Matapos ang ilang sandaling pag-iisip ay minabuti niya na tumawag sa kanyang secretary. Ipinaalam niya dito na okay na siya at babalik na siya sa opisina. Pero natawa na lamang siya sa sinabi nito kaya pala gulat na gulat ito sa sinabi niyang babalik sa opisina, ang alam pala ng kanyang secretary at ng kanyang mga empleyado ay nasa bingit siya ng kamatayan. Nakaratay siya kaya ang namamahala ng kanyang negosyo ay ang mga magulang ni Alondra. Sa totoo lang daw ay gulong-gulo na ang kanyang secretary at mga empleyado dahil nga ang naghahari-harian sa kanyang company ay ang mag-asawa. Naniwala naman sila kasi may kasulatan na hawak ang mga ito na nagsasabi na may karapatan ang mga itong mamahala habang siya ay walang kakayahang magpatakbo sa company. My sign pa nga niya kaya naman madal

