Nagulat si Hendrick ng bigla siyang yakapin ang kanyang asawa. Bakas ang kasiyahan sa mukha ni Alondra habang paulit-ulit na nagpapasalamat ito sa kanya. Hindi niya alam kung bakit ganito ang nararamdaman niya sa babae, para bang nandoon iyong sobrang pagkaawa diro. At iyong mga sinabi niyang iyon totoong nanggaling iyon sa kanyang puso, nais niyang makita na laging nakangiti ang babae. Hindi iyong pekeng ngiti lamang, katulad ng mga ngiti nito ngayon na hindi naman umaabot sa mga mata nito. Katulad ngayon, napakaganda nito sa kanyang oaningin dahil pati mga nito ay nakangiti din kahit maluha-luha pa ito. Ngayong nakikita niya ang kasiyahan sa mukha ng babae eh para bang pakiramdam niya ay nanalo na siya sa lotto dahil mukhang napasaya talaga niya ang kanyang asawa. Iyon nga lang h

