Araw ng linggo… Kanina pa pabalik-balik si Alondra sa may gate dahil hinihintay niya si May kasama ang iba pa nilang mga kaibigan at syempre ang kanyang ex boyfriend na si Jeffrey. Usapan kasi nila ay hapon magpunta ang mga ito kinakabahan kasi siya na baka sa umaga pumunta ang kanyang mga magulang pero hindi naman nagtungo ang mga ito. Almost 2 weeks ng hindi niya nakikita ang kanyang mga magulang, simula noong makakuha ito ng pera kay Uncle Hendrick niya, talagang hindi na muna nagpakita ang mga ito. Kaya kahit papaano ay masaya siya at medyo payapa ang kanyang buhay ng wala ang mga ito. Dati palagi pa niyang inaasam na umuwi ang mga ito sa bahay para makasabay man lamang niya sa pagkain, ngunit palagi siya noong bigo. Mabibilang lang sa mga kamay niya iyong mga sandaling nakasaba

