“Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin na hindi naman pala talagang matanda ang asawa mo, pasaway ka nakakahiya tuloy. Napagkamalan ko pa tuloy na anak ng asawa mo, iyon pala siya na mismo yung asawa mo. Bakit ba kasi sinabi mo na matandang hukluban ang mapapangasawa mo. Kita mo nga iyan sobrang gwapo at macho pa.” Sita kay Alondra ng kanyang kaibigang si May. Nasa may gilid na sila ng kanilang bahay sa ilalim ng puno ng mangga na may lamesa sa ibaba. Doon n'ya pinahanda ang mga pagkaing pagsasaluhan nila ng kanyang mga kaibigan. Matapos kasi niyang maipakilala ang mga ito kay Uncle Hendrick niya ay nag-aya na agad siya na magtungo sila doon. Ang kanyang Uncle Hendrick kasi ay ang sama ng tingin kay Jeffrey kahit na tahimik nga lang yung tao, siguro tinitimbang pa nito ang sitwasyon

