Napapakunot ang noo ni Hendrick habang binabasa ang kwentong iyon, sa bawat chapter kasi na kanyang binabasa ay tila ba lumalabas na kwento niya ang story na iyon. Ang lahat ng nakasulat doon ay mga nangyari sa kanila ni Alondra, hindi niya malaman sa kanyang sarili kung anong magiging reaksyon. Pero isa lamang ang nais niyang mangyari, iyon ay ang mapatunayan na ang kwentong binabasa niya ay kwento din nila ni Alondra. Ngunit sa totoo lang, hindi talaga niya alam kung ano ang gagawin. Masyado na niyang minahal si Alondra tapos biglang ganito lang ang mangyayari. Ilang chapter pa nga lang nababasa niya, hindi pa niya lahat nababasa pero mukhang tama nga ang kanyang hinala dahil maging sa paglalarawan ng bahay na nasa story ay kuhang-kuha ang bahay na tinitirhan nila ngayon. Gusto niyan

