na sinong tao. Katulad ni Jeffrey, nasaktan ko siya dahil sinunod ko ang nais ng mga magulang ko napakasalan ka. Kaya wag mong isipin na magagawa

